Bygone 8

7 5 0
                                    

Kabanata 8

Ang kanyang nais

MALAKI ang naginng hakbang ni Catalina tungo sa lugar na parati niyang pinupuntahan sa tuwing siya’y nalulungkot at hindi alam ang nararamdaman.

Ngayon ay mas naging lantad ang mga letrang nakalagay sa sa itaas ng kalawanging arko ng bahay ampunan.

Hospicio de La Castellona

Iyon ang nakalagay roon.

Dumiretso agad siya sa bakuran ng ampunan at nagtungo sa lilim ng punong mangga. Pabagsak siyang naupo roon kasabay ng malalim na buntong hininga.

Pagkatapos ay inangat niya ang tinggin sa asul na kalangitan na naghatid ng kapayapaan sa kanyang magulong isipan.

Sa wakas, nakatakas na rin siya sa masalimuot na sitwasyong iyon.

Hindi alam ni Catalina kung ano ang mangyayari ngayon sa kanya gayong tinakbuhan niya ang lahat.

Siguradong magagalit lalo sa kanya ang inang si Donya Margarita sa kanyang ginawa. Hindi na siya magtataka roon.

Maliit lamang din ang La Castellona para makapagtago mula sa ina. Kaya, hindi magiging solusyon sa kanya ang paglalayas.

Hindi rin maatim ni Catalina na iwanan ang kinalakihang ama na siyang nagparamdam sa kaniya ng tunay na kalinga.

Habang nakaupo roon ay bumalik sa kanyang alaala ang mga masasayang araw sa ampunan kung saan nagtatakbuhan lamang sila sa bakuran habang naghahabulan at paglalaro lamang ang tanging iniisip.

Kung sana naibabalik ang panahon, ano kaya ang kinahantungan niya kung hindi siya sumama sa pamilyang Moncedez? Makakaligtas kaya siya sa sunog katulad ni Raphael? Ano kaya ang mas magandang nangyari?

Hindi alam ni Catalina kung ano ang iisipin. Noong nalaman niyang nasunog ang bahay ampunan na nilakihan ang graben kaba ang naramdaman niya para kay Raphael sa pangambang hindi ito nakaligtas.

Iyon nga ang dahilan ng pagkawala ng kanyang lakas ng loob na makikita pa ito. Ngayon ngang nagkita na sila ay hindi pa rin siya makapaniwala, kung sana ay hindi sila naiipit sa sitwasyong kinasasangkutan ngayon ay sana’y malayo na ang nahabol nila sa mga panahong lumipas na hindi nila kasama ang isa’t isa.

Wala na ngang saysay pa ang pagsisisi. Nasaktan na rin niya ang puso nito sa pagtanggi. Sa tamang panahon ay magpapaliwanag siya kay Raphael.

Ngayon, kailangan muna ni Catalina ng panahon para maging matapang at harapin ang kanyang sariling kinatatakutan.

Nagpalipas si Catalina roon ng ilang oras hanggang magdapit hapon. Napagdesisyunan lang niyang umuwi nang kumagat na ang dilim para makapuslit sa kanyang kwarto na hindi napapansin ng ina dahil ayaw niyang marinig ang magiging lintanya nito sa kanya.

Dahil madilim na ang palingid at tanging mga sulo lamang ang nagbibigay ilaw sa labas ng mansyon ay hindi nahirapan si Catalina para pumislit papasok.

Impit siyang napadasal na sana wala siyang makatagpo dahil hindi pa siya handang humarap sa kahit na sino.

Maingat siyang humakbang paakyat sa makinang na hanggang kahoy para makapanhik sa kanyang silid. Hindi na nga niya napansin na hindi na pa la siya humihinga  dahil sa kaba.

Nakahinga lang ng mabuti si Catalina nang abot kamay na niya ang pihitan ng kanyang kwarto. Akmang bubuksan niya ang pinto nang marinig ang pamilyar na maarting boses.

“Ano’t ang kapal ng iyon mukhang magpakita pa?” anito sa nanunudyong boses.

Nilingon ni Catalina ang ina na nakataas ang kilaw sa kanya at naka-krus ang braso. Parang naubusan ng dugo ang kanyang mukha sa pamumutla nang makaharap ang ina.

Bygone Promises Where stories live. Discover now