A/N: di ako makapagreview hahaahahha, walang pumapasok sa utak ko kaya nag-UD na lang ako. Sabi ko nga tutuloy ko na to hahahahahaha.
PS. Baka sa time na na-publish ko to tapos na yung exam. (08|14|18) skl HAHAHAHAH.
*****
Xy's POV:
Parang ilang araw ko na atang hindi nakikita si Pearl. Asan kaya yon?
Hindi naman sa namimiss ko siya pero, sana hindi na siya magpakita ulit. Naglalakad ako sa school ngayon magisa. Si Ara may sakit, si Tristan nauna na, si Nic iniiwasan ko.
Pano ba naman kasi napakabolero. Ang awkward ko sa tao. Anti-social nga eh.
Patawid na sana ko ng bigla kong nakarinig ng pangalan ko. Kilala ko na yung boses na yon taenayan.
"Xyrieeeeel!" sigaw niya.
Dali dali akong tumawid kahit buwis buhay. Muntik pa kong mabundol nung tricycle. BASTA KAILANGAN KO LAYUAN TO.
"HOY! Baka madisgrasya ka!" Habol siya sakin.
Layuan mo ko please! Di nagtagal napagod ako tas nahabol niya.
"Bat mo ba ko tinatakbuhan? May sakit ba ko?" Asar na tanong niya.
Di ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na hindi ko siya gusto at ayaw ko siyang paasahin.
"Wala! Gusto ko lang!"
"Sabog ka ba? Anong gusto mo lang? Muntik ka na nga masagasaan sa kakaiwas mo tas gusto mo lang?"
"Bakit ba?! Gusto ko ng mamatay eh!"
"Wag muna papakasalan pa kita"
Natulala ako sa sinabi niya. S- siraulo ba siya?! shet Xy wag! Wag diyan! Papa DANILO tayo.
"Pffft!" Sabi niya sabay tawa ng malakas. "Yung mukha mo laptrip HAHAHAAHHAHA" mas laptrip mukha mo pakyu.
"Share mo lang?" Sabi ko sabay walk-out.
"Uy sorry na, eto naman hindi mabiro" sabi niya.
"wag mo ko kausapin"
"Tatampo ka naman agad" di ako sumagot. "Uy pansinin mo ko" hinarangan niya yung harap ko. "Sorry na kasi"
Inirapan ko lang siya at naglakad. Nakapasok na kami ng gate at hindi ko pa din siya pinapansin at panay sorry pa din siya hanggang sa classroom.
Nakita ko si Tris kaya maganda to! May escape ako!
"Tris!" Sigaw ko. Pero parang hindi siya okay? Iba yung mukha niya, nakatulala. Si Nic naman napatigil din.
"Anong nangyari diyan?" Tanong niya.
"Ewan ko, diyan ka lang kakausapin ko" pinigilan niya pa ko kaya tumingin ako. "Ano?"
"Wala" sabi niya sabay bitaw.
Nilapitan ko si Tris pero parang di pa din niya ko napapansin.
"Tristan" ayaw pa din. Bakit may bandage yung kanang kamay niya?
"Tristan?" Lah ayaw.
"TRIS!" Shet ano ba gusto nito?
"ARA!" Ayan diyan ko nakuha atensyon niya napatingin siya sa pinto. "Inaabangan mo pala" sabi ko habang naka-smirk.
"Sino?" Patay malisya pa sos.
"Yung iniisip mo. Ang lalim ah? Kanina pa kita tinatawag di mo naririnig"
"Seryoso?"
"Oo, sa Ara ka nagising" natulala nanaman si Tris. Nako naman ang lakas ng tama nito kay Ara "HUY TRISTAN GISING!"
BINABASA MO ANG
Growtopia Love Story
Teen FictionAko si Xyriel Celine Fuentes at wala akong ibang buhay kundi ang Growtopia. Imagine! Dito din ako nagka-Love Life! Exciting ang story, puno ng happiness, Sadness at lahat ng emotions.