17

4 0 0
                                    

They say "Life is very complicated. Don't try to find answers. Because when you find answers, life changes the questions." Indeed. Sa tuwing nakakahanap na tayo ng sagot, may bagong tanong na naman na ibibigay ang pagkakataon. Walang katapusang tanong.

"Anak, nandiyan na si Luke."

"Oo ma. Andyan na."

Alam ni mama na may lakad kami ngayon ni Luke. Nang humingi ako ng permission kay mama't papa tungkol dito, medyo nabigla sila. Si papa medyo nag-iba ang templa, si mama naman nakangiti. Pumayag si mama pero si papa hindi umimik. Pero sinabi ko naman na hindi 'yon date, bali pambawi lang sa ginawa niyang pagtulong sa'kin.

Since hang out lang naman to, I wore my faded-color jeans at nude-colored puff sleeves paired with white sneakers. Okay lang naman siguro diba?

Kinuha ko na muna ang sling bag ko bago ako lumabas ng kwarto.

Paglabas ko there I saw Luke na nasa labas at nakikipaglaro sa tuta namin na isang golden retriever na nakita nila papa't Jull sa may waiting area kahapon na basang-basa ng ulan. Naawa si Jull kaya nagmakaawa siya kay papa na ampunin na lang ang tuta, mahilig rin kami sa aso kaya gano'n. Actually pinangalanan nga namin siyang Luke. Charot! Choco. Choco ang pangalan niya.

Habang tinitignan siyang hinihimas si Choco, napansin kong napaka-attractive niya sa suot niyang white shoes, jeans at white shirt na lagpas sa pares niyang black denim jacket.

Nang mapansin niyang andito na ko, tumayo siya at ngumiti sa 'kin. I must admit ang gwapo niya ngayon.

Medyo nailang ako ng lumapit siya sa 'kin ng ilang hakbang. Nanatili lamang siyang nakatingin sa 'kin ng ilang segundo.

"Bagay sa'yo ang suot mo." Medyo nag-init ang pisngi ko nang marinig 'yon mula sa kanya. At tanging nabanggit ko lang ay "salamat" at isang matipid na ngiti.
Hindi ko siya magawang i'compliment sa suot niya ngayon dahil parang umurong and dila ko dahil sa kaba. Hindi ko alam ba't ko nararamdaman 'to pero mas malakas na 'to kumpara dati. Siguro dahil ito ang unang pagkakataon na maranasan kong makipag hang-out kasama ang isang lalaki.

"Tara na?" Tumango lang ako bilang sagot.

"Ma, pa. Alis na kami."

"Tita, tito. Iingatan ko po si Jan."

"Oh siya, sige. Mag-ingat kayo." Bilin ni mama sa 'min bago kami umalis ni Luke.

Paglabas namin ng gate, napansin kong may kotse sa labas. Binuksan niya ito para sa 'kin at pumasok na agad ako sa loob. Habang inaayos ang seatbelt, hindi ko maiwasang hindi itanong kung saan kami pupunta.

"Mahilig ka sa street foods diba?"

"Oo."

"Sakto. Do'n tayo." Bigla akong na'excite knowing na hindi kami sa isang fancy restaurant pupunta ni Luke. Kasi hindi ako komportable 'pag nagkataon.

It took us almost 15 minutes bago nakarating dito sa sinasabi na kakainan namin ni Luke. Ang pinuntahan namin ni Luke ay isang upgraded version ng street food stall. Para ka lang pumasok sa isang fast food restaurant wherein mga typical na street foods ang ino'offer nila sa customer like pruben, isaw, betamax, fishballs, kikiam, etc. May ino'offer din silang Korean streetfoods like tteokbokki, corndog, kimbap and all. May tables and chairs, tapos cashier area. May restroom rin at kitchen area. Sosyal.

Habang naghahanap kami ng mauupuan, napansin kong nakatingin ang ibang mga babae sa gawi namin. Siguro napansin nila si Luke. Hindi na bago 'yan, halatang malakas talaga ang karisma ng kolerang 'to kaya ganyan. Samantalang ganda lang meron ako, hindi pa napapansin.

Iniwan niya muna ako para mag'order ng makakain. Pagkalipas ng ilang minuto ay nakabalik na siya dala ang mga pagkain.

"Ang dami mo namang in'order Luke." Nabigla ako sa dami. Klase klase kasi ang in'order niya like pruben, isaw, fries, siomai, kwek kwek at chicken skin, nagdagdag pa ng corndogs. Mayroon ring pineapple juice pantulak. Mukha ba akong matakaw?

"Diba sabi ko sayo kahapon na 'wag kang kumain ng marami sa tanghalian para sulit."

"Sinabi mo nga."

"So? Mauubos natin 'to." Tinitigan ko lang siya na parang hindi ako mapaniwala. Grabe. Pero sa tingin ko naman mauubos ko 'to eh.

Habang kumakain kami napansin kong nakatingin siya sa 'kin kaya medyo nailang ako.

"May dumi ba sa mukha ko?"

"Wala naman."

"Piktusan kaya kita diyan?"

"Bakit? Inaano ka ba?"

"Ba't ka nakatingin?"

"Masama ba?" Tiningnan ko lang siya na parang hindi makapaniwala at pinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Baka san pang lupalop ng mundo mapunta ang pang aasar niya. Nako. baka masipa ko talaga siya palabas.
Napansin kong ngumiti lang ang kumag. Problema niya?

"Kumain ka na nga. Nang-aasar ka na naman eh."

"Hindi ako nang-aasar."

"Eh anong tawag diyan sa ginagawa mo? Iniisip mo bang matakaw ako?"

"Iniisip ko na ang sarap mong dalhin sa ganitong lugar kasi hindi ka maarte. Genuine kumbaga, wala kang paki kung malakas ka kumain o hindi."

"Compliment ba 'yan.?"

"Hindi. That's the other way of saying na malakas ka ngang kumain." Nasipa ko siya sa paanan ng marinig 'yon mula sa kanya.

"Aray!"

"Well, that's the other way of saying na nakakabwisit ka rin."

Tumawa lang ang kumag kaya sinubo ko sa bunganga niya ang corndog para tumigil sa pagtawa. Meresi. Nanggigigil ako sa diponggol na 'to eh.

"Oh ano mang-aasar ka na naman?"

"Hindi na. Pikon ka masyado eh."

"Hindi ako pikon."

"Edi hindi. Sabi mo eh."

I just rolled my eyes. "Duuuh."

Tumawa ulit ang kumag. Masaya ka yatang kasama ako noh?

Hindi ko na lang pinansin pa si Luke at ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Masyado na kasing madami ang tawa niya ngayong araw baka mapa'no pa't ako ang pagdiskitahan.

Hello SadnessWhere stories live. Discover now