Chapter 24: What Might Have Been

58 0 3
                                    

A/N: hi din kay Eonnie at kay CrimsonX sorry ngayon ko lang nashout out Hahaha labyuu fo. Hello din kay DirtPrince. Sa lahat ng nagleleave ng message sa bulletin board ko at sa mailbox, thank you. Special Shoutout kay FtMarie nakalimutan ko ung number. Ikaw kasi yung nag-inspire sakin na ituloy to.

*****

Tristan's POV:

Aalis kami ngayon papuntang Tagaytay. Salamat naman! Sa wakas malalayo naman ako sa lugar na to.

"Anak, dun ka na kila Xyra mag-antay"

Tumayo na ako at nauna na sa bahay nila Xyriel.

Pinagbuksan ako ng kasambahay nila at nakita kong nakaupo na sa sala si Tita Xyra.

"Tristan maupo ka muna. Kagigising lang nung dalawa" sabi ni Tita Xyra sakin, Mama ni Xyriel.

Naglabas siya ng cookies at kumain ako. Maya-maya dumating na din sila Dad.

Antagal talaga ng dalawang yun.

Nakukwentuhan sila habang ako nananahimik lang dito. Pati na din si Zeke.

Di talaga kami masyadong close. Masyado kasi siyang tahimik at seryoso. Dagdag mo pa na antagal niya sa Korea. Almost 8 years. Umalis siya nung 5 years old ako.

Parang di ko din siya masyadong kilala. Lagi kasing tahimik.

Habang nakatulala ako at kumakain sa wakas naman dumating na tong dalawa.

Ang ganda talaga niya. Walang kupas.

"Lagay nyo na yung mga gamit sa likod Tris" sabi ni Mama. Tumayo naman agad kami ni Zeke at sumunod.

Sumakay na kami sa Van ng Papa ni Xyriel.

"Arang payatot, palit nga tayo! kay kuya Zeke ka tumabi" sigaw ko kay Ara.

"Eh! dapat babae sa babae lalaki sa lalaki. Hindi kami magkasundo ni Kuya Zeke at isa pa, kapatid mo yun!"

Eto nanaman tayo Tristan, nagpapadala ka nanaman sa ganda niyan.

"Kayo na lang kaya magtabi. Mas okay pa katabi si Kuya Zeke kesa sa inyong dalawa" ayos lang.

Hindi naman siya pinansin ni Ara.

"Bakit ba kasi gusto mong katabi si Xy? ha? Tristang Bakulaw?"

Pigil hininga ako dahil ayaw ko talagang tinatawag niya ang pangalan ko.

"Gusto ko kasing may kadaldalan di katulad ni Kuya Zeke. Masyadong tahimik" palusot pa Tris.

"Naku kung kadaldalan lang ang hanap mo andyan si Xiara!" Kaya nga ako nandito. Kasi nga gusto ko siyang makausap, malay mo pag sinuwerte makatabi ko pa.

Nagkatinginan kami. Hindi ako pwedeng tumingin ng matagal baka mahalata niya.

"Baka gusto mong mapuno ng bangayan ang Van ng tatay mo!" Sabay naming sigaw.

"Teka nga! Siguro may gusto ka kay Xy kaya gusto mong makatabi sya no? Damoves mo yun no?"

Good! Mabuti naman at hindi mo ako pinaghihinalaan.

"Ha? w- wala! dun ka na nga! Bad trip kang payatot ka!"

Wala akong gusto kay Xy.

Growtopia Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon