9

6 0 0
                                    

Today is March 19.

Andito ako ngayon sa Provincial Capitol sa may Sports Complex, nakaupo lang ako sa may bench habang kumakain ng fishball at kikiam. Tapos ko na kasing naayos ang mga requirements ko for scholarship, magko-kolehiyo na ako mga bakla.

Pinapanood ko lang mula rito ang mga football players na naglalaro sa field, mga athletes na nagt-training sa oval at mga couples na nakaupo sa may damuhan.

Tuwing sumasapit ang 19, I can't help but to remember Reil. Iniisip ko kung kami pa hanggang ngayon, 19 is supposedly a happy day for me. Pero hindi, it would only remind me of sadness.

Nasa kalagitnaan ako nang pag-iisip nang may biglang kumuha ng isang fishball mula sa cup ko.

"Patikim." Anak ng mushroom.

"Ano ba Luke? Kabote ka ba?"

"Hindi."

Inirapan ko na lang.

"Ba't ka nga pala nandito?"
Napatingin lang ako sa kaniya. Pero agad ko namang ibinaling ulit ang atensyon sa mga naglalaro.

"For scholarship." Tumango lamang siya bilang response.

"Salamat nga pala sa ginawa mo last time."

"Yon ba? Wala 'yon."

Ngumiti lang ako ng pilit at ibinaling ang tingin sa cup kong konti na lang ang laman.

"Uhm, curious lang ako, sino ba 'yong lalaking 'yon."

"He was my ex."
Napansin kong tumango lang siya.

"Alis na 'ko."

"Hatid na kita. Nagdala ako ng kotse."

I haven't mentioned you na may kaya sila Luke. Marami rin silang business deals. At may iba rin silang business bukod pa diyan kasama ang parents ng pinsan niyang boyfriend rin ni Ahle. But not that wealthy na may malalaki ng kompanya. 'Yong above average lang gano'n. Kaya hindi na shocking kung may mga properties sila inside and outside the city, including cars.

"Kaya ko na sarili ko."

"Sige na. Tapos na naman ang training namin eh. Pauwi na rin ako."

Hindi na ako nagmatigas pa. He insisted afterall kaya okay lang. Mabuti ng makatipid.

~~~

Nagpababa na lang ako kay Luke sa school namin. Gusto kong humabol sa afternoon class, sayang na man kasi.

"Thank you."

"You're welcome, ingat ka."

Ngumiti lang ako sa kaniya bago bumaba.

Pagpasok ko sa school gate, there I saw Kier. My ex. Nakaupo sa may bench near the school gate. Ngumiti lang ako sa kaniya bilang pagpansin.

Idunno, I just walking in the corridor the last time (sobrang tagal na, Grade 11 pa lang yata ako no'n) tapos bigla na lang kami nagpansinan until nagkaroon nga kami ng closure. Hindi naman kasi talaga ako nagalit kay Kier, nainis lang. Barumbado rin kasi ang hinayupak pero at the same time matino rin. Soft hearted and seryoso kung magmahal which I didn't notice when we're still together.

"Oh ex, sa'n ka galing?"

"Capitol, nag-ayos ng requirements for scholarship." Naupo na rin ako sa bench katabi niya. I guess malalim ang pinagdaanan niya base sa hitsura niya ngayon.

"Are you okay?" Hindi ko maiwasang itanong.

Umiling lang siya bilang sagot, at ngumiti ng pilit. Bigla akong nalungkot para kay Kier, he was a type of man na parang hindi nalulungkot and now I can see how miserable he was. I just realized he can't always hide his feelings sa pamamagitan ng pagiging maloko.

"We broke up." Agad akoang napatingin sa kaniya. He means his almost two-year girlfriend?

"I tried to save our sinking relationship at ang hirap. How can I save our sinking relationship kung siya mismo ang gustong lumubog na 'to?" I felt that.

Hinayaan ko siyang ilabas lahat ng nararamdaman niya, he needs to. Its just so light na nagawa niyang maglabas ng nararamdaman sa taong minsan niya ring naging karelasyon.

Maybe, he has no one to talk to. Everyone sees him as a 'happy-go-lucky-person', "take-it-or-leave-it-minded' and a 'man-who-doesn't-care-at-all. Who would have thought he's been suffering this way sa lagay niyang mapagbiro?

"I just woke up in the morning na makikipaghiwalay na pala siya. Ang saya pa namin last week eh, sobrang nabigla lang ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin."

I'm still listening. Nasasaktan ako para sa kaniya. I can feel it, he truly loves his girl.

"I just found out na may iba na pala siya, she keeps on denying it pero halata na man. I just saw her mentioning him sa isang sweet post. Bago pa lang nangyari 'to, malamig na siya. Kaya I tried to pull her back but she's pulling herself away from me as well. Wala akong magawa, hindi na siya masaya dito eh."

Napayuko na lang ako, I know how it feels to be cheated.

"Madami rin nakaranas ng ganiyan. Nasasaktan tayo not just because they cheated on us. Ang disappontments ay nananakit rin. We are expecting too much, we spend so many time, so many efforts, we store lot of memories. Pero in just a one moment in time, everything will fall apart. Dinudurog tayo ng tanong kung saan at kung ano ang kulang. Kier, we need to move on but acceptance isn't just enough. We also need to know our worth and what we deserve."

And there I saw for the first time how he gave off his one tear.

"Thank you."

******

Hello SadnessWhere stories live. Discover now