Kabanata 15
‘Ang Huli’
SA unti-unting paglapit sa kanyang tahanan o matuturing nga ba ni Catalinang tahanan? Ay labis ang kabog ng kanyang puso. Hindi niya gustong makita kung ano ang magiging reaksyon ng kanyang ina.
Isang malakas na pagsigaw ng kabayo ang nagpatigil ng kanyang hininga. Nakarating na sila sa hacienda Moncedez.
“Anak, ligtas ka!”
Mabilis na nag-angat ng tingin si Catalina nang marinig iyon, ngunit bumagsak din ang kanyang balikat nang hindi ang inaasahang tao ang nakita.
“Ina! Pasensya na at pinag-aalala ko kayo.” Ani Raphael at sinalubong ng mahigpit na yakap ang ina.
Nasa hacienda Moncedez ang mga Macias pwera sa panganay nilang anak. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa kanilang direksyon. Sa kaloob-looban niya ay nais niya ring maging ganoon kalapit sa ina.
“Hija, bumaba ka na.” tiningnan niya ang ama na inabot ang kamay at nginitian ito.
Ang ama lang talaga ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa kanya at napaka swerte niya roon. Mawala na ang lahat ng pagmamahal sa kanya hindi lang ang sa ama. Masasaktan siya ng sobra kung magigising na lang na wala na ang pagpapahalaga nito sa kanya bilang anak.
“Salamat, ama.” Bulong niya at mahigpit itong niyakap.
“Walang ano man, anak. Maligayang pagbabalik.”
Lumaki ang kanyang mga ngiti habang balot sa mga yakap nito. Maging ang kanyang puso ay napangisi sa tuwa. Ngayon ay ang ina na lang ang kulang.
“Pumasok muna tayo sa loob, amigo.” Yaya ni Don Rodelio sa mag asawang Macias.
Habang nakikipag-usap ang ama sa mag-asawa ay nilibot niya ng tingin ang buong bahay hanggang sa asotea ngunit hindi niya nasumpungan ang ina.
Napabuntong hininga na lamang siya at isinawalang bahala iyon. Hindi naman sila naging malapit dalawa ng ina kaya hindi na dapat siya umasa.
“Nagpahanda na ako ng pagkain, amigo. Dito na kayo maghapunan.” Si Don Rodelio.
“Maari ba? Siguradong nagugutom na ang mga bata.” Ani Donya Elvira.
Tumango ang Don at iginiya sila papasok sa kanilang tahanan.
Nagkatinginan lamang sina Raphael at Catalina at sumunod sa mga magulang. Hindi pa alam ng mag-asawang Macias na nakakaalala na ang anak.
SA HAPAG ay doon lamang nasumpungan ni Catalina ang ina na hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Okupado ito sa paghahanda ng pagkain na siguradong para iwasan siya.
Nang nakaupo na ang lahat ay nagsimula na silang kumain. Katahimikan ang bumalot sa buong lugar dahil sa pagnanais ng kanilang mga magulang na makakain sila ng maayos.
Ngunit, kahit pa kagustuhan nilang kumain ng matiwasay ay hindi nila magawa dahil sa kakaibang paninitig ng mga magulang.
Nagkatingin silang dalawa na pareho ang iniisip. Kapwa hindi komportable sa pagiging tahimik ng mga magulang.
Ito ba ang payapa bago ang sakuna?
Napakagat labi si Catalina dahil sa isipang iyon.
“Ahem!” tikhim ni Donya Elvira.
Napatalon si Catalina sa pagkagulat at mahinang nilingon ang direksyon ng Donya.
“Magkasama ba kayo ng aking anak sa buong panahon na kayo’y nawala?” usisa nito na alam niyang hindi maganda ang kahahantungan.
YOU ARE READING
Bygone Promises
Historical FictionThis Story is situated in the 19th century. Raphael and Catalina are both orphans who grow up together in the same orphanage. They are inseparable despite of Raphael's disability. They dreamed of never being apart, but life in the orphanage is alway...