Bygone 2

37 6 0
                                    

Kabanata 2

'Sekretong Tagpuan'

NANATILI sa balkonahe si Raphael habang pauli-ulit na inaalala ang boses ng babaeng kanyang kausap kanina.

“Ruisa?” sambit niya sa pangalan nito.

Naalala niya ang pagpulupot ng braso ng kapatid sa bewang nito habang paalis sila. Hindi niya inaakala na ang babae pa lang iyon ang pakakasalan ng kapatid.

Dinapuan ng kakaibang pakiramdam ang puso niya sa naisip.

Muling bumalik sa kanyang ulo ang mala-anghel na mukha ng binibini. Napapikit siya at mulang isinaisip ang boses nito.

Napaka-pamilyar ng boses at iyon ngang nagsalita ang binibini ay pakiramdam niya ay matagal na niya itong kilala.

Napatingin ulit siya sa langit, “Nasaan ka ba, Catalina? Sana ay magkita na uli tayo.” Bulong niya sabay pikit, pinapakiramdaman ang malamig na hangin na dumadampi sa kanyang mga balat.

Pagkamulat ni Raphael ay namataan niya ang kapatid at ang mapapangasawa nito sa hardin. Sila lamang dalawa ang  naroon at hindi mapigilan ni Raphael na mainggit sa nakikitang kasayahan ng kapatid.

Dumapo ang tingin niya sa babaeng nagngangalang Ruisa. Kahit sa malayo ay pansin niya ang kagandahan nito. Napatayo siya ng maayos nang bigla itong ngumiti at parang maging siya ay natamaan sa ngiting iyon.

Mabilis na pinilig ni Raphael and ulo. Kinastigo niya ang sarili kung bakit niya iyon nararamdaman sa mapapangasawa ng kapatid. Nababaliw na ba siya? tanong niya sa isip.

Dahil doon ay naisipan niyang umalis para magkasarilinan ang dalawa. Bumalik na lamang siya sa kanyang silid dahil hindi naman siya nasisiyahan sa pagtitipon. Tama ng nagpakita siya para sa kapatid.

Pagkarating sa kanyang silid ay nahiga siya sa kama. Habang nakahiga ay hindi pa rin naalis na isip niya ang ngiti ni Ruisa. Hindi niya namalayan na maging siya ay napangiti na rin.

HINDI mapalagay si Catalina habang naglalakad sila ni Alvino sa hardin. Kahit pa na nakatakda na silang ipakasal ay hindi niya magawang maging komportable rito.

Mabait naman ang ginoo, palangiti, magiliw at higit sa lahat ay kaakit-akit ngunit malay ba ni Catalina sadyang napipilitan lamang siyang makipagmagmabutihan dito. Pakiramdam niya na hindi siya nagiging patas sa ginoo na alam  niyang totoo ang pinapakitang pag-mamahal sa kanya.

“Ruisa,” anito na kinuha ang kanyang kamay habang pinakatitigan siya.

“Napakasaya ko na sa wakas ay itinakda na ang araw ng ating pag-iisang dibdib. Hindi man kita maayos na naligawan ngunit pangako ko, paulit-ulit kitang liligawan kahit tayo ay kasal na.”  puno ng katapatang binitawan ni Alvino ang mga salita na iyon na masayang nakangiti kay Catalina.

“Salamat, Alvino.” Wika ni Catalina at binigyan siya ng ngiti pero pilit lamang iyon. Sa pinakaloob- loob ni Catalina ay pinagdarasal niya na sana hindi mapansin ni Alvino ang pilit niyang ngiti.

Sigurado siyang masasaktan niya ang damdamin nito kung magkataon man.

“Tama na sa akin ang kasalukuyan nating sitwasyon, Alvino, Hindi ko hihingin pa ang iyong oras dahil alam kong napakahalaga niyon  sa pagpapatakbo ng inyong mga negosyo. Ayaw kitang bigyan pa ng dagdag na iisipin.” Saad ni Catalina sa mahinang boses.

Bygone Promises Where stories live. Discover now