Pahina 24

15.3K 348 86
                                    

PAHINA 24

***



"Best, excited na ako. Malapit na yung JS prom. Sino date mo?" narlnig kong tanong ni Carla sa'kin.




Tinigil ko ang pagsusulat ko at nilingon siya. She's right. Malapit na pala ang JS prom namin. Hindi ko na pala namamalayan.



"Wala pa. Wala pa namang nagyayaya sa'kin eh." malumay kong sagot sa kanya.



Tinuon ko ulit ang atensyon ko sa pagsusulat. It's half true, marami namang nagyaya sa'kin pero hindi ko lang pinapansin.


Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Carla sa tabi ko.



"Best, okay ka lang ba talaga?" bahid sa boses niya ang pag aalala.



Tumango lang ako bilang sagot habang patuloy lang sa pagsusulat


"Blue, kalimutan mo na si Mr. Marquez. Alam ko nasasaktan ka pa rin." mahina niyang sabi at nilpag ang isang newspaper.



Bumigat ang dibdib ko at nagsimula na namang tumulo ang luha ko habang tinitingnan ang dyaryong may litrato ni Ales na may kahalikang babae. Base sa statement, sa isang mamahaling bar daw ito naganap and it was last night!



Umusbong ang galit ko. Kinuha ko ang dyaryo at galit na pinunit. Hindi ko pinansin ang saway ni Carla at tinuloy ang pagpunit dito. Galit ako. Gusto kong ilabas ang galit ko sa pesteng dyaryong 'to.


User! Cheater! Paasa! Gago! Walang Puso! Tanda! Tanda! Tanda!


"Best, tama na nga yan." inagaw ni Carla sakin ang dyaryo at tinapon iyon sa basurahan. Nagpakawala akong marahas na buntong hininga at inayos ang nakalugay kong buhok.


"Walang hiya siya. Pinapamukha niya talaga sa'king ginamit niya lang talaga ako. Bullshit! Sino ba siya? Mayaman lang naman siya at—'


"At gwapo." dugtong ni Carla.



I glared at her. "Tse. Yung tandang yun? Gwapo? Cradle snatcher kamo." I scoffed.


"Asus, mahal mo nga eh." siko sa'kin ni Carla. Inikutan ko lang siya ng mata at niligpit ang mga gamit ko. Kainis talaga 'tong si Carla.

"Tara na. Malapit nang magklase." "Asus Blue, umiiwas." asar niya ulit. "Tse. Manahimik ka." inirapan ko siya.


Inakbayan ko siya at hinila papuntang classroom. "Pero seryoso best, wala talagang nagyaya sayo?" tanong niya ulit habang naglalakad kami sa hallway.


Sinimangutan ko siya. "Wala nga. Hindi na ako aattend." simple kong sabi.



Nagulat ako ng biglang kumalas si Carla sa pagkakaakbay ko sa kanya at hinarap ako. "No! No! Aattend kang bruha ka!" yugyog niya sa'kin. I rolled my eyes at her at hindi ininda ang sigaw niya.



"Best naman. This is our last year in high school. Malapit na tayong grumaduate. Haler, lubusin na natin."

"Tsk. Eh wala din naman akong
mapapala diyan eh. Buti Sana kung-" babalikan pa ako ni Ales.




"Ano?" tiningnan ko si Carla at napalunok. Iniling ko ang ulo ko.



Damn. Dapat ko na talaga siyang kalimutan. Move on, Blue.



"Wala. Tara na." pagsisinungaling ko. Inakbayan ko ulit si Carla at nagpatuloy sa paglalakad.

"Okay, as you all know... 3 weeks na lang before JS prom. And the good news is, bongga ang prom niyo dahil sa isang mamahaling hotel ang venue. Maswerte kayo at may nag-sponsor kaya hindi niyo na kailangan pang magbayad. Gowns and suits na lang ang magiging gastos niyo. Oh, di ba? Ang swerte niyo!" masayang sambit ni Ma'am sa'min.


The Possessive Man's Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon