Bygone 11

4 4 0
                                    

Kabanata 11

Kadiliman

HINDI mapalagay si Catalina sa kinahantungan ng pagkikita nila ni Raphael sa palengke kahapon. Nawalan siya ng gana sa buong araw dahil doon.

“Senyorita, tama na at nalulunod na yata ang bulaklak sa dami ng inyong binubuhos na tubig.” Kinakabahang ani ni Koring na napansin ang pagiging lutang ng amo.

“A-Aay!” sigaw ni Catalina at agad itinabi ang tabo.

“Pasensya na halaman at ikaw ang sumalo sa lahat ng aking iniisip.” Bulong niya rito habang dinaragdagan ang lupa nito.

“Senyorita, ano ba ang dahilan at palagi na lang kayong tulala? May nangyari ba kahapon nang kayo ay lumakad mag-isa?”

Natigilan si Catalina sa paglalagay ng lupa kasabay ng pagbuntong hininga sa tanong ni Koring. Tumayo siya at nagtungo sa timbang may tubig upang alisin ang putik sa mga kamay.

“Wala, Koring. Pasensya na pala at natagalan ako sa pagbalik sa patahian.” Aniya para iliko ang usapan.

“Ayos lang, Senyorita.” Anito na puno pa rin ng pangamba para sa amo.

“Siya nga pala at  may nakalimutan akong gawin, ikaw ng bahalang magpatuloy magdilig dito, Koring. Ako’y babalik na sa mansyon.” Mabilis niyang ani para makaiwas sa mga tanong nito.

“Ako na pong bahala rito, Senyorita. Salamat nga po pala sa bagong damit.”  Ngiti nito.

“Walang anuman iyon.”

Aalis na sana siya nang may tanong na biglang pumasok sa kanyang utak. Muli niyang hinarap si Koring.

“Ah, Koring. Nais ko lamang itanong kung umabot ba ang aking liham na aking pinabigay kay Raphael?”

“Po? Opo, senyorita. Nagmamadali nga po siyang umalis matapos basahin iyon. Hindi ba ka’yo nagkita bago ka’yo umalis?”

Umiling si Catalina, “Sinundan niya ako? Ngunit hindi kami nagpang-abot.” Mahina niyang bulong sa sarili.

“Senyorita?” kuha ni Koring sa kanyang atensyon nang bigla na naman siyang natigilan.

“H-Ha? Ah, pasensya na, Koring. Nais ko sanang malaman ang mga pangyayari nang ako’y umalis dito. Pumarito ba si Raphael nang ako ay hindi niya naabutan sa daungan?”

“Hindi po bumusita rito si Senyorito Raphael simula nang kayo ay umalis.” Ani nito ngunit pansin niya na may nais pang sabihin si Koring.

“Koring, may iba pa ba akong dapat malaman?” usisa niya rito na agad na nag-iwas ng tingin nang magpang-abot ang kanilang mga mata.

“S-Seyorita…”

“Koring pakiusap.” Mamimilit niya dahil para siyang pinapatay sa kuryusidad sa bawat segundong lumilipas.

Tumikhim muna si Koring bago naglakas loob na magsalita, “Senyorita, usap-usapan po sa bayan na noong araw na umalis kayo ay naaksidente ang senyorito sanhi ng pagkalimot nito ng iilang mga alaala. ‘Yun po ang aking narinig, hindi ko alam kung ang impormasyong iyon ay may katotohanan kaya hindi ko na po nagawang sabihin sa inyo kaagad.

Bygone Promises Where stories live. Discover now