PAHINA 31***
"Oh ayan, pwede ka ng dumilat, Blue." narinig kong sabi ni Tita Andy nang matapos niyang lagyan ng eye shadow ang eyelid ko. Sinunod ko ang sinabi ni Tita Andy at dahan-dahang dlnilat ang mata ko.
Humarap ako sa salamin ko at napanganga ako ng makita ko ang buong itsura ko. Wow, ako ba 'to?
"Ang ganda ganda talaga ng pamangkin mo bestpren, alam mo, bakit hindi ka kaya mag model. May isa akong kaibigan na photographer na naghahanap siya ng model ngayon." sabi ni Tita Andy at ngumiti siya sakin sa salamin.
"Hindi na po. Wala naman po akong alam diyan eh." Isa pa, baka nagwala na naman yung matanda pag mag model ako. So no thanks, tita.
Nagkibit balikat lang siya. "Ikaw bahala. Sabagay, sixteen ka palang ano? Naku, nakalimutan ko? mangha niyang sabi.
"Naku Andy kahit nasa tamang edad pa 'yang si Blue eh hindi naman papayagan ng boypren niya. Naku baka ipakulong ka pa nun ewan ko lang sayo." sabat ni Auntie na nakaupo sa kama ko. Tama ka diyan, Auntie.
Natawa ako ng mahina at binaling ulit ang mata sa repleksyon ko.
Nakasuot ako ng floor length strapless red gown. Mas lalong lumitaw ang maputi kong balat dahil sa kulay ng gown ko. Nakakulot ang dulo ng kulay tsokolate kong buhok. And I'm wearing a light make up na mas lalong nagpalitaw sa kulay berdw kong mga mata. Wala sa sarili akong napahawak sa dulo ng buhok ko.
Tonight's our prom.
Hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan ako ng sobra. Maybe I'm just excited? Pero- I really feel like somethings gonna happen. O baka naman paranoid lang ako. Napaungol ako sa isipan.
"Naku, napakaswerte naman ng pamangkin mo. Bilyonaro pala iyon ano? Nakita ko kasi yun sa magazine. Napakagwapo." ani Tita Andy na parang kinikilig pa.
Napangiwi ako dahil sa narinig ko mula kay Tita Andy. Para akong nainis sa sinabi niya. Parang ayokong pinag-uusapan ang boyfriend ko. Akin lang si Ales.
"Naku, wag mo ngang pagnasaan ang boyfriend ng pamangkin ko. Baka ihawin kita ng buhay." pagtataray ni Auntie kay Tita.
Inirapan lang siya nito at nagsimula nang iligpit ang mga make-up na ginamit. "O siya, bababa muna ako. Nauuhaw ako bespren." paalam nito at binalingan muna ako.
"O Blue, wag mong masyadong galawin ang make up mo ha. Baka magkalat." paalala niya sakin at lumabas na ng kwarto.
Sumimangot ako sa repleksyon ko. I just shook my head at hinarap sila Auntie.
Nagkasalubong ang mga mata namin ni Auntie and her eyes soften. Bumuntong hininga siya ng malalim at nakita ko pa ang pangingislap ng mga mata niya na parang naiiyak na siya.
Tumayo siya at pinunasan ng mabilis ang ilalim ng mata niya. Ngumuso ako at nilapitan siya sabay yakap.
"Auntie naman, bakit ka naiiyak? Pangit ba ako?" naglalambing kong tanong.
"Naku, hindi no. Ang ganda ganda mo pa lalo. Blue. Mana ka talaga sakin." umiling siya at hinaplos ng mahina ang mga pisngi ko at tuluyan nang tumulo ang luha niya.
"Auntie, bakit po?" nakakunot noo kong tanong. Parang akong kinakabahan sa inaasta ni Auntie. Umiling lang siya habang patuloy pa rin ang pagtulo ng luha niya. Pinunasan ko ito gamit ang mga daliri ko at tiningnan siya ng maigi.
"Blue, malulungkot ka ba kapag nawala ako?" nanginginig niyang tanong.
Kumunot lalo ang noo ko at umiling ng mabilis.
BINABASA MO ANG
The Possessive Man's Girl
General FictionAlession Marquez is a thirty year old ruthless man with Greek God like face and body and who is insanely possessive when it comes to his possession which includes his baby girl -Blue Maniago a sixteen year old high school student. Find out how t...