It was a 15-minute ride.
"Andito na ta'yo."
"Thank you sa paghatid."
Pababa na ako ng kotse ng biglang lumapit si Jull habang natataranta at mangiyak-ngiyak.
"Ate si mama, nahihirapang huminga." Nabigla ako sa balita ni Jull kaya agad-agad kong pinuntahan si mama.
"Ma! Anong nangyayari? Pa! Dalhin natin si mama sa hospital. Jull, maghanda ka ng mga gamit bilis. Dadalhin natin si mama sa hospital."
"Tara dalhin natin si tita sa hospital."
Sa sobrang pagkataranta, hindi ko namalayang sumunod pala si Luke sa 'min. Ibinuhat niya si mama at isinakay sa likod ng kotse.
"Bilisan mo, Jull."
Sumakay na kami ng sasakyan at pinaharurot na ni Luke ang sasakyan.
~~~
Pagkarating namin ng hospital, dali-daling lumapit ang mga nurse at nilagyan si mama ng oxygen. Hindi ako mapakali nang idineretso nila si mama sa emergency room.
"Hindi po pwede pumasok sa loob ma'am."
Wala kaming magawa kundi ang maghintay sa labas ng emergency room.
After minutes lumabas na ang doctor.
"Kamusta na po si mama, doc?" Agad kong tanong pagkalabas niya.
"Medyo nagiging normal na ang paghinga niya pero hindi pa rin maganda ang kalagayan ng mama mo. Ita-transfer pa namin siya sa ward for observation. Maiwan ko na kayo."
Nanghihina ang mga tuhod ko sa mga narinig mula sa doctor kaya inalalayan ako ni Luke paupo. Critical si mama? Pa'no nangyari 'yon? May iniinda ba syang sakit habang kami'y walang kamalay-malay? Naisapo ko na lang ang mga palad ko sa ulo ko dala ng frustration. Tangina, sa'n ako kukuha ng pera pambayad sa hospital?
"Alis muna ako, aayusin ko muna ang mga papeles ni mama sa hospital. Jull, dito ka lang. Antayin mo 'ko. Luke, umuwi ka na. Baka hanapin ka na ni ante."
------
Umuwi ako ng bahay para kunin ang birth certificate ni mama, mga PhilHealth, SSS. Kailangan ko ang mga 'to para sa billings ni mama.
Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera para sa mga gastusin sa hospital.
Tinawagan na ako nila Ahle kanina, tinatanong nila kung kamusta na ang kalagayan ni mama. Nakapanghingi na rin ako ng tulong sa kanila kung saan ako pwedeng makapaghanap ng trabaho. Kailangan ko agad ng trabaho, summer job. Two weeks na lang naman makakagraduate na ko sa SHS eh.
Sa ngayon, kailangan ko munang umutang sa mga kamag-anak namin. Tsaka ko na lang babayaran kapag may trabaho na ako. Wala ng ibang maaasahan sa bahay kundi ako. Si papa hindi pwede kasi may dinaramdam ding siyang sakit lalo na si Jull, menor de edad pa.
Nakabalik na ako ng hospital at naabutan ko sila sa labas ng ward. Si Jull na nakatulog na sa bangko at si Luke na nakasandal rin sa may upuan at halatang inaantok na.
"Akala ko umuwi ka na, ba't andito ka pa?"
"Hinintay kitang makabalik."
"Baka hinahanap ka na ng mama mo."
"Alam niyang andito ako." Tiningnan niya lamang ako at ngumiti ng kaunti.
"Kumain ka na ba?" Pag-iiba niya sa usapan.
Nakalimutan ko na pa lang kumain.
"Busog pa 'ko."
"Ang layo ng sagot mo. Diyan ka lang bibili ako ng pagkain."
"Ha? H'wag na. Okay lang naman ako eh. Busog pa 'ko."
"Antayin mo 'ko diyan. Kailangan mong kumain."
Wala na akong magawa. Hindi ko na napigilan si Luke, talagang hindi siya magpapaawat sa pagbili ng pagkain eh.
Nasa kalagitnaan ako ng paghihintay nang magising si Jull.
"Ate."
"Jull, kumain ka na ba?"
"Oo ate, bumili si kuya Luke ng pagkain kanina. Ikaw ate kumain ka na ba?"
Ngumiti lang ako sa kaniya. Mamaya kakain rin ako.
"Nasa'n si kuya Luke?"
"Bumili muna ng pagkain."
"Si mama ate kamusta? May balita na ba habang tulog ako?"
"Wala pa Jull, maghintay lang tayo."
"Magiging okay kaya si mama ate?"
"Oo naman. Malakas si mama Jull. Kaya niyang lagpasin 'to. Kaya natin 'to."
"Tama ang ate mo. Malakas si tita. Kaya niyang lagpasan 'to. Magpakatatag lang tayo." Biglaang pagsingit ni Luke habang binababa ang mga dalang pagkain.
"Heto kumain ka na." Pag-aabot niya ng pagkain sa 'kin. Kaya kinuha ko na. Honestly, nakakagutom rin kasi eh.
Nang malapit nang maubos ang pagkain ko. Lumabas ang isa pang doctor mula sa ward. Kaya agad ko itong sinalubong para kamustahin ang kalagayan ni mama.
"Doc, may balita na po ba?"
"Honestly, medyo malala na ang kalagayan ng mama mo. We found out after many tests na may cardiomyopathy ang mama mo. It's a heart disease kung saan nagkaroon ng problema sa heart muscles and which leads to shortness of breath. This is caused by viral infections where in visible lang ang symptoms kung malala na ang sakit. Ipapahanda muna namin ang kwarto ng mama mo para matransfer na siya. We need to further examine her condition. Maiwan ko na muna kayo."
Pinipigilan ko ang luha kong lumabas kasi ayaw kong makita ako na Jull na ganito. Kailangan kong magpakatatag. Ayaw kong makita ako ni Jull na mahina. Nahahalata ko ring nag-aalala si Luke.
"Kung nanghihina ka, you can lean on me."
He let me lean on his shoulders. Ang gaan sa pakiramdam na mayroon kang taong literal na masasandigan."We all have different adversities. It's up to us if we'll accept the challenge or we'll run away from it. Ako, hindi ko alam kung gaano kahirap malagay sa posisyon mo, pero isa lang ang alam ko, kahit sa'n ka ilagay Jan I know you'll survive. I know you're strong. Just trust God and everything will fall back into place."
Ngumiti lamang ako ng pilit sa binitawang kataga ni Luke.
It was just so light na may taong naniniwala sa 'kin. At 'yong taong 'yon ay di ko pa inaasahan. His motivating words made me started to like his presence.
Thank you, Luke.
YOU ARE READING
Hello Sadness
Teen FictionI'm sorry I wasn't there in your distress. I'm sorry because I left when you needed me the most. I'm sorry if the dreams we build together collapsed. And I'm so sorry 'cause I wasn't able to make you part of my dreams anymore.