3

15 1 3
                                    

Today is 17th of July and is Friday.

Every Friday, half day lang ang klase naming mga Senior High's, the afternoon vacant hours will be spent  para sa mga paper works. But since, tapos na man na 'ko sa lahat ng papers ko, I decided to go home.

Pagkauwi ko ng bahay, nagmano agad ako kila mama't papa. Naabutang ko silang nanonood ng reality show na pinapalabas tuwing tanghali.

"Oh kamustang school anak?" Tanong ni mama pagkamano ko.

"Okay lang naman po, umuwi na ako ng maaga kasi tapos na ang mga papers ko." Sagot ko habang binababa ang bag sa lamesa.

"Tamang-tama, ikaw na muna magsundo kay Jull sa school kasi sumasakit na naman ang paa ng papa mo."

"Namaga po ba ulit?" Tanong ko sa kanila habang tinitignan ang paa ni papa. Tumango na man si papa bilang sagot.

Hindi namin alam kung ano ang nangyayari sa paa ni papa, hindi pa rin kasi namin ito mapa-check up kasi walang budget. Tanging ang munting sari-sari store lang namin ang bumubuhay sa'min. Not to mention, inuutangan pa.

Tsaka nabaon rin kami sa utang no'ng na-admit si papa dahil nakitaan ng sakit sa baga. Sabi ng doctor pneumonia daw tapos nahulog sa tuberculosis. Kaya ayon, medyo kapos.

Hindi naman ganito buhay namin dati eh. Maganda trabaho nila mama't papa noon, ang daming business deals pero our lives turned upside down no'ng nawalan sila ng trabaho dahil nalugi ang amo nila.

Pumasok na ako sa kwarto para magbihis at nahiga muna para tingnan kung may message na ba si Reil. Pero wala akong natanggap mula sa kanya.

Almost four weeks na rin simula ng sinagot ko si Reil pero ngayon parang nag-iba yata ang timpla. Ewan ko ba pero bigla na lang lumamig 'yong pakikitungo tapos minsan na lang kung mangumusta. Halos madalang na lang rin kami magkita. Totoo kayang mabuti lang sa simula si Reil? Ewan, ayaw kong maniwala pero parang nawawalan na 'ko ng tiwala eh.

Speaking of~ nagmessage na si Reil.

"Jan, kita tayo sa Sunday."

Sunday? July 19 'yon diba? Hala monthsary namin sa Sunday. Nabuhayan ako bigla. Akala ko kasi totoo 'yong sinasabi nila eh. Hindi na man siguro diba? Kita mo naman makikipagkita nga 'yong tao oh?

******

"Oh, ano ngiting butiki ang kolera kasi monthsary?"
Panunuway ni Ahle sa 'kin nang makita akong nakatingin sa phone na nakangiti.

Katatapos lang ng misa, kaya 'eto kami ngayon chika minute muna. Nakagawian na rin namin 'to na after ng misa eh magchikahan.

"Eeehh salig. Ako noong may jowa ako, ang daming nagme-message. Ngayong wala na akong jowa, wala na rin sila." Sabi ni Audrienne habang sumasayaw ng steps na natutunan niya sa TikTok.

Ewan ko ba sa babaeng 'to. Ang swag ng dating pero sa sobrang swag dala-dala kahit sa pagsasalita. Isang pitik lang talaga kay Yen, epilepsy na ang labas talaga. Kahit walang tugtog magugulat ka na lang kasi biglang sumasayaw. Sa kaka-TikTok niya 'yan.

"Anong gagawin n'yo ngayon ni Reil, Jan?" Seryosong tanong ni Ren sa 'kin.

"Magkikita kami mamayang hapon."

"Date kayo?"

"Hindi Yen, sa bahay lang kami."

Tumango lang sila bilang pagsang-ayon.

****

Ang akala ko ay dito lang kami ni Reil sa bahay mag ce-celebrate ng monthsary. Pero hindi, nagpaalam siya kila mama na pupunta daw kami sa Botanical Park at medyo may kalayuan ang parkeng 'to sa'min.

Nakaupo kami ngayon dito sa isang cottage sa park. Tahimik ang paligid at papalubog na rin ang araw.  Pansin kong may phone siyang dala na ngayon ko pa lang nakita. Kaya di ko maiwasang di magtanong.

"Ahh, hindi sa 'kin to. Sa pinsan ko 'to." Sa pinsan? Bakit naman ipagkakatiwala ng pinsan niya ang phone niya sa kaniya?

"Ahh. Patingin nga." Kinuha ko ang phone pero may password.

"H'wag mo ng tingnan. Akin na." Kaya ibinigay ko na lang pabalik.

"May sasabihin ako." Napatingin ako sa kaniya. Something's off.

"Ano 'yon?"

Parang nag-aalangan pa siyang sabihin sa 'kin ang gusto niyang sabihin. Ano ba kasi?

"Hindi ko alam kung tama ba 'to, pero ahm pwede bang bumalik na lang tayo sa pagiging magkaibigan?"

Ha? Ano daw? Tama ba ang narinig ko?

"Hindi kita maintindihan."

"Hindi naman sa ano, ahm hindi ibig sabihin no'n na break na tayo. Ahm gusto ko lang na bumalik tayo sa pagiging magkaibigan."

"Wait lang ipaliwanag mo nga sa 'kin ng maayos."

"Look Jan, ayaw kong maging distraction sa pag-aaral mo kaya ginagawa ko 'to. Isa pa, hindi na man sa makikipaghiwalay na 'ko. Tatanggalin lang natin ang label. 'Yon lang naman Jan."

"Kahit saang anggulo hindi kita maintindihan Reil. Sa tingin mo hindi ako madi-distract sa ginagawa mo ngayon?"

"Please Jan, I'm not doing this for myself, I'm doing this for you."

"Reil, bakit pa kasi kailangang magkaibigan lang?"

"Jan, please. Again, para sa 'yo to."

Seriously? Di ko 'to naiintindihan pero pipilitin kong intindihin. Hindi ko alam kung bakit ganito?

Tumango na lang ako. Okay? Hindi ko ipipilit ang gusto ko.

Ngumiti lang siya ng pilit. Afterall hindi na man daw kami maghihiwalay eh. Tatanggalin lang daw namin 'yong label.

******

Hello SadnessWhere stories live. Discover now