14

4 1 6
                                    

The research conference was perfect supposedly kung hindi lang kami binugbog ng tanong ng putakneng mga panel. Namutla kami sa harap dahil sa kaba. Sino bang mag-aakala na halos lahat ng sabihin namin pupunain. Mali-mali daw mga terms na ginamit namin sa pagsasalita. Aba! Malay ko ba na grammar pala namin ang pupunain, akala ko kasi 'yong papers. Well take note, hindi lang grupo namin kundi halos kami lahat. Like! Mas naka-focus siya sa salita namin kaysa sa papers. Actually I'm referring to a panel na may malaking tiyan. Sa lahat ng panels, siya ang nakakainis. Swear.

It was successful afterall kasi we got the 2nd place. Grupo nila Ahle ang nanalo out of 47 papers. Each section kasi, may 7 groups. So proud of the bitch's success. Magaling talaga ang bukog na 'yon. Sila Ren at Yen ay magkagrupo and they happen to be at 5th spot. Mga achiever talaga 'tong mga barkada ko.

No success is worthier than the one made with deligence.

Anyways, andito ako ngayon sa registrar's office para humingi ng permission na makalabas ng campus. Hindi kasi basta-basta makakalabas sa campus during classes hours without valid reasons.

"Here's your permit, Ms. Randall. Ibigay mo lang 'yan sa head guard at makakalabas ka na." Inabot ni Ms. Jean sa 'kin ang permit. Siya ay isa mga staffs dito.

"Thank you po, Ms. Jean." Tsaka kinuha ang permit. Ngumiti rin ako as sign of politeness. Gano'n din siya. Ang bait talaga, ang ganda pa.

Papalabas na ako nang makasalubong ko si Reil na may bitbit na folders nagkataong papasok rin siya sa registrar's. Anak ng tadhana naman oh! Bakit hindi na lang ako pinatapos na makalayo sa registrar's. Bakit kailangan pa naming magkasalubong? Nanadya eh.

Sandali kaming nagkatitigan, and I can see his apologetic eyes. I guess he feels so sorry about what happened, to us.

Sorry ba kamo? Wala na. Tapos na. At nangyari na. I might forgive you for what you did pero hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sa'kin.

For me, I still considered those you did as cheating. Kasi nanglandi ka sa iba even if you still haven't made me clear our situation. A selfish act.

Forgive and forget are different terms. Siguro masasabi ko lang na napatawad na kita if those you did would no longer hurt me. Kasi sa ngayon, sa tuwing naaalala ko 'yon, nasasaktan ako. I always remember us, our every single days. Mula paggising sa umaga, pag-browse sa Facebook, sa school at maging sa pagtulog. Kung may attendance lang sa pag-iisip sa 'yo Reil. Baka perfect attendance na ako.

But I know, there would come a time na hindi na ako masasaktan pag naiisip ko 'yon. At do'n ko na masasabing pinatawad na kita.

Lahat 'yan. Sa isip ko lang. I never voiced it out. Ayaw kong pag-aksayustan ng laway 'to.

Bigla siyang lumapit sa 'kin habang ako ay hindi magawang makaiwas. Parang napako ang paa ko sa kinatatayuan ko.

"Jan. Kamusta ka na?" Tanong niya nang makalapit sa harap ko.

"Kamusta ako?" Napatawa ako sa kawalan nang marinig ko ang tanong na 'yon mula sa kaniya habang siya ay hindi makapaniwala sa inakto ko. "Seriously Reil? Kung sa'yo ko gawin 'yong ginawa mo sa 'kin, tignan natin kung gugustuhin mong marinig ang tanong na 'yan mula sa 'kin."

Alam kong hindi niya inaasahan ang magiging sagot ko. Umalis na ako do'n leaving him shocked. Ayaw ko talaga magtagal do'n.

Pero bakit ba kasi gano'n ang sinagot ko. Bobetang palaketa ka talaga Jan. Parang sinasabi ko sa kaniya indirectly na hindi pa ko okay, na hindi pa ko nakakamove on. Sana nagsinungaling na lang ako na okay na ako. Baka isipin niyang nahihirapan akong magmove on eh. Yayks.

Lumabas na ako ng campus, ang bigat pa rin sa pakiramdam kapag nakikita ko si Reil. Gusto ko siyang murahin o isumpa dahil sa ginawa niya. Simula kasi no'n halos nawalan na ako ng gana. From palangiti at good vibes, napalitan ng simangot. Gusto kong bumalik sa dating ako, pero parang ang hirap magpakasaya kung masakit na man talaga. Afterall I don't need to pretend, kung iba ang pakikitungo ko ngayon then respect that. We have different reasons why we acted this way.

*****

It was almost lunch nang makabalik ako sa hospital, nando'n pa rin si Luke at halatang nag-eenjoy silang mag-usap ni mama. Na-curious tuloy ako kung anong pinag-uusapan nila.

"Nak. Andiyan ka na pala." Pagpansin ni mama nang makita akong papasok na sa kwarto niya.

"Kamusta ang conference niyo Jan?" Tanong ni Luke na mukhang nae-excite sa magiging sagot ko.

Binababa ko muna ang mga gamit ko bago ko sila sinagot.

"We got the second place!"

"Talaga anak? Nako. Congrats sa iyo Janniene, anak." I can see how happy my mama was. At nakita ko ring masaya si Luke.

That is why motivated akong mag-aral kasi every single achievement I got, mapalaki man 'yan o maliit, I always receive 'congratulations' galing sa kanila. And that is what most teenagers would love to hear from their parents.

"Congrats Janniene."

"Thank you ma, Luke." Nakangiting pasasalamat ko sa kanila.

"Kumain na ba kayo ma?"

"Actually hindi pa. Hinihintay ka naming makabalik." Sagot ni mama.

"Eh ano pang hinihintay natin, kumain na tayo."

Medyo nagulat ako nang makakita ng chocolate cake sa table. It was my favorite.

"Binili ni Luke 'yan kanina."

I gave Luke a confused look. Nakita ko siyang nagkamot na naman sa batok niya. Ano? May kuto ba diyan?

"Ah. Kasi whatever the result is, you deserve a celebration kaya bumili ako ng cake kanina. Sana magustuhan mo." Mukhang nag-aalangan si Luke at natatakot na baka magalit ako sa ginawa niya.

"Ako nagsabi sa kaniya na paborito mo ang chocolate cake, nak."

Their intention is to make me happy kaya wala akong nakikitang rason para magalit kay Luke.

Afterall. Ito naman yong gusto ko diba? Ang maging masaya. Bakit ko pipigilan?

"Thank you." Nasabi ko 'yon habang nakatingin ng direkta sa mga mata niya. 'Yong kaba at mukha niyang nag-aalangan ay napalitan ng isang malaking ngiti. So cute.

Hello SadnessWhere stories live. Discover now