Pahina 20

19.6K 436 59
                                    

PAHINA 20

***


Nagising ako nang marinig ko ang sigaw ni Ales. Napakunot ang noo ko at nakita kong wala na si Ales. Umupo ako at nagkamot ng mata.


Nilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto. Then, naala ko ang nangyari kanina samin ni Ales. Shit. Ramdam ko pa rin ang kamay niya sa ibaba ko.

Tang ina Blue, half virgin ka nalang.


Napapikit ako sa naisip. Hinawi ko ang kumot at napakunot ang noo ko dahil nakasuot na ako ng malaking shirt. Baka kay Ales 'to.



Sandali, binihisan niya ako?



Dahan-dahan akong bumaba sa kama. Nakakita ako ng full lenght mirror at tiningnan ako kabuuan ko. Umabot hanggang hita ang t-shirt.

Nakagat ko ang labi ko ng makita ko ang ilang kiss marks sa hita ko.

Halatang-halata ito dahil sa maputi kong kutis. Kainis ka, Ales.

Binaba ko ang kwelyo ng damit ko at tiningnan ang leeg kong may pulang marka din. Walangya, anong sasabihin ko sa Auntie nito pag makita niya 'to.


Lagot na.



"What the fuck, just give me the damn files, you retard! Hurry!"



Napatalon ako sa gulat ng marinig kong muli ang malakas na sigaw ni Ales.



Dali-dali kong pinulot ang mga damit ko at nagbihis. Galit na naman ang isang yun. Umupo ako sa gilid ng kama at para magsuot ang sapatos. Inayos ko muna ang kama bago ako lumabas ng kwarto.


Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sumilip muna bago lumabas.


Nakaramdam ako ng awa ng makita kong hinihilot ni Ales ang sentido niya. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Nakakunot ang noo niya habang nakahawak sa cellphone halatang irita sa kausap niya.


"Ales." mahina kong tawag.




Napahinto siya at tumingin sa direksyon ko. Bumuga siya ng malalim na buntong hininga at pagod na ngumiti. Pagod talaga siguro.




"Baby, come here." malambing niyang sambit.



Sinunod ko naman siya at lumapit agad sa kanya. Hinawakan niya ako sa beywang at pinaupo sa lap niya. Agad niyang sinubsob ang mukha niya sa leeg ko at huminga ng malalim.


"O-Okay ka lang ba?" alanganin kong tanong.


Tumango lang siya at hinigpitan ang hawak sa aking beywang habang nakasubsob pa rin ang mukha niya sa leeg ko.


"M-Masakit ang ulo mo? G-Gusto mo h-hilutin ko? M-Marunong naman ako eh." utal ko.


Ano bang sinasabi ko? Bakit ko ba 'to ginagawa? Aisst.. walang bawian Blue.



Inangat niya ang ulo niya at muling sumilay ang ngiti niya. Bipolar.


"Really?" masaya niyang usal.


Napakagat ako ng labi at unti-unting tumango. Inangat ko ang dalawang kamay ko papuntang sentido niya at dahan-dahang minasahe. Napapikit siya at napaungol.

Nailang agad ako pero ipinagpatuloy pa rin ang pagmasahe sa sentido niya.



"Damn, baby, you're good at this." sabi niya at umungol. Tangina, bakit parang naapektuhan ako sa ungol niya? Arggh!


The Possessive Man's Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon