5

6 1 0
                                    

"Tara na. 'Nak Janniene, paki-lock na ang pinto."
Pupunta kami ngayon sa bahay ng kaibigan ni mama, birthday niya kasi ngayon at imbitado kami. Kasama rin namin si papa, medyo nakakapaglakad na rin  siya nang mabawasan na ang pamamaga ng paa.

"Opo, ma."

Nakasuot lang ako ngayon ng white loose shirt tas pantalon at sneakers. Ganito kasi talaga ang fashion sense ko eh. Ewan, naiilang kasi akong magsuot ng mga damit na masyadong spooting tingnan. Mas komportable ako dito. Wala lang skl.
--

"Amy buti nakarating ka. Dali pasok kayo." Bati ni Ante Brenda kay mama. Ngumiti lang si mama at bumati ng 'happy birthday' kay Ante.

"Oh Julio, kamusta na naman na ang mga paa mo?" Pagtatanong rin niya kay papa.

"Okay lang, 'pag makakainom lang ako ng alak, bubuti rin 'to." Sinamaan siya ng tingin ni mama. Samantalang kami, tumawa na lang sa banat ni papa. Si papa talaga.

"Hala Janniene, buti at nakapunta ka." Pagbabaling niya ng atensyon sa'kin. Ngumiti lang ako at nagmano bago naupo.

"Ang laki mo na Jull." Baling niya rin kay Jull, agad na man itong nagmano kay Ante at naupo rin sa tabi ko.

Nasa kalagitnaan ng pag-uusap sila mama at ante nang may lumabas na lalaki mula sa isang kwarto ng bahay.

Napatigil ako nang makitang familiar ang mukha nito.

Siya 'yong batang nakilala ko four years ago. 'Yon 'yong panahong nagkaroon ng family gathering between sa mga katrabaho nila mama. Not to mention, he was my four-year crush, nagka-boyfriend na ako at lahat-lahat pero di ko pa rin makalimutan ang maamo nitong mukha. Who would have thought na magkikita kami ulit, diba?

"Hi." Hindi ako mapakali nang batiin niya 'ko. Nakakailang. Pisti. 'Di pa ko nakakamove-on sa hayop kong ex tapos 'eto lalandi ako ulit. Malanding damo ka talaga Jan.

Ngumiti na lang ako bilang pagbati na rin. Umurong dila ko, puta! Kaya kong maging casual ano ba? Relax. HAHA gwapo lang 'yan. Ako 'to.

Kumakain na kami ngayon and guess what, magkatapat lang kami. Isang table na lang kasi ang available dito, sila mama andun kasama sila papa at nakikipagchukchakan sa mga kaibigan nila, si Jull ando'n rin.

Nakakailang. Pisti. Parang nakakahiyang lantakan ang pagkain, eh. Pati ba naman pagsubo kailangan kong dahan-dahanin. Tang'ina, paalisin niyo nga 'to dito.

"Uy kumain ka pa." Bigla akong nabilaukan nang magsalita siya.

"Tubig~~" Natigilan siya ng~~ Pisti! Nakakahiya.

Okay lang sana kung mabilaukan lang, eh. Ba't pa sumali ang utot? Nakakahiya talaga! Sa harap niya pa talaga?

"Eto oh tubig." Inabot niya ang tubig sa'kin, halatang natatawa ang puta. Sana hindi niya napansin 'yong utot.

Tumayo na rin siya. Siguro tapos na siyang kumain.

Paalis na sana siya nang~

"Ahm kung gusto mong mag CR ando'n sa bandang 'yon 'yong CR." Wtf!

"Umalis ka na nga! Dami mong sinasabi!" Tumawa lang ang loko. Habang ang mga bisita ay natigilan sa biglaan kong pagsigaw.

Tang'ama! Nakakahiya! Parang mababaliw na 'ko dito.  Kaya ba tinapos niya ang pagkain niya kasi umutot ako? Puta! Kailangan ko nang sagot.

Tapos na 'kong kumain pero hindi pa rin ako umaalis dito sa table. Nakatutok lang ako sa phone kasi naboboryo na 'ko dito.

----

Hapon na nang maisipan na nila mama na umuwi. Kaya nagpaalam na kami kila Ante.

"Mag-ingat kayo sa pag-uwi." Bilin ni Ante.

Napatingin lang ako sa kaniya, nanliit ang mga mata ko nang makitang nagpipigil na naman siya ng tawa. Ano? Hindi pa ba siya tapos?

Bago pa man ako tuluyang makalabas ng gate~

"Uy teka, 'yong pudding mo nahulog." Sabay turo sa baba.

"Joke lang." At sumagalpak ng tawa. Wt! Close tayo? Close?

Putek! Akala ko talaga nahulog.

"Hmm . Tawang-tawa Luke?"

"Hmm. First name basis Janniene?" At ngumiti nang nakakaloko.

"Ay sorry ha? Hindi ko alam na 'bobo' pala ang dapat kong itawag sa 'yo."

"Correction. Babe. You can call me, babe."

Ito lang masasabi ko. Playboy type, turn off. Period.

How many conversations are we going to share? Sa oras na bubuka ang bunganga nito, puro kapang-asaran na lang lagi.

Nakooo~~ H'wag na sanang mag-krus ang landas natin Luke Jared Vergara.

*****

Hello SadnessWhere stories live. Discover now