A/N: Carmelo in the MM... (Myungsoo aka L of Infinite)
*****
Xy's POV:
"Asan ka kahapon" seryoso niyang tanong. Bigla tuloy akong kinabahan. May itim na aurang pumapalibot sa kanya ngayon.
"A- ano... S- sa"
"SAAN?!"
"Sa puso mo" nagulat ako bigla siyang kumalma at parang napapangiti. "Joke lang kasama ko si DL nagdate kami"
Ooops. Haruchuy! Bumalik yung galit niya.
"Bakit naman kayo nagkaroon ng so called date?"
"Friendly date yun no! Celebration lang"
"Celebration para saan?!"
"Para sayo" naningkit yung mata niya. "Joke lang. Teka nga bat ba andami mong tanong? Naku Nic ha? Nakakaramdam ako na baka---"
"Na baka ano?!"
"Baka nagjejelly ka"
"Jelly?"
"Jealous po"
"Hahaha"
"Oh bat natatawa ka?"
"Because I am so damn jealous" nanlaki yung mata ko sa sinabi niya.
"B- bakit ka naman nagseselos?" He looked at me seriously. Napaatras ako.
"Isn't it obvious?" He walked closer as I moved back. "I" he walked even more. Pero wala na kong maatrasan. "Like" at lumapit pa siya. "You"
Tapos tinitigan niya ako ng matagal at tumalikod.
So sabi niya I tapos Like tapos You?
Edi I Like You.
Teka...
Ay Xyriel!!! So very slow!!! He likes Me?
"Hoy Delos Santos! Matapos mong sabihin yun aalis ka?!" Humarap siya at nakita kong may hawak siyang coke. Coke in a Can.
Kinuha niya lang pala.
"At sino nagsabing aalis ako?" Lumapit siya ulit sakin. This time enough space. Uminom siya ng coke niya. "Liligawan kita".
Magsasalita na sana ako kaso tinaas niya ang isang daliri niya para patahimikin ako.
"Simula ngayon liniligawan na kita. Hindi ko hinihingi ang permiso mo. Wala akong paki. At wala kang magagawa. You will be mine. At walang pwedeng umagaw sayo. Bye future girlfriend"
At dun umalis na siya.
What?! Naku Nic! This is frustrating.
Bakit ba gustong gusto nila kasama ang isang tulad ko? Kung pwede lang kitang tanggihan.
Aasa ka lang. Si DL ang mahal ko.
*****
Tinext ko kay Ara yung nangyari. Yung babae di nagrereply.
Nahiga lang ako sa kama ko. Habang nakatingin sa ceiling.
Pinapasakit ni Nic ang ulo ko!!! Kung sana di niya sinabi yun edi sana maayos pa buhay ko!
Di na tuloy natuloy ung plano niya na pagselosin si Tris.
Speaking of that nalaman ko yung ginawa ni Xian kahapon! Shipper din eh.
BINABASA MO ANG
Growtopia Love Story
Teen FictionAko si Xyriel Celine Fuentes at wala akong ibang buhay kundi ang Growtopia. Imagine! Dito din ako nagka-Love Life! Exciting ang story, puno ng happiness, Sadness at lahat ng emotions.