Kabanata 3
'Magkalapit na distansya'
MASAYANG bumangon si Catalina dahil sa masayang panaginip pero napagtanto niya na totoo iyon. Lumaki ang ngiti niya nang maalalang totoong namasyal sila ni Ginoong Raphael kahapon na sa ‘di maipaliwanag na dahilan ay masaya siyang kasama ito na tila normal lang ang pagpintig ng kanyang puso.
Ngunit, hindi rin nagtagal ang kasayahang iyon nang mapansing abala ang mga kasambahay niya para ihanda ang kanyang susuotin pero wala man lang siyang kaamor-amor dito.
Hindi siya natutuwa na bibisitahin ang mapapangasawa dahil magiging puno lang ng pagpapanggap iyon. Kung hindi lang sana siya inimbitahan ni Donya Elvira ay hihilata lang siya sa kanyang silid buong maghapon kahit sermonan ng ina.
“Handa na po ang paliguan , Senyorita. Maari na kayong maligo.”
Nilingon niya si Koring na nagsabi niyon, “Maraming salamat.” Aniya at pumasok na roon.
Habang nakalubog sa tubig ay hindi niya mapigilang maisip na nagiging sunod sunuran siya sa Donya dahil sa utang na loob niya rito sa pag-ampon sa kaniya. Kahit minsan ay hindi niya nagawa ang kanyang nais.
Ang tanging pagsunod lamang sa Donya ang ginawa niya sa loob ng ilang taon na umabot pa sa pagdedesisyon nito kung sino ang mapapangasawa niya.
Inangat niya ang katawan mula sa tubig at sinaplutan ang sarili. Lumabas siya sa paliguan at agad siyang dinaluhan ng mga katulong sa pagbibihis. Hindi pa rin sanay si Catalina sa ganoong trato sa kanya. Alam niyang kaya na niyang ayusan ang sarili pero ang Donya talaga ang masusunod.
Nakatingin lamang siya sa salamin habang pinagmamasdan ang pag-aayos sa kanya. May nagsusuklay, nagpapaganda, at naghahanda sa kanyang susuotin.
Pagkatapos ng mahabang oras na ayusan ay sa wakas ay napatos din. Kinuha niya ang pamaypay na nakapatong sa kanyang mesa at dumeritso na sa baba. Nang makarating sa kumedor ay naabutan niya ang mga magulang sa kumakain.
“Ruisa, daluhan mo kami sa pagkain. Napakaganda mo sa iyong ayos, hija, may pupuntahan ka ba?” napangiti siya sa papuri ng ama at sa mainit nitong paanyaya.
Ang Don lang ang nakakaparamdam sa kanya ng pagtanggap. Bumaling ang kaniyang tingin sa Donya na patuloy lang sa pagkain na parang hindi siya nakita.
“Opo, ako po’y tutungo sa hacienda Macias para paunlakan ang imbitasyon ni Donya Elvira.” Aniya sa malaking ngiti at umupo.
“Ganoon ba, oh siya at mag-ingat ka sa pagparoon. Kumain ka na.” anito na para siyang tunay na anak.
Napangiti si Catalina dahil kahit papano ay may isang taong nagpapahalaga sa kanya sa bahay na ‘yon. Malaki ang ngiti niya pero hindi rin iyon nagtagal sa kanyang labi dahil sa sinabi ni Donya Margarita.
“Galingan mo ang pagpapakita ng interes sa mga Macias, hija. Nakasalalay dito ang reputasyon ng ating pamilya.” Anito na parang wala lang pero may diin sa pagkakasabi no’n.
“Margarita, hayaan mo si Ruisa.” Napababa ang tingin ni Catalina ng marinig ang saway ni Don Rodelio sa asawa.
“Nagpapaalala lang ako, Rodelio.” Anito sabay inom ng tsaa na nakataas ang kilay.
YOU ARE READING
Bygone Promises
Historical FictionThis Story is situated in the 19th century. Raphael and Catalina are both orphans who grow up together in the same orphanage. They are inseparable despite of Raphael's disability. They dreamed of never being apart, but life in the orphanage is alway...