Bygone 1

40 8 0
                                        

Kabanata 1

'Sa Balkonahe ng Pamilyang Macias'

LABIS ang pagkamangha ng mga tauhan sa Hacienda Macias habang pinapanood ang napakahusay na pangangabayo ng kanilang amo.

Palubog na ang araw at ang maganda nitong sinag ay nagpa-iwan ng magandang tanawin sa kalangitan na siyang dumagdag sa kakisigan ng senyoritong nakasakay ng kabayo.

Hindi naman mapigilan ng mga kababaihan ang pagsinghap sa tuwing nagagawi sa kanila ang tingin ng ginoo.

“Mga binibini! Palubog na ang araw ano pa ang ginagawa niyo rito? Siguradong hinahanap na kayo sa inyo. Humayo na kayo!” Napasinghap ang mga kababaihan sa panghihinayang nang paalisin ng tagapamala ng rantso.

“Nais ko pa naman sanang pagmasdan pa si ginoong Raphael.” Sambit ng isang dalaga at sabay nguso sa paghihinayang katulad ng mga kasama niya.

“Ang tigas ng iyong ulo, senyorita Melisa! Pinapasundo ka na ng Don.” Pagkarinig doon ng dalaga ay nagmadali itong umalis kasama ng mga kaibigan. Pagkaalis nila ay siya namang pagbaba ni Raphael sa kabayo sabay abot kay Mang Simon nito, ang tagapamahala ng kanilang rantso.

“Hindi pa rin kumukupas ang galing ninyo sa pangangabayo, senyorito.” Papuri ni Mang Simon habang hila ang kabayo papuntang kuwadra.
Natawa si Raphael sa reaksyon ng matanda, “Mang Simon, parang hindi pa po kayo sanay. Palagi ko itong kinagawa at namamangha pa rin kayo sa bawat pangangabayo ko.”

Natawa silang dalawa sa biro ng binata, “Hindi lang ako ang namamangha ginoo, pati na rin ang mga kababaihan na sadyang dumarayo pa rito para makita kayo.” Muli nito pasaring.

Tinapik ni Raphael sa balikat si Mang Simon. Hindi niya ito sinagot sa halip ay ngumiti lamang siya  sa tinuran ng matanda. Ilag siya sa usapang ganoon at may malalim siyang dahilan.

“Ingatan niyo po si Silak, kailangan ko na pong umalis.” Masuyong hinawakan ni Raphael ang kabayo at nagpaalam na rin dito.

“Wag po kayong mag-alala, senyorito.” Sabay silang lumabas ni Mang Simon at habang nagku-kwentuhan ay nagitla siya sa biglang tanong nito.
“Senyorito, may nobya na ho ba kayo? Napapansin ko ho kasing wala kayong interes sa mga kababaihan na palaging pumaparito.”

Natigilan ang binata sabay tingin sa malayo. Naalala niya bigla ang boses ng isang babae at ang pangako nito na malinaw na malinaw pa rin sa kanyang isipan.

“Senyorito? Tila ang lalim ng inyong iniisip.”

Nabalik siya sa sarili at nagpatuloy sa paglalakad, “May isang binibini akong hinihintay, Mang Simon. Hinihintay ko pa rin hanggang ngayon ang kanyang pangako.” Wala sa sarili niyang banggit.

“Ang lungkot ng pagkakasabi ninyo, ginoo. Nasaan ho ba siya?”
Nang matauhan sa sinabi ay nagmadali siyang umiling at natawa, “H-Ha? ‘Wag niyo pong seryusuhin ang mga sinabi ko. Paalam na po.”
Nagmadali siyang naglakad paalis.

Nang makalayo ay napabuntong hininga siya sabay tanaw sa  magandang paglubog ng araw, “Labin limang taon na ang nakalipas, Catalina. Naalala mo pa kaya ako? Naalala mo pa ba kaya ang iyong pangako?” bulong niya. Naupo siya sa ilalim ng punong manga habang malungkot na nakatanaw sa kalangitan.

Flashback

TulongMerceditaTulungan mo akong ilabas ang mga bata! Mauna na kayo!”

Bygone Promises Where stories live. Discover now