Kabanata 14
‘Maling Hinala’
“Raphael, anong nangyari sa’yo pagkatapos masunog ang bahay ampunan?” si Catalina na kuryuso sa nanging buhay ng kababata.
Sa mahabang panahon ay ngayon pa lamang niya natanong ito sa sitwasyong hindi inaasahan.
Prente silang naglalakad ngayon sa kagubatan na parang namamasyal lamang sa liwasang bayan.
“Hmm… ang naalala ko lang noon ay nagising ako na nakakakita na. Inampon ako ng isang mayamang pamilya na siyang naging aking pamilya ngayon.”
“Masaya akong malamang napunta ka sa mabuting pamilya, Raphael. Hindi ako mapalagay noon nang nilasan ko ang bahay ampunan sa pag-aalala sa iyong kalagayan, lalo pa at nabalitaan kong nasunog ang ampunan noong ako’y nasa Cavite pa.”
“Ikaw pala ay nasa Cavite noon? Kaya pala hindi nag-krus ang ating landas kahit minsan.” Tugon ni Raphael.
Patuloy ang paglalakad nila. Si Catalina naman ay nakatingin sa mga paa at binibilang ang bawat hakbang.
Natigilan siya sa ginagawa nang humarang si Raphael sa kanyang harapan dahil napansin nito ang pagiging malungkot niya.
“Catalina, h‘wag ka mo ng mag-isip ng masyado. Magiging maayos din ang lahat.” Pagpapanatag ng kababata sa kanyang loob.
Napahinga ng malalim si Catalina at hinarap siya. “Hindi mawala sa akin ang mag-isip ng kung ano-ano, Pael. Hindi ako mapanatag, natatakot akong hindi makalaban kay ina.”
“Kung sana ay kaya kung kunin sa iyo ang pakiramdam na iyan ay matagal ko ng ginawa, Cata. Pakiusap, h’wag mong hayaang manaig ang iyong takot.”
“Hindi ko maipapangako, Pael.” Malungkot niyang saad at nagpatuloy sa paglalakad.
Naging tahimik sila, walang naglakas loob na basagin ang katahimikam para magsalita. Pinapakiramdaman muna nila ang isa’t isa at para na rin magkaroon ng oras para makapag-isip.
Nabasag lang ang katahimikan sa pagitan nila nang may itinurong tulay na lubid si Raphael.
“Malapit na siguro tayo sa kabahayan, Cata.” Aniya na puno ng pag-asa.
“S-Sana nga, Raphael.” Aniya na nauutal. Tiningnan niya ng maayos ang tulay na lubid na sinasayaw ng hangin. Napakataas nito at kitid.
Inakyatan yata ng lamig ang buong katawan ni Catalina dahil sa tanawing iyon.
“Tayo na, Catalina.” Ani Raphael at napatiuna na ngunit hinatak siya pabalik ng dalaga.
“Anong problema?” napansin niya ang pamumutla nito na hindi niya mapaliwanag.
“Sandali lang muna, Raphael. Magpahinga muna tayo bago tumawid.” Pagrarason ni Catalina, ngunit ang katotohanan ay nararamdaman na niya ang panginginig ng kanyang mga binti.
Pilit lamang niya itong ikinukubli para hindi mag-alala ang ginoo.
“Mabuti pa nga, Cata. Namumutla ka, ano ba ang iyong nararamdaman?”
“Pagod lang ako, Pael. Pagkatapos kung makapagpahinga ay magiging maayos din ako.” Pagpapanatag niya sa loob nito.
Naupo muna sila sa malapit na bato. Ilang minuto na ang nakalipas at hindi na niya mapigilan si Raphael sa mga rason niya.
“Takot ka bang tumawid sa tulay, Cata?” hindi napigilang itanong ni Raphael.
Hindi agad nakasagot si Catalina, hindi naman niya malilihim pa kay Raphael ang kanyang pagkatakot dahil kailangan nilang tumawid sa ayaw at gusto niya.
YOU ARE READING
Bygone Promises
Historical FictionThis Story is situated in the 19th century. Raphael and Catalina are both orphans who grow up together in the same orphanage. They are inseparable despite of Raphael's disability. They dreamed of never being apart, but life in the orphanage is alway...