Pahina 9

17.6K 472 22
                                    

PAHINA 9 

***


Dumating ang kinabukasan at mabilis na lumipas ang oras. Ni hindi ko namalayan na natapos na pala ang klase.


Kinakabahan ako buong araw at buong araw na wala sa sarili. Tulala at tahimik.

Bumuntong hininga ako ng malalim habang nasa sasakyan ako. Balisa akong nakatitig sa labas ng bintana ng taxi na sinasakyan ko ngayon. 


Binalingan ko ang dinadaan ng taxi at mahigpit na humawak sa cellphone ko. Papunta ako ngayon sa bahay ni Mr. Marquez. Sa una nagda-dalawang isip pa ako kung pupunta ba ako sa address na binigay niya sa'kin. 


Pero naisip ko, baka tutuhanin niya ang banta niy, at ayokong mangyari yun. 


Base sa nabasa kong magazine na hiniram ko pa sa kapit-bahay namin. Makapangyarihan daw siyang businessman. Palaging nangunguna sa mundo ng negosyo. Napakalawak pala ng kanyang negosyo, hindi lang dito sa pilipinas kundi pati sa buong europe. 


Kaya naman pinagtataka ko kung binili ang lupa ng tinitirahan namin gayo'ng kaya naman pala niya maghanap ng ibang lugar na mapagtatayuan ng mga ari-arian niya. At ngayon, ibibigay niya ang lupa sa'min ng libre pero ang kapalit ay — ako. 


Ni hindi nga namin kilala ang isa't-isa. Tahimik naman ang buhay ko, nagulo lang iyon nang dahil sa kanya. 



Napag-alaman ko rin na totoong trenta anyos na talaga siya. Pero kung makikita mo base sa mukha niya, hindi halatang wala na siya sa kalendaryo. Parang siyang nasa mid twenties lang. Marami ding babae ang nali-link dito mapa-beauty queen man o artista. 


Pero ang ipinagtataka ko dito, ano pa ang kailgan niya sa isang katulad ko? Sa isang labing-anim na taong gulang na katulad ko. 


For the nth times, I sighed.


“Ineng, andito na tayo.” Napatingin ako sa isang taxi driver bago tumingin sa paligid. Nandito na.



Huminga ako ng malalim at inabot ko ang bayad sa taxi driver. Nagpasalamat ako bago bumaba ng taxi. 



Suot pa rin ang uniform ko, naglakad ako habang mahigpit na hinahawakan ang magkabilang strap ng bag ko. 


Kahit nasa gate palang ako ng village alam kong lahat ng nakatira dito mayayaman. Naglakad na ako palapit sa guard house ng entrance. 


Sa entrance pa lang, halatang mayayaman ang nakatira dito. Maganda ang paligid at napakapaya ng buong lugar. 



Huminto ako sa harapan ng gate at nakita ko ang isang matandang gwardya na nagsusulat sa isang log book. Parang napaka-istrikto ng mga tao dito, sana lang hindi ako mapahiya. Kinagat ko ang labi ko at lakas na loob na nagsalita. 



"Magandang hapon po." panimula kong bati dito.


Inangat nito ang tingin sa'kin at kumunot ang noo nito nang makita ako. He's probably trying to recognize me if I live here. 


"Ano iyon, ineng?" sagot nito at lumapit. 


"Dito po ba nakatira si Mr. Marquez? P-Pinapapunta niya po kasi ako." nag-aalangan kong tanong. 



Kumunot ang noo ng matanda tiningnan niya muna ako ng ilang sandali na parang sinusuri ako. 


"Bakit, Ineng? Kaano-ano mo si Sir?" usisa nito. 


The Possessive Man's Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon