13

6 1 10
                                    

Andito ako sa hospital ngayon at nagbabantay kay mama, mula kagabi hanggang ngayon hindi pa rin nagigising si mama.

Pinauwi ko na sila Luke kaninang umaga pa. Nag-insist na rin siyang ihatid si Jull pauwi.

Kanina mula nang maiwan ako dito, pabalik-balik na ako sa cashier area at sa pharmacy. Kasi every hour bumabalik ang doctor dito para i'check ang kalagayan ni mama, tapos halos pang-apat ng resita ang naibigay nila sa 'kin. Isang gabi at mag-iisang araw pa lang kami dito ang laki na ng perang nagastos ko. Savings namin ang ginastos ko para sana pangkolehiyo, tapos PhilHealth at SSS ni mama, good thing kasi nagbibigay ng kaunting tulong mga kaibigan at kamag-anak namin kaya medyo nabawas-bawasan ang gastusin.

"Janniene." Napansin kong kapapasok pa lang nila Ahle, Yen at Ren at naka-school uniform pa, kasama rin pala ni Ahle si Caven.

"Kamusta na si Ante?" Pagtatanong ni Ren.

"Hindi pa siya gumigising mula kagabi."

"Anong sabi ng doctor?" Tanong rin ni Ahle.

"May cardiomyopathy daw si mama dala siguro ng sobrang pagod. Buti at nakadalaw kayo."

"Dumiretso na kami dito galing sa school. May dala nga pala kami. Heto oh." Sabi ni Yen, habang binababa niya ang dalang prutas at mga pagkain.

"Maraming salamat."

"Nga pala. May mga notes dito, guide mo yan para ngayong finals." Offer ni Ahle sa notebook niyang may mga notes.

"At, mayroon din tayong research conference bukas, Jan." Halatang nag-aatubili si Yen na sabihin sa 'kin yon. Alam nilang hindi ako makakarating sa conference bukas. Importante ang research conference, 'yon ang final defence sa research namin.

"Gagawa na lang ako ng letter Jan, para ma'excuse ka sa conference." Hindi pwede Ren.

"Gagawa ako ng paraan." 'yon na lang ang nasabi ko. Pa'no 'to? Nakasalalay sa research conference ang future ko. Baka mahirapan akong maka-graduate nito.

"Just tell us kung kailangan mo ng tulong." Offer rin ni Yen.

"Thank you. Kung wala kayo, ewan ko lang."

I hugged them as an expression of gratefulness. Sobrang thankful talaga ako na may mga kaibigan akong handa akong tulungan without expecting any returns from me. Hayaan n'yo, babawi ako.

----

Naihatid ko na sila Ahle sa labas. Kailangan na nilang umuwi. They need to prepare for the research conference tomorrow.

Maya't maya ay kinakamusta ako ni Luke. Kinakamusta niya rin ang kalagayan ni mama.

"Kumain ka na rin ba?" Sent 7:13
Tanong ni Luke through chat.

"Oo. Dumating mga kaibigan ko at may dalang pagkain."

"Buti naman. Sige out muna ako."

"Okay."

Idunno what's with him. Naninibago talaga ako sa pinapakita ni Luke. Dati lang binibwst niya 'ko eh. Concern lang siguro 'yong tao. O baka napag-utusan lang ng mama niyang kamustahin kami. Whatever it is, I'm thankful 'cause he spare time for just a mere woman like me. Unconditionally.

Napansin kong medyo gumalaw si mama.

"Ma?" Nakita kong medyo bumuka ang mata ni mama kaya tumawag agad ako ng doctor.

After a minute, dumating agad ang doctor para i'check si mama.

I felt happiness nang mapansing nagising na nga si mama. Thanks God. Tumingin siya sa akin na para bang humihingi ng tawad sa mga nangyayari. A small tear fell from my eyes.

You don't have to, ma.

-------

Tuluyan na ngang nagising si mama. Nasabi ko rin kay papa na gising na siya, kagabi pa kasi hindi mapakali si papa lalo na't hindi siya makadalaw dito kasi namamaga na naman ang paa.

Nagkausap na rin kami ni mama at sinabi niya ang totoo na matagal niya na palang dinadamdam 'yon pero mas pinili niyang manahimik para hindi kami mag-alala. We don't have any idea that she's suffering already. Actually nagalit ako sa sarili ko kasi hindi ko napansin, hindi ko napagtuunan ng pansin pamilya ko. I was too busy with my lame businesses. With my studies. Hindi ko na halos nabigyan ng oras ang pamilya ko. Kung napansin ko lang siguro lahat, I guess hindi kami hahantong sa kalagayang 'to.

It was almost 6:00 A.M. and today is our Research Conference. Wala akong magawa, hindi pwede iwanan si mama, hindi ko pa maiwan si mama kay Jull. I contacted my relatives kung pwede ba sila muna dito but they refused, may mga trabaho sila ngayon. Kagabi pa ako gumagawa ng paraan para maka-attend sa conference pero talagang wala eh.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos sa mga gamit ni mama nang may kumatok sa pinto ng room namin. And there I saw Luke.

"Good morning." Bati niya habang nakangiti. May dala rin siyang mga pagkain. Anong ginagawa niya dito?

"Napadalaw ka Luke?" Tanong ni mama sa kaniya.

"Gusto ko lang po kayong kamustahin tita. Kamusta po pakiramdam niyo?"

"Medyo bumubuti na naman ang kalagayan ko Luke. Salamat."

"Nga pala tita. Nagpadala rin po ng pagkain at prutas si mama."

"Nako. Maraming salamat. Pakisabi kay Brenda salamat. Nag-abala pa kayo."

"Walang ano man po." At ngumiti siya ulit. Anong meron sa mood ng 'sang to?

"Luke, 'lika nga. Mag-usap muna tayo."

Dinala ko muna siya sa labas ng room para kausapin. Ayaw kong marinig ni mama ang pag-uusapan namin.

"Anong ginagawa mo dito, Luke."

"Para kamusta si tita. At tsaka kamustahin ka rin." Sagot niya habang kamot-kamot ang kaniyang batok na tila parang nahihiya sa sagot niya.

"I mean, nang ganitong oras. Masyado pang maaga Luke."

"Ah. Nasabi sa 'kin ni Caven na research conference niyo ngayon. Kaya andito ako para ako muna magbantay kay tita. Alam ko importante 'yon."

"Luke, hindi mo kailangang gawin 'to. Pa'no ka? Hindi ka papasok?"

"Wala naman kaming importanteng gagawin ngayon eh. Kaya sige na Jan."

"Seryoso ka?"

"Mukha ba 'kong nagbibiro Janniene? Sige na. Kailangan mo pang umuwi para maghanda."

"Okay lang ba talaga? Omoo. Thank you Luke. Promise, babalik ako agad pagkatapos." Walang pagdadalawang-isip ay na nayakap ko siya dala ng sobrang tuwa.

Agad naman akong kumawala nang mapansin ang kagagahang ginawa ko. Anak ng langaw!

"Ah. Sorry. Nadala lang."

Ngumiti lamang siya sa 'kin na tila ba natuwa sa ginawa ko.

Pumasok na ako sa kwarto para magpaalam kay mama.

"Ma, alis muna ako. May research conference kami ngayon. Si Luke muna po bahala sa inyo."

"Ha? Ba't di mo sinabi. Sige, maghanda ka na baka ma-late ka. Okay lang ako dito anak. Mag ingat ka ha?"

"Opo ma."

Kinuha ko na ang mga gamit ko.

Palabas na sana ako ng room nang bigla akong tinawag ni Luke.

"Jan. Naiwan mo 'to." Iniabot niya sa 'kin ang papers na pinag-aralan ko kagabi for the conference in case na maka-attend ako.

"Thank you."

"Goodluck Jan. Kaya mo 'yan." There I saw a genuine smile from him.

Ngumiti lamang ako sa kaniya nang medyo pilit at agad ng umalis sa hospital. Whatever his intentions are, I'm thankful.

Thank you so much Luke. Next time, babawi ako.

*****

Hello SadnessWhere stories live. Discover now