"Kinuha ni Suriaga ang bola, pinasa kay Hero. Binalik ulit kay Suriaga, ipinasa kay Vergara~~ three points!"
Anak ng langaw! Nakakailang puntos na ang kalaban.
Andito kami ngayon sa Provincial Capitol where we held our annual event. Every year nagkakaroon ng interschool activities, from sports and arts down to academic-related activities.
Tinatambakan na ang school namin ng limang puntos. And guess what? Sila Luke lang naman ang kalaban. Actually championship game na 'to. Kanina naglaban-laban ang mga school, win-to-win tsaka lose-to-lose. Natalo ang school namin sa unang laban. Kaya sa pangalawang laban ay nakalaban na naman nila ang team na natalo nila Luke kanina. Pinalad 'yong school namin kaya 'eto road to championship game na.
Pero parang malabo. Sadyang magaling talaga ang team nila Luke. Five seconds left to play na lang. Tapos nasa team nila Luke ang bola.
Rinig ko ang sigawan ng mga studyante sa kabilang bench. Nakakabingi. Andami ring lumapit sa gawi ni Luke para magpapicture. Teka? Anong paki ko?
-----
Umalis na kami sa basketball court. Pero nagpaiwan muna ako para mag CR, sila Ahle nauna na do'n sa Food Area.
Palabas na sana ako ng restroom nang makasalubong ko sila Reil kasama ang barkada niya.
"Jan." Hinawakan niya ang palapulsuhan ko, sa sobrang higpit hindi ako makawala.
"Bakit ba?"
"Hindi pa tayo nag-uusap."
"May dapat pa ba tayong pag-usapan?"
"Babe?" Napalingon ako sa likod para tingnan kung sino ang tumawag. It was Dion, the girl whom he cheated me with.
Tiningnan ko si Reil. Alam ko na kung bakit. Masyadong malayo ang level namin. Wala lang ako sa kalingkingan ng daliri ng sopisktikadang piranha na 'to.
"Why are you holding her hand?"
Agad kong kinuha ang kamay ko mula kay Reil. Aalis na sana ako nang hawakan na naman ng babae ang palapulsuhan ko.
"Wait, are you seducing my boyfriend?"
"Mukha ba akong malandi para landiin boyfriend mo? Hindi ako kagaya mo."
"How dare you, bitch?"
Itatapon niya na sana sa 'kin ang dala niyang frappe nang pigilan ni Luke ang kamay niya.
"I don't tolerate brats."
"Get your hands off of me." Hindi pinakinggan ni Luke si Dion. Bagkus, nagkatitigan lang sila ni Reil. Halatang may galit sa mga mata nilang dalawa, tila nag-uusap sa sama ng mga tingin.
"Sa susunod na makita pa kitang lumalapit kay Janniene, ako na makakalaban mo. This is my first warning." Hindi ko alam kung kanino niya pinukol ang katagang 'yon. Kay Reil ba o kay Dion?
At hinila na ako ni Luke paalis sa lugar na 'yon. 'Yong hila na puno ng pag-aalala. Nararamdaman ko. At sa unang pagkakataon, gumaan ang loob ko kay Luke.
"Hindi mo naman iniisip na magpaapi na lang sa kanila, diba? Hindi mo naman siguro hahayaan sarili mong pagsamantalahan ka?"
Hindi ako nagsalita at nanatili lamang akong nakayuko. Anytime, tutulo na luha ko. Ang sakit pa rin. Almost one year na ang lumipas pero bakit hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari sa 'min ni Reil?
"If you feel you can't protect yourself, sumigaw ka o tawagan mo 'ko."
Tumango na lamang ako bilang respond sa mga sinabi niya. Sa sitwasyong 'to walang kahit anong salitang lumabas mula sa bibig ko. Ni hindi ko siya magawang tingnan o barahin gaya ng nakasanayan kong gawin.
~~~
"Jan. Dito."
Narining kong sigaw ni Yen, agad ko sila nakitang nakaupo sa may corner ng Food Area."Tagal mo naman? Gutom na kami." Pagmamaktol ni Ahle.
"May nangyari ba?" Tanong ni Ren.
"Nagkasalubong kami ni Reil."
"Hala? Tapos, anong nangyari?" Interesadong tanong ni Ahle.
"Sabi niya hindi pa daw kami nag-uusap."
"Yon lang?" Halatang marami pang gustong malaman si Yen.
"Dumating si Dion. At medyo may skandalong nangyari."
Ikinwento ko sa kanila ang mga nangyari mula sa simula hanggang sa pagdating ni Luke.
"Char! Knight and Shining Armour si papa Luke." Komento ni Yen.
"Tumigil ka nga Yen." Pambabara ni Ren. Dah tagam!
''Yong totoo, may naramdaman ka ba?" Seryosong tanong ni Ahle.
"Wala." Sinungaling.
'Cause for the first time, I felt protected. I felt comfortable, with Luke.
****
YOU ARE READING
Hello Sadness
Teen FictionI'm sorry I wasn't there in your distress. I'm sorry because I left when you needed me the most. I'm sorry if the dreams we build together collapsed. And I'm so sorry 'cause I wasn't able to make you part of my dreams anymore.