"CONGRATS" Luke sent 4:28.
"Salamat." Period. Baka akalain niyang napaka-unfriendly ko naman. Pero 'yon lang.
"Galing natin ah."
"Anong natin, ako lang."
"Confident."
"Tapos? May problema ka sa confidence ko?"
"Wala naman." Seen.
Ayaw ko nang reply'an pa ang kumag. Baka masira na naman ang perfect kong araw. Nakakapagtaka nga lang kung pa'no niya nalaman eh hindi naman kami magkaparehas ng school.
"Sino 'yan?" Tanong ni Ren. Heto na naman siya sa pagiging mausisa niya.
"Wala naman, may bumati lang." Kumasa sana.
"Bakit parang masisira na ang phone sa bigat ng kamay mo?"
"May something?" Pang uusisa rin ni Yen.
"Anong chika natin ngayon?" Isa pa 'tong si Ahle eh.
"Wala nga."
"Hindi ka marunong magsinungaling." Pwede ba Rendellah.
"Chika na bilis." Isa ka pa Yen.
"Isa."
"Okay, fine. I just met another guy."
"Na naman?" Tanong ni Ren.
"Mali 'yang iniisip niyo. Wala akong planong patulan 'to."
"Nakakapanibago." Pang-aasar ni Ahle.
"Epekto ng pagkapanalo? Birhen-birhenan gano'n?" Puna rin ni Yen.
"Last na nga 'yon. Pass muna ako d'yan. Nadala na ako."
Swear ayoko na talaga. Tsaka hindi na man to nanliligaw. Nambi-bwst lang gano'n. Kahit gusto ko si Luke for 4 years na, ayoko maging marupok. Tsaka hindi rin naman nila alam na four-year crush ko siya, noon. Take note. Noon ha? Noon. Hindi na ngayon. Nakakaturn-off. Napakaplayboy type. Galawang Reil. Shuta.
Hindi na sila nagsalita pa. Sa tingin ko naman nakumbinsi ko na sila. Ayoko muna ng panibagon lovelife. Kung noon, ang dami kong naging boyfriend, 'yong pagkatapos ng isa may bago na naman. Siguro nga karma ko na 'yong nangyari sa amin ni Reil.
~~~
Quarter to 6:00 na nang makauwi ako ng bahay. Naikwento ko na rin kila mama ang nangyari sa event. Sobrang saya ni papa nang mabalitaan 'yon.
Tapos na rin kaming maghapunan. Sila mama't papa ayon sa sala nanonood ng k-drama habang si Jull busy sa kanyang assignment, graduating kasi. Sa elementary.
Andito ako ngayon sa kwarto. Naka-earphones at nakikinig ng music.
"Janniene?" Sent 7:43
Ano na naman kayang panibagong katarantaduhan ang hinahanda ng dagang 'to?"Oh problema mo, Luke. Mangwa-wakwak ka?"
"May tanong ako."
"Hindi ako interesado."
"Edi h'wag. Hindi ko na lang itatanong kung andyan ba mama mo."
"Bakit mo hinahanap si mama."
"Akala ko ba hindi ka interesado?"
Tarantado. Nang-aasar eh?"Ano ba kasi?"
"Galit ka Janniene?"
Kung alam mo lang. Binatukan na kita kung andiyan lang ako eh."Bahala ka nga."
"Teka. Sabi ni mama na pakisabi daw sa mama mo may gamot daw siya dito para sa namamagang paa ni tito."
Tito your tits. Tito tito?"Pakisabi kay Ante. Thank you sa concern."
"Sa akin hindi ka magpapasalamat? Ako nagmessage sa'yo."
"Sa mama mo nalang hingin 'yong pasasalamat na sinasabi mo. Siya nag-utos sa'yo diba?"
"HAHAHA." Seen.
Tawa ka d'yan. Mapasukan sana ng langaw bunganga mo.
"Goodnight, Jan." Sent. 8:13
Bahala ka. Goodnight your tits.
******
YOU ARE READING
Hello Sadness
Teen FictionI'm sorry I wasn't there in your distress. I'm sorry because I left when you needed me the most. I'm sorry if the dreams we build together collapsed. And I'm so sorry 'cause I wasn't able to make you part of my dreams anymore.