Kabanata 12
‘Paglalakbay sa Kawalan’
ANG kadilimang bumabalot sa kamalayan ni Catalina ay tila walang katapusan. Napalingon-lingon siya sa paligid, nawawalan ng pag-asa nang biglang masilayan ang isang maliit na liwanag.
Ang liwanag na iyon ang pumuno ng pag-asa sa kanyang puso para makawala sa kadilimang kinasasadlakan. Tumakbo siya at hinanap kung saan nanggagaling ang liwanag.
Sinundan niya ito sa pagbabaka-sakaling iyon ang maghahatid sa kanya pabalik subalit kahit anong bilis ng kanyang takbo ay hindi niya magawang maabutan ang maliit na liwanag na sa tuwing kanyang nilalapitan ay siya namang lumalayo.
“Tulong!!” sigaw niya sa kawalan, mabigat ang dibdib sa nagbabadyang pagtulo ng mga luha.
Lakad takbo ang kanyang ginawa para maabutan ito. Hingal na hingal na siya ngunit determinadong maabutan ang liwanag na mas lalong lumiliit.
“Hindi! ‘Wag kang mawala!!!” sigaw niya rito nang parang tuldok na lamang ang laki ng liwanag na siyang tanging umiilaw sa kadiliman.
Sinubukan niya itong abutin gamit ang kanyang mga palad. Isang mataas na talon ang kanyang ginawa para dukutin ang liwanag na nagawa niya. Binalot siya ng dilim kaya ibunuka niya ang mga palad para pakawalan ang liwanag.
Pagkabuka niya ng palad ay laking gulat niya nang mawala ang liwanag. Binalot ng kaba ang kanyang puso nang hindi siya makahinga dahil sa kadiliman.
“Tulooong!!!—aaaahhh!!!” malakas niyang tili nang maramdamang mabilis siyang huhulog sa kawalan.
Niyakap niya ang sarili at impit na nagdasal sa panginoon.
“PANGINOON ko!” bulalas niya habang habol ang hininga kasabay ng pabuka ng mga mata.
Natigilan siya nang mapagtantong panaginip lang pala ang lahat at gising na siya. Pinakiramdaman niya ang puso na malakas ang kabog. Ramdam na ramdam talaga niya na parang totoo ang nangyari.
Nang kumalma ay nilibot niya ang tingin sa hindi pamilyar na lugar na kinaroonan. Tanging lampara lamang na nakapatong sa isang lamesita ang umiilaw sa maliit na kwarto kung nasaan siya.
Mula sa loob ay naririnig niya ang mga boses ng mga kalalakihan. Bago pa man siya magwala ay naalala niya ang naging engkwentro sa gubat nang bihagin sila ng mga bandido.
Ginalaw niya ang nakagapos na mga kamay sa likod at malakas na napabuntong hininga. Hindi niya akalaing aabot sa pagkadukot ang kanyang mabilis lamang kuno na pagtakas.
“Dios ko! Anong kamalasan ito.” Aniya at ginalaw-galaw ang pagkakagapos para makawala.
Nang hindi umobra ang ginagawa ay napabuntong hininga siya sa pagod. Nagpahinga muna siya nang may maalala.
“Si Pael, nasaan siya?” sambit niya na ngayon lang naalalang magkasama pala sila. Muling binalot ng takot ang kanyang puso sa pangambang baka meron ng nangyaring masama sa lalaki.
“Hindi maari, kailangan kong makawala rito.” Aniya habang pinapatuloy ang pagkalag ng pagkakatali sa kanyang mga kamay.
Nang maubos ang pasensya ay ibinaliktad niya ang mga braso papunta sa harap at kinalag gamit ang bigbig ang nakataling lubid.
YOU ARE READING
Bygone Promises
Historical FictionThis Story is situated in the 19th century. Raphael and Catalina are both orphans who grow up together in the same orphanage. They are inseparable despite of Raphael's disability. They dreamed of never being apart, but life in the orphanage is alway...