Epilogo
‘Mga Bagong Pangako’
HINDI natin hawak ang mundo, tadhana o ang ating kapalaran. Walang nakakaalam sa magiging resulta ng ating mga desisyon, ngunit isang bagay lamang ang pwede nating panghawakan, tunay na pag-ibig.
Ang pag-ibig ng Dios ay kayang iligtas ang sanlibutan, ang pagmamahal sa isa’t isa ay kayang bumuo ng pagbabago, at ang huli ay pagmamahal sa sarili.
Nagagawa ka nitong iligtas sa pagkasira at kasakitan. Higit sa lahat ay ito ang nagbibigay oras at pansin sa iyong nararamdaman, sa sigaw ng iyong puso.
Sa pag-ibig na ito napapaloob ang iyong mga desisyon para sa iyong sariling kapakanan. Kung mahal mo ang iyong sarili ay hindi ka gagawa ng desisyon na makakasira sa iyong buhay na labis mong pagsisisihan.
Sa aking buhay ay wala akong pinagsisihan. Tinahak ko lamang ang landas na nakahanda para sa akin, naging matapang at naghintay.
Pagmamahal ba iyon sa sarili? Siguro oo dahil wala akong ibang ninais kundi ang makapiling siyang muli.
Ito nga ang naging bunga ng aking desisyon. Noon sa bahay ampunan ay takot na takot akong iwan siya, ngunit kung hindi nangyari ang mga nangyari ay dadating ba kami sa puntong ito?
Naalala ko pa ang una naming pagkikita sa balkonahe ng kanilang mansyon. Kapwa kami nakatanaw sa mga bituin at hindi ko inakalang katabi ko na ang lalaking matagal ng hinihintay.
May mahika siguro ang mga bituin upang idugtong ang aming mga kaluluwa na pinaghiwalay ng tadhana.
Ang kanyang mga mata ay nakakahalina, hindi ko mapigilan ang sariling titigan siya sa mga panahong iyon.
Doon nga’y hiniling ng aking puso na muli kaming magkita. Nakikita ko ang isang pamilyar na tao sa kanya.
Unang hakbang, hinatid ako ng aking mga paa sa kanya.
Ikalawang hakbang, nakilala ng aking puso ang sinisigaw ng kanyang pagkatao.
Pangatlong hakbang, masayang humantong sa kanyang mga bisig.
Wala akong pinagsisihan na makasama siya. Napagtanto ko ang labis na pangungulila ng aking pusong siya lamang ang hinihintay.
Huling hakbang, ngumiti ang aking puso sa tuwa, papalapit ako sa lalaking hinihintay ng aking puso at kaluluwa.
Tila napakalayo ng aking distansya sa kanya na nakatayo lamang sa lilim ng punong mangga.
Isang hakbang, dalawa, tatlo… bumibilis ang aking mga paa at tuluyan na ngang tumakbo sa kanya.
“Raphael! Kung ito’y kathang isip lamang ay sana’y hindi na matapos pa. Nandito ka na.” saad ko pagkatapos talunin ang pagitan namin at yakapin siya ng napakahigpit.
Naramdaman ko ang pagtungon niya sa aking yakap at hinayaan kong matunaw sa kanyang mga bisig.
Hinarap niya ako sa kanya at nagkatagpo ang aming mga mata. Agad niya akong ginawaran ng ngiti na muling kinatunaw ng aking puso.
“Hindi ito kathang isip, Catalina.” Saad niya. Sinapo niya ang aking pisngi habang sinasabi iyon.
Naging reaksyon ng aking katawan ang hawakan ang kanyang palad habang ito’y nakalapat sa aking pisngi.
Ang init ng kanyang mga kamay, nararapat na ngang maniwala. Isa yata itong malaking himala na biyaya ng Panginoon mula sa itaas. Narinig Niya ang aking mga dasal!
“R-Raphael…” bulong ko habang masuyong nakatingin sa kulay-kastanyo niyang mga mata.
Naramdaman ko kaagad ang pagtulo ng aking mga luha kahit sa pagbigkas lamang ng kanyang pangalan. Sinapo ko ang kanyang mukha. “Totoo ka nga.” Niyakap ko siya ulit.
YOU ARE READING
Bygone Promises
Historical FictionThis Story is situated in the 19th century. Raphael and Catalina are both orphans who grow up together in the same orphanage. They are inseparable despite of Raphael's disability. They dreamed of never being apart, but life in the orphanage is alway...