6

6 1 0
                                    

"In line with the SocSci week, we will have activities and everyone should participate." paninimula ni Ms. Vielle

Social Science Week na in the next two weeks. And as expected may mga activities na naman. May HipHop Dance, Interpretative Dance, Cultural Dances Dramatization, Creative Painting, Kahoot Quiz, and of course Search for Mr. & Ms. SocSci.

"Every section must have a representative for the Mr. & Ms SocSci. Who will bring our Alas this time?"

"Sino pa nga ba, Ma'am. Edi si Jan." Sigaw ng isa kong kaklase.

Putaktak bakit ako?

"Yes Ma'am, siya lang naman ang may history sa pageant dito eh?" Pagsang-ayon ng isa ko pang kaklase.

Isa pa 'to. Ayoko!

"Sge na. Si Jan na lang Ma'am." Ahle naman eh.

"Tapos si Ivan ang partner." Siniko ko si Yen.

"Tumahimik ka nga diyan Yen."

"If this class don't have any objections, let's make the two of them our Alas."

"Ma'am, I object!" Napatingin lang si Ms. Vielle sa 'kin habang hinihintay ang rason ko.

"Kasi, ano po~ uhm."

"Does anybody here wants to object aside from Jan?"

"None, Ma'am" response ng karamihan.

"Well, majority wins. I'll just leave it here. Ms. President, take over of the class please."

Hindi pa ako nakapag explain eh. Takteng igit 'to. Ngayon pa lang kinakabahan na ako eh. Kulang ako sa confidence, baka magkalat lang ako sa stage. Nako naman!

"Goodluck, kaya mo 'yan! Ikaw pa?" Pampagana nila Yen sa 'kin.

"Godbless Jan." Pagpalain sana ako Ahle gaya ng sinasabi mo.

"Andito na man kami, eh!" Kahit na Ren. Kahit na.

Kaya ko kaya?

----

Ito na talaga. SocSci week na. Andito kami ngayon sa classroom, nag aayos. Two hours na lang magsisimula na ang pageant.

Base sa mechanics, ang susuotin namin during production ay ang aming official socsci shirt and pants.

After production ay susuotin namin ang casual attire and lastly ang aming gowns (suits sa lalaki) na ethnic inspired at gawa sa recycled materials.

"Ang ganda mo, bakla."

Ngumiti na lang ako sa make up artist kung mabait na mapang-asar rin.

"Honestly, kinakabahan talaga ako eh."

"Sus! Sa ganda mong 'to matatalo mo 'yon. 'Pag na sa harap ka na, mawawala na lang lahat ng kaba mo. I swear, I've been there. Basta h'wag mong kalimutan na pag nasa harap ka na, isipin mong ikaw ang nagmamay-ari ng stage."

Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon sa kaniya.

Kaya 'ko to.

-----

"And our Ms. SocSci is ~~~

Ms. Janniene Eilla Randal."

Halos mabingi na ako sa sigawan ng mga tao sa paligid. Parang 'di ako makapaniwala.

"Congrats Jan!" Bati ng lahat sa 'kin.

Ang sarap sa feeling. Parang kanina lang kabado ako. Saan galing 'yong confidence ko? Hindi pa rin mag sink in sa 'kin 'yong nangyari. Nakakaproud! Ang sarap sa pakiramdam na makita ang saya nila.

"So proud of you Jan!" Bati ng mga kaibigan ko sa'kin.

"Sabi ko nga diba, kaya mo." Sabi ni Yen.

"Thank you. Salamat talaga sa suporta."

Ang daming napanalunan ng section namin. Champion sa HipHop, Interpretative, Dramatization, 1st sa Painting, 2nd sa Cultural Dance, 3rd sa Kahoot Quiz at si Ivan sa Mr. SocSci.

"Natanggalan ka na rin ng tinik sa katawan." Napangiti na lamang ako sa sinabi ni ni Ren.

"Picture tayo!" Pag-iinsist ni Ahle.

----

Tapos na ang program at andito kami ngayon sa stall ni Manang.

"I uploaded the photos, check n'yo na."

Chineck namin ang photos na in'upload ni Ahle. Ang cute. Ang ganda, KO. HAHA

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa at pagrereply ng  comments nang may makita akong message request.

"CONGRATS" sent 4:28

I checked the profile kung kanino galing.

Teka~ Luke?

******

Hello SadnessWhere stories live. Discover now