Two hours after we had our lunch, naisipan ng umuwi ni Luke. Sa loob ng dalawang oras na 'yon, wala kaming ibang ginawa nila mama at Luke kundi makigchikahan. I just can't believe na chikadurong pusang gala pala 'to si Luke. Akalain mong ang daming baong kwento.
Isa sa mga naikwento niya ay 'yong katabi niyang umutot habang nagle-lecture ang teacher nila. 'Yong utot na may tunog. Tapos biglang natigilan ang lahat sa tunog ng utot, tsaka tinanong ng teacher nila kung sino umutot. Akalain mo ba namang siya ang ituro ng salarin. HAHAHA (salarin talaga?) Kaya ayon, siya 'yong napagkamalan. Tuwang-tuwa si mama.
May isa pa. No'ng time na 'yon, bored siya sa lecture ng guro kaya ang ginawa niya ay mag-browse na lamang siya sa Facebook. Syempre sa Fb may mga videos, no'ng time na yon naka-auto play daw. Biglang na'play ang video nang isang riot at nagulat ang lahat (hindi lang siya kundi ang lahat) nang iba ang tunog na narinig sa mismong video. Sino bang mag-aakala na ungol pa la 'yon ng babaeng inaano (alam niyo na). At ito si tanga, hindi pala hininaan ang volume HAHAHA. Sa sobrang pagkataranta niya, nahulog niya ang phone pero hindi parin tumitigil ang ungol. Pati guro nila nagulat kaya ayon na-confiscate ang phone niya. And worst, kailangan na ang mama niya ang kumuha. Napilitan daw si ante na pumunta ng school para lang makuha 'yong phone niya.
Hindi ko na ibabahagi lahat, ang dami kasi. HAHAHA Heto na pauwi na si Luke. Naisipan ni mama na ihatid ko siya sa labas. Okay lang daw na maiwanan siya saglit, medyo okay na naman si mama. In fact, makakalabas na siya bukas.
"Luke?" Natawag ko ang pangalan niya habang naglalakad kami palabas ng hospital. Kaya nilingon niya ako.
"Hmm?"
"Thank you." Nasabi ko habang nakangiti ng pilit. Medyo nahihiya ako sa dami na ng nagawa niya sa 'kin. Kailangan kong bumawi.
"Sa cake ba? You're welcome." Nasabi niya habang nakangiti. He looks so adorable and genuine kapag ngumingiti.
"Hmm oo, at sa pag offer mo na bantayan si mama."
"Sus wala 'yon."
"Kailan ka free?" Natigilan siya sa tanong ko. Teka? Tama ba ang way ko ng pagtatanong?
"Bakit mo natanong?" Hala!
"K-kasi, ano. Ahm. Ili-libre sana kita ng pagkain. 'yon lang kasi naiisip kong paraan para makabawi sa 'yo. That is kung okay lang?" Sa gestures niya ngayon parang nag-iisip siya kung papayag ba siya o hindi. Hindi ba nakakahiya ang ginagawa ko?
"Pag-iisipan ko." Pag-iisipan. Hala. Baka ayaw niya talaga. Jusmio Jan. Pwede naman sigurong magbigay ka nalang ng regalo diba or any offers. Teka? Ba't ngayon ko lang naisip 'yon? SiuHocTongneneng ba't ka manlilibre, may pera ka? Wala na, nagawa ko na. Tanga!
*****
Almost 30 minutes na simula no'ng umalis si Luke."Ang bait ni Luke 'nak no?" Biglang nasabi ni mama na nakangiti habang tinitingnan akong nag-aayos ng mga gamit niya. Nanonood lang naman siya ng tv pero bigla na lang niyang nabanggit si Luke.
Hindi ko nasagot si mama bagkus pinagtuunan ko na lang ng pansin ang pag-aayos.
"Nak? Anong tingin mo kay Luke?" Natigilan ako sa tanong niyang 'yon? Ano nga ba ang tingin ko kay Luke? Yes, gwapo siya, mabait, humurous at napaka-masiyahing tao. Pero 'yong lang naman yata, nothing more nothing less.
"Okay lang." 'yan lang ang nasagot ko kay mama.
"Ang layo yata ng sagot mo?" Napatingin ako kay mama. Parang may gusto siyang itanong, yong specific, pero nag-aalangan siya.
"Be specific ma. Anong gusto mong itanong sa 'kin tungkol kay Luke?" Confirm, base sa gestures niya nag-iisip siya ng tamang itatanong.
"I mean, gwapo si Luke, mabait tsaka mapagbiro. Wala ka man lang bang nararamdamang pagkagusto sa kaniya?" I don't know. Pagkagusto can be both gusto mo 'yong tao maging kaibigan dahil mabait siya o gusto mo ang tao more than just a friend. Let's paraphrase the question. May gusto ba 'ko kay Luke?
"He's a good friend." Friend? I don't even know if we consider both as friends. "I mean, kilala ko lang siya sa pangalan niya, not a friend but a good acquaintance. That's it." Napatango siya suspiciously. Parang hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko.
A moment later, nag chat si Luke.
"Nakauwi na ako." Sent 2:23
"Good" I replied.
"About sa tanong mo kanina. Hindi ako payag." What?
"I mean hindi ako payag na ikaw ang magyaya." He added. Kinabahan ako bigla.
"Ano ibig mong sabihin?"
"Let's have some time knowing each other. Libre ko." Wait, date ba 'to?
"Teka. Pa'no ako makakabawi niyan kung ikaw ang gagastos?"
"Pumayag ka lang Jan, bawi ka na."
Seryoso? Nanatili lamang akong nakatitig sa screen ng phone ko."I'll meet you this Saturday. 3:00 PM sharp."
I don't know what to reply. Na-ubusan ako ng salita.Is it a date? O nag-a'assume lang ako na date 'yon? Tubag please.
YOU ARE READING
Hello Sadness
JugendliteraturI'm sorry I wasn't there in your distress. I'm sorry because I left when you needed me the most. I'm sorry if the dreams we build together collapsed. And I'm so sorry 'cause I wasn't able to make you part of my dreams anymore.