2

14 1 2
                                    

Our heart doesn't shape like what we usually symbolizes it to be.

Ang puso ng tao parang hugis ng mangga, nagiging hugis puso lang 'yon na kadalasan nating nakikita tuwing valentine's pag pinagdikit ang isang puso sa isa pang puso.

"Happy Valentine's Day!" Bati ng bawat isa.

"Oh? Araw ng mga Puso, pero ikaw d'yan bitter-bitteran?" Pangungutya ni Ahle habang binababa ang mga bitbit na mga bulaklak at chocolates galing sa kanyang honeybebe.

"Kung may bitter dito, ikaw 'yon. Anong drama? Saya ng lovelife mo Ahlessia tapos naka-itim ka?"

"Ikaw ang bitter! Hindi mo ba alam, gray shirt ang bitter. Nakapaskil sa school board, naka-post rin sa campus page. Bobitang palaka."

Hindi na man ako bitter ah! Nagkataon lang na gray suot ko. Mayroon naman ako eh.

"Di bale nang bitter, atleast hindi nag stick sa relasyong wala namang label."

"Maninuod, Janniene? Maninuod? Kayo ba meron?"

Natawa na lang kaming dalawa sa mga banat namin. Ewan ko ba, nagkakatuwaan kami but we're making sure na hindi 'yon below the belt. Jokes are meant to be funny not to be mean, as much as possible kailangang maging sensitive.

Andito kami sa classroom ngayon, alam niyo kung bakit? Exam namin ngayon, as in EXAM. Araw ng mga  puso pero 'yong principal namin walang puso. Ewan ko ba, napaka-conservative juicemio. Ayaw ba namang mag celebrate, 'yong ibang school nga ang daming gimik eh? Dito? Ewan ko lang. Matatapos na lang ako sa High School hindi ko pa mararanasang makipaghabulan tapos magpagapos sa mga kupido kuno.

"Happy Valentine's Ren!" Kakarating lang ni Rendellah pero na hag's na ang bangs ng frenny kung dragona.

"Badtrip ka?" Ngumiti lang ng siya ng pilit bilang sagot sa tanong ko.

Baka galit kasi walang natanggap? Char! Sa aming magbabarkada siya lang ang hindi malandi, alam mo 'yon hindi uso sa kanya ang romatic relationship. Minsan nga naiisip ko kung asexual ba 'tong kaibigan ko eh, kasi NBSB. Wala ring nababanggit na may gusto sa isang lalaki. Silent type. 

"Obvious ba? Kita mo namang badtrip, diba?"

"Sorry Ahle ha? Ikaw pala kinakausap ko?"

Tumawa lang ang bahong tae, laki ng bunganga. Palibhasa good mood, valentine's kasi. For sure may kalandian na namang mangyayari mamaya.

Pero happy ako para kay Ahle kasi may taong laging nandiyan para sa kanya. Wala man silang label pero alam kong mahal nila ang isa't-isa. Hindi naman importante 'yon eh, ang importante 'yong nararamdaman. Keep that in mind.

Nakakainggit nga eh kasi mayroon siyang ganyan, 'yong sure ball talaga. Mayroon namang nagkagusto sa'kin eh, in fact apat silang nanliligaw, pero kasi hindi sila 'yong gusto ko. Hindi na man sa pagiging choosy at feeling maganda, ayaw ko lang magbigay-motibo at ayaw kong magbigay ng false hope.

Ang totoo rin niyan may gusto ako kay Jahnreil. Wala namang masama diba, one year na naman ang lumipas simula no'ng maghiwalay kami ni Kier.

Halos three months na kaming nagkakamabutihan ni Reil pero we never showed it in public. Only through messenger lang, pang messenger lang ang beauty natin eh. Haha. Ayaw ko kasing ma-chismis ulit, sikat kasi si Reil dito kasi athlete kaya tahimik muna.  Pero pinupuntahan niya ako sa bahay at alam ni mama na suitor ko sya.

"Happy Valentine's Day, Jan." Sent 7:16 AM

"Happy Valentine's Day, Reil." Sent 7:17 AM

"Goodluck sa exam, punta ako sa inyo mamaya."

"Goodluck din sa exam. Hihintayin kita." I love you. Char!

"Tago mo na 'yan, andiyan na si Ms. Vielle." Pangsusuway ni Ahle kaya tinago ko na ang phone aa bag. Panira. Kinikilig pa 'yong tao, eh.

"Are you ready for today's exam?" Tanong ni Ms. Vielle pagkapasok niya sa classroom.

"Yes ma'am."

Inspired ang gaga na mag exam ngayon. For sure perfect zero 'to. Puro itlog ni ano lang kasi ang nasa isip.

****

Hello SadnessWhere stories live. Discover now