Today is thursday at andito kami ngayon sa school gym for our graduation practice. Kung nagtataka kayo ba't ako andito. Well, nakalabas na si mama sa hospital kahapon. Actually I was planning to skip the practice para maalagaan muna si mama anyways may one week pa naman before the graduation pero nagpresenta si papa na siya na lang muna mag-alaga kay mama. Tsaka medyo bumubuti na rin ang lagay niya. Hindi na kami nagtagal sa hospital baka lumubo pa ang bills namin do'n.
Speaking of bills. I haven't told you na napilitan akong umutang. Yes, my SSS at PhilHealth si mama tas mga tulong galing sa mga kamag-anak namin pero kumulang 'yon kasi ang daming niresetang gamot kay mama. Babayaran ko 'yon 'pag nagkatrabaho na ako. Balak kong pasukan 'yong in'offer ni Ahle sa king trabaho sa publishing company. Okay na 'yon for summer job.
We're having our break at this moment. Kaya heto kami sa isa sa mga benches ng gym at kumakain.
"May nabanggit ka sa 'min kanina na may chika ka. Ano 'yon?" Tanong ni Yen sa 'kin. Oo nga pala, nasabi ko kanina na may gusto akong i'open up.
"Ah, yon nga. Ano, si Luke kasi~"
"Anong meron kay Luke?" Heto na naman si Ren sa pagiging mausisa mode niya. Hindi pa nga ako nakapagsisimula eh. Dragona talaga.
"Niyaya niya akong lumabas." Direkta kong sabi sa kanila.
"As in date?!" Grabe. Isa pa 'tong si Ahle sa exaggeration mode niya eh. Ang laki ng bunganga. Haha.
"Hindi as in date. Ano, bali pambawi lang sa kabutihan niya. Gano'n." Halatang interesadong makigchikahan ang dalawa. Samantalang si Ren, hinahanapan ako ng butas, inuusisa ako na 'kala mo naman ang laki ng kasalanan ko.
"Anong pambawi sa kabutihan?" Hala heto na ang dragonang kigwa, papalabas na sa katawan ni Ren.
Itutuloy ko pa ba. H'wag na lang siguro. Baka mapraning. Chouress.
"Ganito kasi 'yon. Niyaya ko siyang lumabas. I mean i'lilibre ko siya."
Nagulat kaming tatlo ng biglang tumili si Ahle. "Tapos, pumayag siya?" Pahong 'tong si Ahle eh. Dapat patapusin niya muna ako.
"Hindi."
"Ha?!" Sabay sigaw nilang tatlo.
"Hindi siya pumayag na ako magyaya kaya siya ang nagyaya sa 'kin. Kapag pumayag daw ako, bawi na raw ako."
Tumili sila Yen at Ahle habang si Ren nakatingin lang sa'kin at kila Yen at Ahle habang iniinom ang buko juice na nabili namin kanina.
"Kinikilig ako. Tang'ina." Nasabi na lang ni Yen at tumili ulit silang dalawa ni Ahle. Nagsitinginan na rin ang mga studyante dahil sa tili ng mga kolera kong kaibigan. Nang mapansing nakatingin ang ibang studyante sa may gawi namin, parehas nilang tinakpan ang kanilang mga bibig.
"So magd'date kayo? Kailan?" Pabulong na tanong ni Ahle.
"Ngayong sabado. Pero kasi~ ano."
"Pero? Kasi? Ano?" Sabay nilang tatlo.
"Hindi ko alam kung matatawag ba na date 'yon."
"It's not a date." Pagsagot ni Ren. Napalingon kaming lahat sa kaniya.
"Kung hindi 'yon date ano tawag do'n? Sige nga?" Paghahamon ni Yen kay Ren.
"Pwede namang hang out lang 'yon." Sagot ni Ren. She has a point. It could be just a hang out of two persons of opposite sex. Tama, masasabi mong date 'yon if two of you are socially or romantically going out while hanging out is spending some time with friends for the purpose of knowing each other. I remember his chat last time, 'Let's have some time knowing each other.'
YOU ARE READING
Hello Sadness
Teen FictionI'm sorry I wasn't there in your distress. I'm sorry because I left when you needed me the most. I'm sorry if the dreams we build together collapsed. And I'm so sorry 'cause I wasn't able to make you part of my dreams anymore.