Chapter 14: Love Teams

134 7 2
                                    

A/N: halooo! Guys hahaha UD na nu? Siguro 12351682839303636 years na ang nakalipas bago ko to nagawa ^_^ basta ang mga Love Team dito ang ilan ay totoo at di mababago, ang iba naman di totoo at pwedeng pwedeng mabago. Sorry talaga kasi yung teacher namin nadelay sa FINALS namin tapos nagreview pa ko sorry!!! Mamaya na yung isa pang UD thanks sa lahat Mwah!

*****

Bakit ba biglang nagkaganito si Nic? Sobrang tahimik, walang expression ang mukha nya at hindi nya kami pinapansin. Ako lang pala di nya pinapansin.

"Xy bakit parang di ka pinapansin nun?" -Ara

Nginusuan nya si Nic. Nasa canteen kami. Lunch namin, sya at ako lang ang magkasama dahil si Tris absent, may lagnat.

Si Nic kasama nya yung 2 lalaking gwapo DAW. Tawag ko sa kanila? Breezy Boyz.

"Ewan ko mula kahapon nung sinundo nya ko ganyan na sya" -ako

Nanlaki yung mata ni Ara. Nadura nya pa yung coke na iniinom nya.

"Ano ulet?" -Ara

"Sabi ko sinundo nya ko kahapon. Hinatid nya din ako sa bahay namin" -ako

"Kaya pala..." napangisi si Ara. Parang may alam sya na di ko alam. Ayoko din ng mga Idea nito eh. NakakaGG.

"Kaya pala ano?" -ako

"Ang manhid mo noh!"

"Wow ha. Galing yan sayo Ara"

"Huh?"

"Exactly"

"Kumain na nga tayo. Nagugutom ka lang. Matatapos na break time"

Kumain lang kami ng kumain. Kada kagat ko ay napapatingin ako dun sa area nila. Minsan pa ay nagsasalubong yung mga tingin namin.

Hindi ko pinapahalata na gusto ko syang kausapin. Hindi ko pinapahalata na nag-aalala ko. Ayokong malaman nya dahil paniguradong lalaki ang ulo nun.

"Oy may sakit daw si Tris?" Sabi ni Ara na nakapag-pagising sa lumilipad kong utak.

"Oo sabi ni Tita"

"Ahh pinuntahan mo na Xy?"

"De ah, Hinatid ako ng driver namin sa school eh"

"Ah ako din hinatid ng driver namin"

"Bakit kaya nagkasakit yun?"

"Di ko nga alam eh. Kahapon nga dapat magkikita kami kaso umulan nagtext ako sa kanya ba di ako pupunta tapos di nagreply. Naisip ko baka di na din tumuloy or baka nagtampo din"

"Pahiram nga ng cellphone mo" inabot nya sakin.

Ichecheck ko lang kung nasend nya yung text. Kilala ko si Tris. Hindi yun aalis hanggat hindi dumadating si Ara.

Tignignan ko na. Sabi na eh. Di nasend! Ayun oh may red.

"I knew it"

"Bakit?"

"Hindi nasend yung text mo! Must've been sa ulan. Nawalan siguro ng signal"

"Weh? Patingin nga" Bigla niyang hinablot yung cellphone at napakamot na lang siya sa ulo niya.

"Now we know kung bakit siya may lagnat, it's basically, your fault"

"Hindi ako! yung cellphone yun!"

"Sisihin daw ba yung cellphone?"

Napatayo na siya sa kinauupuan niya at nagsimula ng maglakad.

Growtopia Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon