1

9 1 0
                                    

"Magbreak na tayo!"

Andito kami ngayon sa likod ng school building. Okay na dito atleast walang makakita sa drama shooting na ginagawa namin. Ayaw ko naman kasing pagchismisan. Nakipagrelasyon pa lang ako sa isang 'to, malashowbiz na 'yong naging school life ko eh. And take note, wala pa lang kaming isang buwan, andami ng intriga, 'yong iba gusto na mag-on kami, yong iba na man, hindi. Inggiterang shokla lang?

'Pag nalaman ng mga radio de baktas na maghihiwalay na kami, nako magdiriwang 'yon. Mga malalanding putek? Tang'ama. 

"Jan, makinig ka nga muna."

"Anong makinig? Malinaw na sa'kin ang nangyari. May plano ka lang din naman pa lang hiwalayan ako after a month, eh unahan na kita. Bakit ko pa sasayangin ang oras at panahon ko sa 'yo? Ano past time lang? May deadline? Sa gusto ko at sa gusto ko, magbreak na tayo, ngayon na. Bakit paaabutin pa ng isang buwan?"

"Jan! Jan!"

Hindi ko na nilingon pa ang kumag, anong akala niya sa 'kin, marupok? Matapos niyang ipagkalat sa barkada niyang hihiwalayan niya ako after a month, mag e'expect siyang ipagpapatuloy ko pa ang relasyon naming walang kwenta? Malas niya lang at narinig ng kaibigan ko.

"Oh anong nangyari?" Tanong ni Ahlessia ng makita akong naglalakad palabas ng school gate.

"Hiniwalayan ko na."

"Ano bang sabi?"

"Hindi na 'ko nakinig sa paliwanag, nairita ako sa presence eh. 'Di ko kayang magtagal do'n na kami lang dalaw~~ Aray! Ba't ka nanghahampas?"

Takte! Ang sakit ah? Nanghahampas na naman ang bukog na'to

"Ba't di mo man lang hinayaan magpaliwanag 'yong tao?"

Bakit nga ba?

"Ugh ewan. Ayaw ko nga magtagal do'n."

"Atleast man lang hinayaan mong magpaliwanag 'yong tao."

'Eto na man si mama oh, Haha. Si Ahlessia kasi, siya ang pinaka'mature sa aming magbabarkada. Nagtatama sa lahat ng mga pagkakamali namin , idagdag mo pa ang pagiging ma'drama na natutunan niya sa pagbabasa ng mga wattpad stories. Pati paghampas at pagmumura, kuhang-kuha eh. Hwa'g mo lang patawanin, daig pa kasi nitong bata kung tumawa, pumapalakpak ta's nagpapapadyak .

"Teka nasa'n ba si Rendellah?" Tanong ko nang mapansing wala ang isa ko pang malditang kigwa.

"Ewan, baka nauna na, nabadtrip 'yon kanina eh. Alam mo namang may dalaw 'yon araw-araw."

Oo nga naman, napakashuldeta ng isang 'yon. And by the way, siya ang nagsumbong sa 'kin tungkol sa kabulastugan na ginawa ng magaling kong ex.

"Tara! Foodtrip muna tayo, nagutom ako sa shooting namin kanina ni Kier eh."

At kumain nga kami. Nakagawian na naming kumain dito sa stall ni Manang Linda after the period. Ang sarap kasi ng mga pagkain dito, may mga shiomai, fries, takuyaki, pruben, at marami pang iba. Tambayan rin 'to ng mga lovers na kala mo naman eh magtatagal.

"Hoy balita ko nagbreak na kayo ni Kier. Anyare?"

Wooow lumapit lang para maki-chismis? Ang bilis yata? Chismosang piranha.

"Alam mo chismosa ka eh, noh?" Si Ahlessia na ang bumara, ramdam niyang ayaw kong pag-usapan 'yon.

"Nagtatanong lang naman eh."

Umalis na lang siya nang walang marinig na matinong sagot mula sa'kin. Kahit kaklase ko siya, at hindi naman sa pagiging bastos pero ayoko lang talaga pag-usapan 'yon. I have the right to be silent afterall.

I was checking my messenger habang kumakain, and there I saw a message galing kay Jahnreil Alefranco.

Wow! Akalain mo ba namang makakareceive na naman ako ng message galing sa isang sikat at gwapong nilalang mula sa daigdig ng mga atleta, idagdag mo pa ang puting balat na parang binadbad sa harina sa sobrang puti.
Haha ang swerte ko na man yata, daig ko pa ang beauty ng isang impaktang sinampal nila Kathryn, Liza, Nadine, Janella at Julia, sge idagdag pa natin si Catriona at Pia. Ano na?

"Hi" sent 4:39 pm.

"Oh may bago?" Tanong ni Ahle habang nakatingin sa screen ng phone ko.

"Wala."

"Bagong bibiktima sa 'yo."

Inirapan ko na lang ang bukog. Duuuh ~~

*****

Hello SadnessWhere stories live. Discover now