Chapter 17: Free time

105 4 7
                                    

Xy's POV:

Papasok na sana ko sa room kaso nakasalubong ko si Ara. Mukhang galit eh.

"Ui kakapasok mo lang lalabas ka nanaman" di ako pinansin at naglakad pa. Problema nun. Pumasok na ko sa room. Nakita ko si Tris na hawak yung bracelet nya. Lahat sila tahimik.

Mag-eend of the World na ba? Bakit ang tahimik ng mga boys. 😕

Umupo na lang ako sa upuan ko. Pinili kong manahimik na lang kasi baka mag-ingay nanaman sila pag nagsalita ako.

Pumasok naman yung iba kong classmate. Pati sila nagulat. Tumingin sila sakin nagkibit balikat lang ako kasi di ko din alam.

"Its a Miracle! Why are you so quiet ba?" -Pearl

"Shut up" -Tris

Pumasok naman si Shayne. 4th year-Onyx sya.

"Asan si Ara? Hinahanap sya ni Ms. Evangelista" -Shayne

"Hahanapin ko na" -Tris

"Bakit ikaw pa?" -Rayah

Hindi siya pinansin si Tris. Tinignan ako ni Tris. Alam kong alam nya talaga. At kailangan nyang maka-usap yung babaeng yun.

Wala daw si Ms. Evangelista ulit kaya ayun. Free time. Walang nagsusub...

Antahimik talaga ng boys. Halos wala ngang kagulo-gulo eh. Lahat sila naka-upo sa upuan at kung ano-ano ang ginagawa. Nag-iipod, cellphone, drawing, tulog at kung ano-ano pang tahimik na bagay XD.

Nagulat ako nang nay umakbay sakin. Tinignan ko sya ng masama.

"Tatanggalin mo yan o puputulin ko yang kamay mo" -ako

"Ambrutal mo naman Dude!"

Sumunod namang lumapit si DL.

"Kahit kelan FC ka talaga no? Xy pagpasensyahan mo muna tong si Ewan alam mo naman kasing may pagkaepal yan. Saka mas okay na yun munang ugali ni Ewan ang alam mo" -DL

"Ah ganun ilang personalities ba meron yan?" -ako

"Actually he has 3, yung pinapakita nya sa lahat, yung sarili nya lang nakakaalam at yung side na ayaw mong makita" -DL

"Oo yun yung front side ko Xy" ngumiti namang ng nakakaloko si Edmhel. Bintukan naman sya ni Nic.

"Ano nanaman kinakana nitong si Ewan?" -Nic

Nakapalibot sila sakin. Si Edmhel nakaakbay pa din. si DL nakaupo sa desk. Si Nic nakaupo sa sandalan ng upuan.

"Bakit ba andito ang buong Tropang Electric Fan?" shiete! napalakas ang sabi ko sa isip ko.

"Tropang Electric Fan?" -DL

"Yun yung tawag mo samin?" -Nic

"Bakit naman?" -Edmhel

Tae lang. Wala na din magagawa kung magsinungaling pa ko. Just go with it na lang.

"Tropang Electric Fan kasi ang hahangin nyo!"

Ayan yung leader nyo si Nic AKA Bagyo, si Edmel AKA Ipo-ipo, DL AKA Hangin (hangin lang kasi gwafu nemen telege sye :D), si Tris AKA Air-con di na nila kailangan pang marinig yang iba. Lumaki pa ulo baka dun mapunta lahat ng hangin.

"Paano mo nasabi na mahangin kami?" -Edmhel

"Simple lang. 8 letter word that starts with M, ends with G it describes all of you in one word and its english" -ako

"Di ko gets" -Edmhel

"Ako pinakamatalino yet I dont get it either" -DL

"Ako pinakagwapo so Di oo din gets yan lalo" -Nic

"Yan! Ayan! Yung ginagawa nyo! Ayan yun!"

"Alen? Ang pagsasabi ng totoo?" -Nic

Nasapo ko ang noo ko. Sobrang Hangin talaga ng mga itech!

