"Class exams will be next week and the coverage of your exam is lessons 1-7" -Mr. Cerdona
"Sir! Isang Unit na po yun ah" -Edmhel
"Yes" -Mr. Cerdona
"Pinahirapan pa yung sarili manung sinabing Unit 1 lang" bulong ni DL
May gas! Isang unit! Grabe lang. Mamaya magrereview ako sa library. Teka nga. Di na ko nakakapagrowtopia.
Sayang naman baka may bago na. Sakto namang ring na bell at recess na din namin.
"Xy review tayo mamaya sa library" -Xian
"Plano ko na talaga yun. Saka ikaw? Magrereview? Anong espirito ang sumapi sayo?" -ako
"Bawal ba mag-library?" -Xian
"Xy review tayo mamaya sa Library" -Ara
"Oo nga" -ako
"Kasama ako" -Xian
"Ano? Ikaw? Sasama? Magreview?" -Ara
"Alam nyo grabe kayo sakin" -Xian
"Hindi ka nga nagrereview eh. Maski noon pa" -ako
"Gusto ko nang magbago. Mag-aaral na kong mabuti" -Xian
"Asus!!! Magbabago? Matutulog ka lang kamo sa Library" -Ara
Napakamot sya sa ulo. Kilalang-kilala talaga ni Ara ang kakambal nya. Bulakbol yan. Kabaliltaran ni Ara.
"Xy---" -Tris
"Oo na sige na magreview tayo sa library" -ako
"Huh? Sabihin mo kay Mama may gagawin ako. Malalate ako umuwi" -Tris
"Magrereview ka din?" -Xian
"Hinde, bukas na lang. Matagal pa naman yun eh" -Tris
"Ano ka ba! Andami kaya nating rereviewhin. Magreview ka na lang kasi" -Ara
"Di pwede" -Tris
"San ka ba?" -ako
"May gagawin lang kami ni Nic" -Tris
"Anlayo ng sagot mo sa tanong ni Xy. Saan ka tapos sagot mo may gagawin kayo ni Nic. Napaghahalataan ka" -Xian
"Ang sabihin mo maglalakwatsa kayo. Yun lang yun eh. Pwede mo namang sabihin" -Ara
"Tsk! Basta sabihin mo kay Mama ah" -Tris
"Ayoko nga magsinungaling kay Tita. Nakakatakot magalit yun. Saka bakit di ikaw ang magpaalam. Nanay mo kaya yun" -ako
"Sige na please" -Tris
"Ayoko! NO. N-O as in No" -ako
"Ako na nga lang. Akala ko pa naman kaibigan ko kayo" -Tris
Nagwalk-out na siya. Hindi lang ipinaalam sa Nanay hindi na agad kaibigan?
"Ang drama ng isang yun" -Xian
"Oo nga eh ang OA" -Ara
"Hayaan mo sya" -ako
"Recess na tayo" -Xian
Ang labo labo nyan. Bahala sya. Malaki na sya, alam nya na ang tama at mali.
*****
Na sa canteen kami ngayon. Pinag-uusapan ang...
"Grabe! Bawas-bawas muna dun Xi! Mag-eexam na" -Ara
"Dun nga ako naglilibang eh" -Xian
"Ako nga di na din maglalaro muna nung growtopia" -ako
BINABASA MO ANG
Growtopia Love Story
Teen FictionAko si Xyriel Celine Fuentes at wala akong ibang buhay kundi ang Growtopia. Imagine! Dito din ako nagka-Love Life! Exciting ang story, puno ng happiness, Sadness at lahat ng emotions.