Kabanata 6
‘Matinding Away’
NAGKATITIGAN sila ng mga nanlilisik na mata ng Donya. Hindi nakabawi si Catalina sa gulat.
Paanong… alam ng ina kung nasaan siya?
Nakita ba siya nitong tumakas?
Madaming katanungan ang umiikot sa kanyang utak. Nasagot lamang iyon nang makita ang taong nasa likod ng Donya—si Koring!
Paniguradong ito ang naatasang magbantay at isuplong siya sa ina.
Nang mapansing nakatingin sa kanya si Catalina ay mabilis na nag-iwas ng tingin si Koring dahil sa hiya at pag-uusig ng damdamin. Nakayuko lamang siya, nangliliit sa sarili.
Naalarma naman si Catalina nang sumugod ang Donya sa kanya. Mabuti na lang ay pumagitna si Raphael bago pa mahablot ng ginang ang kanyang buhok.
“Umalis ka sa aking harapan Senyorito at ng maturuan ko ng leksyon ang malanding babaeng ‘yan!” parang nag-aapoy ang mga mata ng ginang habang nakatingin sa kanya na nasa likod ng ginoo.
“Hindi maari, Senyora. Hindi ko po hahayaang saktan ninyo ang aking matalik na kaibigan.” Saad ni Raphael na may diin.
Napaawang ang labi ng Donya at dinuro silang dalawa, “Dios mio! Kailan pa kayo naging matalik na kaibigan?! Iyo lang bang gawa-gawa iyan para pagtakpan ang inyong kapusukan?!”Mabilis na umiling si Catalina sa paratang na iyon ng Donya. Masyado itong nababalutan ng galit kaya siguradong hindi ito maniniwala sa kahit anong sabihin nila.
“Ano, Ruisa?! Bakit tahimik ka? Hahayaan mo lang ba na ang ginoong ito ang magsalita para sa iyo? Isang kang manggagamit, pakawalang babae! Siguro ay inakit mo siya dahil ayaw mong matuloy ang iyong nakatakdang kasal!” sunod-sunod nitong paratang na puno ng paghuhusga.
“I-Ina, mali ka’yo ng inaakala.” Sa wakas ay nakapagsalita siya. Ngunit nangingilid ang kanyang mga luha dahil sa masasakit na salita na binitawan ng Donya.
“Sinungaling!” paratang nito at sinunggaban siya.
“Tama na! ‘wag niyo pong pagsalitaan ng masama si Catalina!” natigilan ang Donya sa sigaw na iyon ni Raphael lalo pa sa huling tinuran nito.
“C-Catalina? Paanong…” bumalatay ang pagkalito sa mukha ng ginang. Tinago nila ng mabuti ang katauhan nito at hindi makapaniwala ang Donya na may nakakaalam bukod sa kanila.
“Totoo po ang sinabi ni Ginoong Raphael, ina. Matagal na po kaming magkakilala, maniwala po ka’yo.” Pagmamakaawa niya na sana ay paniwalaan nito.
Tinuro pa ni Catalina ang gusali bilang pagpapa-alala sa Donya.
Nagulat silang lahat ng bigla itong tumawa ng malakas na parang nawawalan ng bait.
“Ina…”
“Hindi ba mas papaniwalaan ko pa na may relasyon nga ka’yo? Bakit sa gabi kayo palihim na nagkikita at ano iyong aking nadatnan? H’wag niyo akong bilugin, nasa wastong pag-iisip pa ako!”
Nasapo na lang ni Catalina ang kanyang noo na hindi alam kung ano ang gagawin. Nawawalan na siya ng pag-asa na papaniwalan sila nito. Sirado ang isip ng Donya.
“Pag-usapan natin ito sa mahinahon na paraan, Senyora. Hindi magandang mapangunahan ng galit.” Suhestiyon ni Raphael sa kalmadong boses.
Napatango si Catalina sa pagsang-ayon.
“Hindi—!” sigaw uli nito.
“Anong nangyayari rito, Margarita? Anong kaguluhan ito?”
Nanginig ang kalamnan ni Catalina nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Hindi nga siya nagkamali.
YOU ARE READING
Bygone Promises
Historical FictionThis Story is situated in the 19th century. Raphael and Catalina are both orphans who grow up together in the same orphanage. They are inseparable despite of Raphael's disability. They dreamed of never being apart, but life in the orphanage is alway...