"Grabe!" -ako

"Ano ba kasi yun?" -DL

"Secret muna. Kapag nahulaan nyo..." -ako

"Ano?" -Nic

"Edi Magaling kayo" -ako

"Ah ayun pala yun! San naman kami magaling?" -Nic

Ngumiti sya ng nakakaloko at binatukan ko sya. Tapos lumabas ako para kumain at maglakwatsa.

Kakain nga ako sa garden pwede naman dun eh. Teka lang bakit parang may tao dito?

Nagdahan-dahan akong lumapit. Si Tris at Ara andito. Alis na nga lang muna ko. Papunta na ko ng classroom ng may nagmomop.

"Kuya padaan lang po saglit" sabi ko sa nagmomop. Tumango lang sya at naglakad na ko.

"Hoy Xyriel!" may nagsigaw sa likod ko. Tumalikod ako para makita. Totoo ba tong nakikita ko?

"Oo totoo ako!" sigaw nya. Tumakbo ako papunta sa kanya at sobrang excited ko ayun nadulas ako at nasalo ako ni Xian.

Edmhel's POV:

Naglalakad kami ngayon. Paikot-ikot lang sa campus. Naguguilty kami sa ginawa namin kay Ara...

Kahit na ba Dragon sya babae pa din sya at sensitibo sa mga ganung bagay.

"Grabe ano kaya yung bugtong ni Xyline?" -Nic

"Xyline? Eh XYRIEL diba?" -DL

"Gusto ko bakit ba. Nickname nya yun" -Nic

"Ang nickname dapat maikli. Eh ganun pa din naman" -DL

"Ano naman? Di pwedeng maging pantay? Bakit yang si Edmhel, Ewan ang palayaw di ka umaangal" -Nic

"Pinaglalaban mo?" pabirong sabi ni DL

"Hoy Xyriel!" rinig naming sigaw.

"Luh! Baka may gumugulo kay Xyline tara!" -Nic

Tumakbo na lang kami at nakita naming nasa bisig sya ng isang lalaki.

Nakangiti si Xyriel at niyakap nya yung lalaki. Pamilyar yung lalaking yun ah.

"Namiss kita sobra!" -Xyriel

"Namiss din naman kita eh. Atsaka madami pa tayong dapat pag-usapan" -lalaking malapit nang bangasan ni Nic

Matatawa ka sa itsura ni Nic. Parang galit na di mo maexplain. Nakayukom yung kamay at Laptrip talaga yung mukha. Si DL di ko alam. Nakatingin lang sa lapag.

"Lika na nga" sabi nya at umalis na kami. Malay ko kung nakita kami ni Xyriel.

Xy's POV:

"Namiss kita sobra!" miss na miss ko talaga tong si Yan-yan!!! Grabe!!! 7 years din kaming di nagkita.

"Namiss din naman kita eh. Saka madami pa tayong dapat pag-usapan" sabi ni Xian. Humiwalay na ako sa pagkakayakap at nakita kong umaalis sila DL. Nakita nila yun? Yaan mo sila. Ano naman kung makita nila?

"Ano naman pag-uusapan natin?"

"An engagement..."

"What?! Really? I'm so happy!"

"Thank you Cee" at nagyakapan na ulit kami. Matagal na naming inantay to. At finally mangyayari na!

At the corner of my eye nakita kong may tumakbo. Sino naman yun?

"Anyway ano naman ginagawa mo dito?"

"Um... somebody might be going to school here and titira na permanently dito sa Manila"

"That's Even better!!! Excited na kong sabihin kay Tris at Ara!"

"Si Tris oo pero si Ara not sure" -

"Sus naman! Ketatanda nyo na pati yan! Naku naman Yan-yan mob on na ah"

"Ako nakamove-on na ewan ko lang sa kanya"

"Ako bahala sayo"

*****

A/N: haloooo! Sino si Yan-yan? Hindi sya si Bryan ah! Baka yun yung iniisip nyo. Si Xian sya. Siguro naasar kayo kay Yan-yan no? Comment your thoughts and opinions XD. Mantotorture muna ko hahaha!!!

Growtopia Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon