Kabanata 5
‘Tunog ng Pito’
NAALIMPUNGATAN si Catalina nang magising dahil sa nakakasilaw na sinag ng araw na nagmumula sa nakabukas niyang bintana.
Hindi katulad sa mga nakaraang umuga ay masaya ang kanyang pakiramdam sa partikular na umagang ito.
Sumilay ang magandang ngiti sa kanyang labi at parang ang lahat ng kanyang nakikita ay napakagandang pagmasdan .
Tumungo ang kanyang tingin sa bintana kung saan ang kurtina nito ay umiindayog dahil sa pang-umagang hangin.
Bumaba siya sa higaan at nagtungo roon. Nang makadungaw ay bumungad sa kanya ang magandang pagsikat ng araw at ang maberdeng kapaligiran. Mas lumapad ang kanyang ngiti habang sinisinghap ang preskong hangin.
Sa umagang iyon ay naisipan niyang maging produktibo. Pagkatapos ng almusal ay magilliw siyang nagdilig ng mga halaman at tinungo ang kanyang hardin para tingnan ang kalagayan ng mga mirasol na siya mismo ang nagtanim.
Napamewang na lamang siya habang nakataas ang ulo dahil sa taas ng mga bulaklak. Malawak ang kanyang hardin kaya nagmistula itong labirint.
Hawak ang isang hindi kalakihang basket ay nasimula siyang pumutol ng mga bulaklak para iuwi. Habang namimitas ng bulaklak ay humuhuni pa siya sa isang himig dahil sa kasiyahan. Ang ganda ng kanyang gising at nganoon na lamang siya kabuhay para ipagpatuloy ang araw.Nang mapuno na niya ang hawak na basket ay naglakad na siya palabas ng mga bulaklak at napagdesisyunang umuwi na. Habang naglalakad pabalik ng mansiyon ay nangunot ang kanyang noo sa natanaw.
Nakatagpo niya si Koring na humahangos at may nakabalatay na takot sa mukha. Tumatakbo ito sa direksyon niya at tumigil sa kanyang harapan habang hinahabol ang hininga.
“Koring, ano ang problema? May nangyari bang masama?”may pag-aalala niyang tanong sa dalaga.
Huminga ito ng malalim, “G-Galit na galit po ang Donya, P-Pinapahanap kayo.” Saad nito habang habol-habol ang hininga at takot na takot.
“Bakit, Koring? Ano bang problema.” Tanong niya ulit na nagsisimula ng mabahala.
“Kayo na lang po ang umalam, Senyorita. Tayo na po!” anito at hinila siya patakbo.
Muntik pa niyang mabitawan ang hawak na basket dahil sa pagkakahila nito. Namalayan na lang niya na tumatakbo na rin siya ng mabilis kasunod ni Koring.
Nang makarating sa bukana ng tahanan ay inayos niya ang sarili bago tumuloy. Pagkapasok pa lang niya ay narinig niya agad ang malakas na sigaw ng ina.
“S-Senyora, nandito na po si Senyorita Ruisa.” Imporma ni Koring na nasa kanyang likod at nakayuko sa takot.
Binalik ni Catalina ang tingin sa Donya na papalapit sa kanya na galit na galit ang mukha. Hindi niya mawari kung ano ang kinaiinit ng ulo nito.
“Ina, maari ko bang malaman kung—” naputol ang kanyang sasabihin ng biglang dumapo sa kanyang mukha ang palad ng Donya.
Tumabingi ang kanyang mukha dahil sa lakas ng pagkakasampal at napahawak siya sa pisnging tinamaan. Napakasakit niyon.
“Walang utang na loob!” malakas nitong sigaw na nanggagalaiti sa galit.
Naramdaman niya ang pangingilid ng kanyang mga luha at may nakawala nga ng lingunin niya ang ina.
“H-Hindi ko po kayo maintindihan, ina. A-Ano pong ginawa kong masama?” tanong niya na nanginginig dahil sa paninikip ng dibdib.
YOU ARE READING
Bygone Promises
Historical FictionThis Story is situated in the 19th century. Raphael and Catalina are both orphans who grow up together in the same orphanage. They are inseparable despite of Raphael's disability. They dreamed of never being apart, but life in the orphanage is alway...