Bygone 10

8 5 0
                                    

Kabanata 10

'Panibugho'

NAPAHAWAK si Catalina sa parte ng kanyang dibidib kung nasaan ang kanyang puso nang makaramdam ng pagkabagabag sa hindi malamang dahilan.

Parang wala siya sa sarili  habang nakatingin sa mamang nagkakarga ng kanyang mga gamit papunta sa loob ng barko. Kasalukuyan siya ngayong nasa daungan kasama ang ama.

"Hija, anong problema?" boses ng ama na nagpatalon sa kanya sa gulat.

"A-Ama?" tanong niya pagbalik nang hindi nakuha ang tanong nito.

"Wala kaya yata sa iyong sarili, Ruisa? 'Wag kang panghinaan ng loob, hindi naman kita hahayaang magtagal kay Mama dahil ako'y mangungulila sa iyo." Nginitian siya ng Don at mahigpit na binalot ng yakap.

Tila nawala ang mabigat na pakiramdam na nakadagan sa puso ni Catalina dahil sa ngiti at mainit na yakap ng ama.

"Salamat, ama. Ako rin ay mangungulila sa inyo. Ipagdarasal ko lagi ang inyong mabuting kalusugan. Paalam." Usal niya at kumawala sa yakap.

"Sumulat ka, anak kung mayroon mang maging problema." Bilin nito at kinawayan siya.

"Opo." Maikli niyang sagot at nagsimula ng humakbang patungo sa loob ng barko.

Habang naglalakad ay hindi niya mapigilang isiping sana ay maabutan siya ni Raphael bago pa man siya makasampa sa barko. Kahit pa sa maliliit na hakbang ay parang pakiramdam niyang sobrang bilis ng kanyang pagdating sa dulo na bigo sa lihim na hinihintay.

Sa palapag ng barko ay tinanaw niya ang daungan na puno ng mga biyaherong tulad niya. Nilibot niya ng tingin ang paligid ngunit hindi niya nakita ang pigura ni Raphael.

Tumunog ang malakas na sirena ng barko hudyat na ito'y maglalayag na. Binalot ng kaba at pangamba ang puso ni Catalina. Nagsalubong ang kaniyang  mga kilay sa pagkabalisa.

Nagsimulang magsiksikan ang mga tao sa gilid ng barko para kumaway sa kanilang mga mahal sa buhay kaya  natulak si Catalina sa likod at natabunan ng mga matataas na lalaki. Tumingkayad siya pero hindi na niya nasumpungan ang labas.

Bagsak ang kaniyang mga balikat na umatras sabay buntong hininga. Hindi na siya umasang makikita pa sa huling pagkakataon ang kababata. Katulad noong mga bata pa sila ay muli na namang hindi nagpakita si Pael.

LUMIPAS ang dalawang araw at isang gabi ay dumating na rin siya sa daungan ng Cavite. Nanibago siya sa lugar kung saan ay napakarami ng mga taong nagmamadali. Ibang-iba ang lugar sa probinsyang kanyang kinalakihan.

Nang masigurong naibaba na ang lahat ng kanyang mga bagahe ay bumaba na rin siya sa barko kasabay ng maraming tao.

Para siyang batang manghang-mangha sa bagong tanawin na kung saan-saan na lamang dumadapo ang kaniyang mga mata.

"Hija!"

Mabilis niyang nilingon ang sumigaw at napangiti nang makita ang isang ginang, puti na ang buhok nito ngunit bakas pa rin ang kagandahan sa malaki nitong ngiti.

"Lola!" mabilis siyang tumakbo patungo rito at mahigpit na yumakap.

"Kumusta kana, apo?" kaaggad nitong tanong.

Bygone Promises Where stories live. Discover now