"Uy alam niyo ba?" Paninimula ni Yen
"Hindi." Sagot ni Ahle.
Andito kami ngayong apat sa canteen, tumatambay, vacant hours kasi.
"Buntis daw si Cassana"
Nagulat kaming lahat sa rebelasyon ni Audrienne. Akalain mo ba namang 'yong pinakatahimik sa klase, siya pa 'yong mauuna."Seryoso?!" Ang exagge talaga ng reaction ni Ahle kahit kailan. Habang si Ren tahimik lang pero halatang nagulat rin.
"Pero alam n'yo kung anong mas nakakagulat? Hindi 'yong 2-year boyfriend n'ya ang nakabuntis."
"Hala sino daw?" Di ko na mapigilang 'di magtanong. Chismosa na kung chismosa.
"Yong kapatid ng boyfriend niya."
Mas lalo kaming nagulat. Juicemio sa lahat ng pwedeng makabuntis 'yong kapatid pa talaga. Tang'ama.
"Grabe!" 'Yon na lang ang lumabas mula sa bibig ni Ahle.
Grabe na man kasi 'yon. Ang sakit kayang pagtaksilan, kahit ako mababaliw siguro ako pagka-gano'n. Ang masahol pa eh pinagkaisahan siya ng girlfriend niya at kapatid niya, pinagmukha siyang tanga.
"Ikaw Jan. Kamusta na kayo ni Reil?" Nabanggit ko nga pala sa kanila no'ng isang araw 'yong nangyari sa amin ni Reil last week. 'Yong gusto niyang magkaibigan na lang kami.
"Ayon, may iba na pala kaya ang lamig ng pakikitungo. Hiniling pang sana magkaibigan na lang daw kami. Bakit hindi niya na lang sinabi na may iba na siya? Ang dami niya pang pasikot-sikot."
Tama nga sila, magaling lang sa umpisa si Reil. Akalain mo ba namang nagloloko na pala ang garapatang hangol kaya niya sinabi 'yon. May pasabi-sabi pang I'm doing this for you. Kaya ito sawi na naman.
"Pa'no mo nalaman." nagtatakang tanong ni Ren.
"Nakita ko sa isa pang account niya, one week after our unlabeling ayon may nagtag na ng 'I love you' sa kanya."
"Hala as in!!" Isa pa 'tong si Yen napaka-exagge ng reaction. As iiiinnn!!
Tumango na lang ako. Parang nawalan ako ng gana na pag-usapan 'yon. Kasi ang totoo niyan nasaktan at hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako.
Ano bang problema? May kulang ba sa pagkatao ko? Bakit kailangan kong gaguhin eh nagmahal lang naman ako?
"Did you approach Reil?" Pagtatanong ni Ren.
"Hindi na."
"Bakit na man?" Malungkot na tanong ni Ahle.
Sa totoo lang, nahihiya ako. Nahihiya akong i'approach si Reil. Para kasing wala akong karapatan eh. Tinanggal niya 'yong label namin, then after a week? Boom! May bago na pala. Baka magmukha lang akong tanga kung haharapin ko pa siya.
"Wala lang." Nawalan na talaga ako ng gana. Ayokong pag-usapan. Parang mababaliw na rin ako eh. Ang dami kong tanong sa sarili ko, gusto ko ng kasagutan pero naiinis ako kasi 'di ko siya magawang tanungin.
After kami'g nag unlabeling mas naging malamig 'yong pakikitungo niya. And then after kong nabalitaan 'yon hindi na ako nag message sa kaniya. Baka magmukha pa 'kong tanga kung gagawin ko 'yon. And you know what's worse, wala siyang pake. Ni hindi niya ko hinanap o ano. Ni hindi man lang ako kinamusta.
Siguro nga hindi ako importante kay Reil. Para sa'n pa 'yong pag-eefort niya? Effort ba talaga 'yon o kahibangan lang? Minsan tinatanong ko sa sarili ko, minahal ba talaga ako ni Reil o kagaya lang rin siya ng ex kong ginawa akong past time?
Ba't di pa ko nadala sa mga past experiences ko?
*****
"Class dismissed." Sabi ni Ms. Chen after the bell rang.
"Ano? Foodtrip ulit?" Yaya ni Ahle pagkalabas ni ma'am. Nag-aayos na kami ng mga gamit ngayon para makalabas samantalang si Yen ayon nakikipagsiksikan pa sa salamin sa gilid ng board para magpaganda.
"Yen, iwanan ka na namin?" Sigaw ni Ren sa kaniya.
"Hoooooy, hintayin n'yo ko. Pag kayo busy? Iniiwan ko ba kayo?" Tumawa na lang kami sa sagot Yen. Buyboyera talaga ang bruha.
-
Palabas na kami ng school gate and there I saw Reil. Pawis sa kaka-training. Palarong pambansa na naman kasi next month. Teka bakit? May paki ba 'ko kung pawis siya.
Ibinaling ko na lang atensiyon ko sa pagbabasa ng wattpad kahit naglalakad, as if hindi ko siya nakita. Di bale nang madapa, may sasalo man o wala, masasaktan pa rin naman ako eh.
"Jan!" Pagtapik sa akin ni Ahle. "Papalapit si Reil."
Teka, bakit? Tumingin ako sa kanilang tatlo. Si Ahle at Yen halatang nag-aabang kung anong mangyayari samantalang si Ren seryoso lang na nakatingin kay Reil. At ako? Mukhang tangang nakatingin sa kaniyang papalapit sa direksiyon namin kasama ang mga barkada niya habang may bitbit na bag at face towel sa may leeg.
"Uy Jan, ba't hindi mo na ako pinapansin?"
Wait? Ano daw? Ako? Hindi namamansin? Nahihibang na 'yata ang impakto. Pagkatapos ng ginawa niya aakto siyang parang walang nangyari? Na parang wala lang sa kaniya lahat? Wow! Just wow!
"Bakit gaano ka pa ka importante para pagtuunan ng pansin, Reil?"
Umalis na 'ko, hindi ko kaya 'to. Tinawag ako nila Ahle pero hindi na 'ko lumingon pa. Uuwi na 'ko, nawalan na rin kasi ako ng ganang kumain eh.
Puta ang sakit. Ba't ang sakit? Nagmahal lang ako, 'yon lang 'yon. Tang'ina nito oh?
*****
YOU ARE READING
Hello Sadness
Teen FictionI'm sorry I wasn't there in your distress. I'm sorry because I left when you needed me the most. I'm sorry if the dreams we build together collapsed. And I'm so sorry 'cause I wasn't able to make you part of my dreams anymore.