Kabanata 7
'Hindi nais'
"RUISA!!!" agarang sigaw ng Donya nang makabawi sa pagkakagulantang.
Napatalon si Catalina papalayo kay Raphael dahil sa sigaw na iyon. Nginginig ang kaniyang katawan sa kaba at ang tanging nagawa lamang niya ay yumuko dahil sa pagkahiya.
Hindi niya maipaliwanag ang takot na kasalukuyang nararamdaman. Mas lalo iyong nadaragdagan dahil sa presensya ng taong hindi niya inaasahang makita at makasaksi sa ganoong pangyayari.
Hindi pa nakakatulong ang nanlilisik na mga mata ng Donya na ano mang oras ay handa siyang sugurin. Siguradong ubos na ubos na ang pasensya nito sa mga nasaksihan kaya hindi na siya magbabaka-sakaling magtitimpi ito kahit na sa presensya ng dalawang Senyorito.
Hindi na nga siya nagulat sa sumunod nitong aksyon.
"Hindi ka talaga nadadala!" sinugon siya nito at akmang papaluin ng dalang pamaymay nang biglang mamagitan si Alvino na naging dahilan ng pagkakabalik ng Donya sa sarili.
"Binibini, maayos ka lang ba? Nakita ko ang iyong pagkadulas kanina, mabuti na lang at nasalo ka ng aking kapatid." Bigkas nito ng puno ng pag-aalala.
Nag-angat siya ng tingin kay Alvino na hindi makapaniwala sa sinabi nito. Nakasunod din ang tingin niya habang gumagalaw ito palapit sa kanya kasabay ng pagkuha nito sa kanyang kamay. Nagkatitigan sila dahil roon.
Bumagsak naman ang panga ng Donya sa nakita. Hindi nito inaasahan ang reaksyon ng Senyorito na hindi man lang nag-isip ng masama sa nakita.
Imposible!
Hindi naman makagalaw si Raphael sa kinatatayuan habang nasasaksihan ang tinginan ng kababata at nakakatandang kapatid. Muling sumilid sa kanyang utak ang katotohanang hindi na sila katulad ng dati ni Catalina.
Marami na ang nagbago. Ang mas masakit ay ang ideyang ikakasal na nga pa la ito sa kanyang kapatid. Kung iisipin ay napakalayo pa la nila sa isa't isa, kahit pa nayakap niya ito sa kanyang bisig.
Nang dumapo ang mga mata si Catalina sa kanya ay agad siyang nag-iwas ng tingin. Sa malayo siya nakatingin pilit inaalis ang pagkirot ng kanyang puso.
Hindi alam ni Catalina ang gagawin. Napansin niya kanina ang malungkot na tingin ni Raphael na kanyang kinabagabag. Ngayon ay mas lalo siyang naguguluhan sa gagawin.
"M-Maayos naman ako, ginoo. Salamat sa iyong pag-aalala." Mahina niyang tugon at umisang hakbang paatras mula rito sabay ngiti.
Ismid lamang ang tugon ng Donya sa kanyang ngiti. Napatikhim siya sabay lunok dahil roon.
"Ikaw ba ay maayos lang talaga, binibini? Iba ang sinasabi ng iyong namumutlang na mukha." Saad pa ng ginoo na mataman siyang tiningnan.
Umiling naman si Catalina bilang sagot. Alam niyang iba ang dahilan ng kanyang pamumutla.
"Kung iyong mamarapatin ay ihahatid na kita sa loob para ika'y makapagpahinga." Ang suhestiyon na iyong ang nagpakinang sa kanyang mga mata.
Binalingan niya ng tingin si Alvino na binigyan siya ng makahulugang tingin. Tinutulungan ba siya nito para makaalis sa pagkakaipit sa sitwaasyon?
Wala sa sarili siyang tumango sa pagkamangha. Napakabait talaga ng ginoo. Hindi niya lubos maisip na hindi ito nag-isip ng masama bagkus ay tinutulungan siya nito.
"Mawalang galang po, Senyora." Yumuko ito sa ginang bilang paggalang. Inalalayan naman siya nito pagkatapos habang tinanguan lang ang kapatid.
Tanging pagkayamot sa anak ang naramdaman ng Donya habang nakasunod ang tingin sa dalawang papaalis. Nabigo ang kanyang plano na siraan si Catalina sa mata ng mapapangasawa. Nais niya sana itong bigyan ng leksyon ngunit hindi niya inasahan ang naging reaksyon ng binata.
YOU ARE READING
Bygone Promises
Historical FictionThis Story is situated in the 19th century. Raphael and Catalina are both orphans who grow up together in the same orphanage. They are inseparable despite of Raphael's disability. They dreamed of never being apart, but life in the orphanage is alway...