Happy Valentines day sa Lahat!!! At Happy ampalaya festival din!!! Thanks for reading
Alam nyo naaawa ako kay FOREVER pinagtutulungan ng mga bitter XD have a nice day!!!
*****
Uuwi na kami ngayon. Hay... 2 weeks na lang pasukan na. AYOKO pang pumasok.
Yung katamaran ko umaatake!!! Makapaggrowtopia muna nga. Nasa banyo si Ara. Isang oras ligo nun kaya magGrogrowtopia muna ko!
Ang ginawa ko lang ngayon dito. Naglibot libot. Bumili ako ng dragon. Trade lang naman. Hindi ako gagastos sayang ipon ko no!
-hi- clauds
-hello-
-wait... Do you know skydoes383-
-andaming nagtatanong sakin kung kilala ko yun!!! Oo kilala ko yun! Peymoux ah-
-hehehe i'm skydoes' cousin-
-sino nagtanong?-
-pilosopo ka ah... Interesting, ano kaya reaction mo kapag nakilala mo ko in person-
-masusuka ko dre-
-siguraduhin mo lang. Kapag hindi ka nasuka patay ka sakin-
-edi wow-
-good luck Xyriel Celine Fuentes-
What?
Paano nya nalaman yung pangalan ko? Epal yun ah. Andami talagang gumugulo sakin!!! Nanahimik ako eh. lumabas na si Ara sa CR.
"Ikaw na Xy"
"Geee"
*****
Papasok nanaman kami...
As usual suot ko ang uniform namin. Isang white na long sleeve, black na chaleco, blue necktie at blue checkerd skirt. Ang arte ng school na to kailangan nakalong socks. Bwiset amp.
Sabay sabay kami papasok nila Ara ngayon. Magkakalapit lang bahay namin at lagi kaming classmates.
Lumabas na ako at pinuntahan ung meeting place namin nila Ara.
Nagulat ako nang makita ko si Nic doon. Ewan ko kung bakit pero nabwiset ako.
"Ano ginagawa mo dito?"
"Simple lang, nakatayo at humihinga"
"Tss" dumating na si Ara at Tris na nagbabangayan nanaman.
"Tara na" aya ni Tris
"Kasama to?" Tanung ko kasi ayoko.
"Oo"
Wala na kong nagawa kaya naglakad na lang kami. Wala yung driver namin ngayon.
Nung nakarating kami nagtilian na yung mga babae dahil andito na ang mga dakilang heartthrob na si Nic at Tris.
"Si Papa Nic!!!"
"Sino yung mga kasama nilang dugyot"
"Oo nga ampapanget ng mga babaeng yan"
"Ang kakapal ng mga to ah. Kala mo kung sinong magaganda. Babangasan ko tong mga to eh" tinaas ni Ara yung sleeves nya.
Basagulera kasi si Ara. Wag na wag mong kakalabanin yan.
"Hayaan mo sila Ara. Mas mukha naman tayong tao kesa sa kanila" sabi ko.
"At Ara sila hanggang tingin lang kayo ni Xy pwedeng pwede na kaming hawakan" hinawakan ng Nic na to ang kamay ko at Inakbayan ni Tris si Ara. Tinanggal namin ang mga kamay nila.
"Umayos nga kayo! Kayo babangasan ko eh!!!"
"Che!" umalis kami ni Ara at nagsilapitan na yung mga fan girls nila sa dalawang yun.
"Ang lalakas talaga ng hangin ng mga bwiset na yun"
"Oo nga eh. Kala mo kung sinong gwapo. Walang mga mata yung mga babaeng yun eh"
"Konti na lang talaga sasapakin ko na sana sila. Buti na lang nakapagpigil ako"
"Si Pearl lang ang pwede mong sapakin okay?"
"Opo"
"Pero maiba nga. Bakit ikaw lang ang nakakalaban kay Pearl? at bakit di ka nya pinapahirapan"
"Lets say na kasi hindi pwede"
"Bakit naman?" Nag-iba ang ekspresyon ng mukha nya at nakasarado ang kamay nya.
"Wala, mauna na ko may meeting ang mga SSG officers ngayon eh" halata kong galit sya. Bakit kaya?
"Sige" dumeretso na ko sa room. Bumungad sakin ang maiingay kong kaklase na walang ginawa kundi magbatuhan ng papel, magharutan at magdaldalan.
"Well well, look whose here" sabi ng demonyo este Pearl pala.
Dinaanan ko lang sya. Kaso hinatak nya yung buhok ko.
"Dont you dare walk-out on me" tinignan nya ko ng masama. Nagpipigil ako ng galit dahil...
Ara asan ka na ba? Pinagbabato naman ako ng papel ng mga alipores nyang bwiset.
"Anong ginagawa nyo ha?!" sa wakas dumating na sya.
"Ikaw talagang babae ka wala ka nang magandang ginawa! First day pa lang gumagawa ka na agad ng gulo! Umayos ka kundi irereport kita!" dinuduro nya si Pearl
"Ow? is Little Ara going to tell her teacher? awww"
"Ako nagpipigil ako. Kapag ako napuno..." Hindi magugustuhan ni Pearl kapag nagalit si Ara. Di na nya makikilala si Ara kapag nagalit na yun.
"Go on tell your Teacher I dont care. Sumbungera" tinalikuran ni Pearl si Ara at ramdam kong punong-puno na si Ara. Sinugod nya si Pearl at pinigilan sya ng classmates naming babae kaso masyado syang malakas kaya lalaki ang sumunod na humatak.
Muntik na si Pearl doon.
"Wag na wag mo kong susubukan! Dahil kapag ako nagalit wala na akong kilala! isuksuk mo yan sa kaibuturan ng utak mo! kung meron ka man" umalis si Ara.
Gulo-gulo ang buhok at damit ni Ara dahil sa paghatak ng mga Classmate naming lalaki.
"Hope you're happy now"
Yan ang dahilan kung bakit president sya ng klase namin simula Grade 5 dahil nung Grade 1-4 iba ang president, si Pearl.
Halatang gulat si Pearl. Umupo na ko at nagsound trip.
As usual kapag klase... BORING kaya nagsound trip ako. Announce ng announce ng chu chu baekek yung adviser namin habang ako tahimik na nakikinig sa music.
Tinatakpan ng buhok ko ang earphones. Dumadaan yung cord sa likod ng damit ko.
(A/N: wag nyo gagawin to! Bad yang ginagawa ni Xy. Nakuha ko yung ideang yan sa classmate ko. Ganyan ginagawa nya kaso lalaki sya at pantakip nya ang kamay at bimpo nya)
Namatay yung phone k
BINABASA MO ANG
Growtopia Love Story
Teen FictionAko si Xyriel Celine Fuentes at wala akong ibang buhay kundi ang Growtopia. Imagine! Dito din ako nagka-Love Life! Exciting ang story, puno ng happiness, Sadness at lahat ng emotions.