Chapter 5: Midnight Snack

128 7 5
                                    

Mabuti naman natakasan namin si Kuya Zeke. Patay kami nyan buti na lang may nakitang babae yun. Tss. Babaero!!!

kumakain kami ng Marshmallow. Yung Chocolate tapos nag-iihaw kami ng hotdog. Hahaha. Andami nang kinain ni Ara. Sya lang ata naka-ubos eh.

"takaw talaga" bulong ni Tris narinig ata ni Ara kaya tumingin sya sabay irap.

Inubos nya yung hawak nyang stick ng hotdog ng isang subuan. At tinignan ng masama si Tris. Eto namang si Tris umirap. So gay. hahahahaha

"game tayo" -Ara

"anong game ba?" -ako

kinuha nya yung bote. "truth or dare" -Ara

"korni" -Tris

"I'm willing to play" -Nic

"Oh si Nic okay" -Ara

"Fine" -ako

"ano ang consequence?" -Tris

"ikikiss yung nagtanong kaya dapat boy to girl. Dalawang beses paiikutin yung bote. Ang unang matapatan ang tatanungin ang pangalawa ang magtatanong. Lahat pwede except ang magpagawa ng Kiss dahil consequence na yun" -Ara

PIna-ikot nya yung bote. Tumapat kay Tris. Pangalawang ikot, sakin.

"Truth or Dare?" -ako

"dare" -Tris

Ano ba magandang dare? Magkagalit si Ara at Tris. Ano kaya magandang pantrip sa dalawang to?

"I dare you na hawakan ang kamay ni Ara at may kasamang eye to eye contact ng hindi kayo nagbabangayan for 20 minutes" -ako

"XYRIEL!!!!" -Ara

"ayoko!" -Tris

"ikiss mo na si Xy" -Nic

"ayoko din!" -Tris

Bigla namang umirap si Ara. "ayaw daw, if I know gustong-gusto nya. Tss" di ko naintindihan yung sinabi ni Ara eh.

"fine! fine!" -Tris

Lumapit sya kay Ara. Hinawakan yung kamay ni Ara tapos hinawakan yung baba ni Ara para iharap sa mukha nya. Naka-indian sit sila ah. Bakit parang KINIKILIG ako? Yung itsura nila grabe!!! KINIKILIG talaga ako!!! Napangiti tuloy ako ng malapad. Namumula ba si Ara? Wow! Posible pala yun even sa katulad ni Ara.

"hindi naman halata na kinikilig ka" -Nic

"may atraso ka pa sakin wag kang ano dyan" -ako

"hindi yun atraso pag na-enjoy mo" -Nic

"sinong nagsabing nag-enjoy ako, excuse me ah, tuwing naalala ko yun nangagalaiti ako sayo"

"kunwari ka pa"

"kapal mo talaga"

"Nasampal at nasipa mo naman ang sensitive part ko"

"Deserve mo naman yun eh"

"Edi deserve mo din ang kiss ko"

"Utot mo"

Kain lang kami ng kain ni Nic. PInapanood lang namin silang dalawa. Bagay pala sila. Aish! KENEKELEG AKO EMEGED!!! Namumula pa din si Ara. Mas mapula na sya ngayon.

"huy! ilang minutes na lang" -Tris

"Nic ilan na lang?"

"aba malay ko kala ko ikaw nagtitimer dyan"

"hala di ako! kala ko ikaw"

"Diba ikaw?"

"Eh!"

Growtopia Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon