Huling Kabanata
‘Pagtitiwala’
HINDI magawang makapagsalita ni Catalina habang nasa labas ng ospital. Tulala lamang siya sa pintuan kung nasaan naroroon si Raphael.
“Hija, ano ba ang nangyari?” tanong sa kanya ng ina ni Raphael, ngunit tanging pagtitig lamang ang kanyang naging tugon dito.
“Elvira, hayaan muna nating mapag-isa ang bata.” Ani Don Ernesto at inilayo ang asawa sa kanya.
Muling tumulo ang mga luha ni Catalina. Akala niya ay pinapaburan na siya ng tadhana, ngunit isa lamang iyong patakim.
“Anak…”
Nilingon niya ang ama. Halatang-halata sa mukha nito ang pag-aalala at takot.
“Ama…” tanging nasabi niya.
“Umuwi ka muna siguro para makapag pahinga, ilang oras ka ng nakaupo riyan.” Suhestiyon ng ama.
Mabilis na umiling si Catalina. “Hindi maari, ama. Dapat ay narito ako sa paggising ni Raphael.” Aniya na wala na sa tamang pag-iisip.
“Senyorita, makinig ka sa iyong ama.” Si Koring naman na nangingilid ang mga luha.
“Koring,” lumapit ito sa kanya at siya’y niyakap. Naiyak siya nan maramdaman ang bisig nito.
“K-Koring, kasalanan ko ang lahat.” Sumbong niya sa gitna ng pag-iyak.
“H’wag mong sisihin ang iyong sarili, senyorita.”
“N-Natatakot ako, Koring. N-Natatakot akong sa pagkakataong ito ay mawala na talaga s-siya sa akin ng t-tuluyan.” Bulong niya na puno ng pangamba.
“Manalig ka lang senyorita, hindi bulag ang Diyos. Nakikita niya lahat ng iyong pagdurusa.” Pag-aalo ng dalaga sa kanya.
Kahit papaano ay gumaan ang kanyang puso dahil sa presensya nito. Kahit papaano ay may isa siyang taong komportabling pagsabihan.
“Ano, uuwi ka ba muna, anak? Ikaw ang una naming sasabihan kapag pwede na nating makausap ang doctor.” Anang ama.
May pagdadalawang isip sa mga mata ni Catalina. Takot siyang iwan si Raphael ngunit…
“H’wag kang mag-alala, senyorita. Mananatili ako rito upang agad kang puntahan kapag meron ng balita.” Pagpapanatag ni Koring sa kanyang loob.
Tumango siya ng walang kabuhay-buhay, “Salamat, Koring.” Ngiti niya rito.
“Tara na, anak.” Ani Don Rodelio at inalalayan siya sa paglalakad.
Kinawayan siya ni Koring na nanatili sa ospital para tulungan ang mag-asawang Macias. Kahit labag sa loob ni Catalina ay kailangan niya ng oras upang makapag-isip ng maayos at patatagin ang kanyang loob.
Naglalaro pa rin sa kanyang isipan ang tanong kung bakit sa dinamiraming tao ay bakit sila pa ang napagdiskitahan ng mga masasamang loob na iyon.
Habang nakasakay sa kalesa ay malayo ang tingin ni Catalina. Bumabalik-balik sa kanyang utak ang nangyari.
“…hindi iyan kasama sa usapan.”
Muling pumasok sa kanyang utak ang mga katagang iyon na kinatigil niya. Hinarap niya ang ama at mataman itong tiningnan.
“Ama, nakakasigurado akong may tao sa likod ng pananambang sa amin.” Simula niya.
Napatingin sa kanya ang ama. Nagulat pa ito nang bigla na lang niyang hawakan ang mga kamay. “Pakiusap, tulungan mo akong mahanap kung sino ang nais kaming pagbantaan ni senyorito Raphael, ama.”
YOU ARE READING
Bygone Promises
Historical FictionThis Story is situated in the 19th century. Raphael and Catalina are both orphans who grow up together in the same orphanage. They are inseparable despite of Raphael's disability. They dreamed of never being apart, but life in the orphanage is alway...