Pahina 11

19.9K 481 71
                                    

PAHINA 11

***

Naging tahimik ang buong byahe. Wala ni isa samin ang bumasag sa katahimikan.

Namamawis ang palad at mabilis na kumakalabog ang dibdib ko ngayon. Malalalim na hininga na ang ginagawa ko, hoping na tumigil ang bilis ng tibok ng dibdib ko.  Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Kanina ko pa naiisip na buksan ang pinto at tumalon palanas ng kotse niya.


Hanggang sa pinarada niya ang kotse niya sa isang malaking bahay no scratch that— sa isang mansion! Sa kanya 'to?


Ang yaman niya grabe...


Bumaba siya ng kotse at lumibot papunta sa side ko at pinagbukasan pa ako ng pinto. Gentleman pala siya. Huminga ako ng malalim at tiningnan ko siya.


"S-Salamat po." sabi ko.



Ngumisi siya at hinapit ako sa beywang pero mabilis din naman akong lumayo. Inilingan ko siya na mas lalong nangpangisi sa kanya, like he's amused with my expression.


Ang saya mo naman. I want to roll my eyes at him, pero mahirap nang magkamali. Baka magalit siya at hindi na niya ako bigyan ng chance.


Napanganga ako nang makapasok na kami sa loob ng mansyon niya. Wow.


Napakaganda ng loob ng mansyon niya. Magagara lahat ang gamit niya. Mula sa mga antique vases, sa mga naglakakihang paintings na nakasabit sa pader, may chandelier ding nakasabit sa ceiling. May nakita din akong grand piano sa may receiving area niya.


Tumutugtog kaya siya?


"Come on. Let's go to my office. It's upstairs." he said sternly.


Napalunok ako sa pagbabaho agad ng mood niya. Tumango ako at sumunod sa kanya.


Huminto siya sa isang pinto at binuksan ito. "Get inside."


Napalunok ako at dahan-dahang lumakad sa loob. Tiningnan ko ang kabuuan ng malaking kwarto. Puti ang buong paligid at may mga bookshelves sa gilid. Now, parang gusto kong isa-isahing tingnan yung mga libro. Mahilig din kasi akong magbasa.


Marami ding mga nakasabit sa dingding na mga painting. Sa gilid nama'y may isang pintuan na nakabukas at nakita kong isa iyong maliit na kusina.


Napaka-ganda ng buong kwarto.


Tumikhim si Mr. Marquez kaya napatingin ako sa kanya na nasa harap kong nakaupo sa swivel chair niya habang nakatungkod ang siko habang kinakagat ang hinlalaki at nakakatitig sakin.

Kinagat ko ang labi ko at napayuko nalang sa titig niya. Tumikhim ako bilang pagbasag sa katahimikan.


"S-Sir..." pagsisimula ko ngunit pinutol nito ang sasabihin ko.

"Call me Ales."


"Po?" Naguluhan ako.


Gusto niyang tawagin ko siyang Ales? Isn't that unrespectful? Sabi kasi ng Auntie ko maging magalang daw ako sa matatanda eh.


The Possessive Man's Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon