It was already a week had past simula no'ng confrontation namin ni Reil.
I am here at Alegria, it was the boundary between our City and Asuncion. Pinili kong pumunta dito kasi tahimik, very natural and relaxing ng ambiance. Hindi siya parke o ano, it's just a simple highway na may tulay kung saan pwede mong makita both ang sunrise at sunset. Samantalang sa paligid naman ay may palayan, makikita mo rin ang bundok na tila humahalik sa mga ulap. Sabi nila Mt. Apo raw 'yon.
Nakaupo lamang ako sa ugat ng isang malaking puno habang pinagmamasdan ang paligid. I need to relax, this past few days, I was bombarded with so many loads - research, final projects and Reil.
I was in the middle of thinking nang may makita akong puting kotse. It was Luke's.
Bumaba siya at isinandig ang katawan sa kotse na nakapamulsa. I guess hindi niya pa napapansin ang presence ko. He's deeply watching the field. Habang pinagmamasdan ko siya mula rito, I can see na nalulungkot siya.
"Hi."
Bati ko nang nilapitan ko siya. Halatang medyo nagulat siya nang makitang andito ako. Idunno kung ano pumasok sa isip ko. Ba't ko nga ba nilapitan 'to?"Hi. Hindi kita napansin."
Ngumiti lang ako ng pilit at tinabihan siya.
"Bakit ka nga pala andito?" Tanong niya.
"Peace of mind."
Tumango lamang siya habang nakatingin sa papalubog na araw.
"Ikaw ba't ka andito?"
"I wanted to relax. I just find this place so calm."
Pareho kaming nakatingin lamang sa papalubog na araw.
"May problema ba?" Hindi ko na maiwasang hindi itanong sa kaniya.
"It's just an occasion from the past that keeps bothering me." Occasion from the past?
"Anong ibig mong sabihin?"
"My ex-girlfriend just got back from Canada, hindi ako mapakali na andito siya sa Pilipinas." I just look at him habang siya ay nanatiling nakatingin lamang sa papalubog na araw. Nilingon niya ako kaya napaiwas ako ng tingin. Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa langit.
"May gusto akong itanong?" Napalingon ulit ako sa kaniya.
"Ano 'yon?"
"No'ng annual school event, you told me ex mo 'yon. What's with the both of you?"
Napayuko ako sa tanong niya at nilaro ang bato sa kaliwa kong paa.
"It just happen that we ran the same blood."
"That's absurd."
"Yeah. I thought he cheated, pero sabi niya hindi, ginawa niya lang 'yon kasi natakot siya."
"Magkaiba tayo. She left for education. Pinili niyang mag-aral abroad for better future. Last year I just found out she's with someone whom she assured me she'll never fell with."
That was hysterical.
"Actually, hiniling ko sa kaniyang dito na lang kami, at sabay naming tutuparin mga pangarap namin pero I really don't want to pull her out from her dreams. She'll be happy kung papayagan ko siya, and that is all I wanted her to be. As time goes by, hindi ko na namamalayan na nagiging bulag na ko sa katotohanang hindi na pala ako parte ng pangarap niyang 'yon."
Napayuko lang ako sa mga sinabi niya. Mas masakit pala 'to sa inaasahan ko. I never thought na ganito ang nararamdaman niya all through this year. Bakit kung sino pa 'yong tunay na nagmamahal, siya pa ang napaparusahan? Bakit palaging may espasyo para sa kalungkutan, hindi ba pwedeng masaya na lang lahat? Of course hindi, parte na ng buhay ng tao kasiyahan at kalungkutan. Kung palagi na lang tayong masaya, baka hindi na natin tatawagin pa ang Diyos, dapat kasi balanse.
"Magiging okay ka rin."
"Ikaw din sana." Ngumiti lamang ako sa kaniya, sana nga. Alam kong hindi madali, pero alam ko ring matatapos rin 'to.
"Hatid na kita pauwi?"
"Sige."
******
YOU ARE READING
Hello Sadness
Teen FictionI'm sorry I wasn't there in your distress. I'm sorry because I left when you needed me the most. I'm sorry if the dreams we build together collapsed. And I'm so sorry 'cause I wasn't able to make you part of my dreams anymore.