Pahina 44

9.7K 261 52
                                    

PAHINA 44

***

My heart is hurting. My mind is full of confusions. Sobrang sakit. Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin. Parang ang bigat ng buong katawan ko- nanghihina ako. Everything was a lie.

My life was full of lies.

Gusto kong magwala, umiyak, sumigaw para lang malabas ang galit at sakit sa damdamin ko. Sinubsob ko ang mukha ko sa pagitan ng tuhod ko.

Inaantok na ako. Nagugutom. Nauuhaw.

Pero hindi ko alam kung nasaan ako.

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng aking mga paa. Sobrang dilim na ng paligid at walang tao o sasakyan man lang ang dumadaan sa kalsada. Sa sobrang nabulag ako sa galit at sakit na hindi ko man lang namalayan kung saan ako tumutungo.

Ngayon parang nagsisi tuloy ako na pinairal ko ang galit ko— now I'm lost.

I'm lost, sitting on these pavements. Now what do I do? Wala akong dalang cellphone para may matawagan. I don't have any money in my pocket— at naka-school uniform pa rin ako.

Sobrang lagkit na ng buong katawan ko dahil sa pawis na namuo sa akin kanina habang tumatakbo.

Inilibot ko ang mga mata ko sa buong paligid. Nakaramdam ako ng takot at kabang dahil sa nagsisimula nang dumilim ang buong paligid. Napatingin ako sa relo na suot ko at mag a-alas otso na pala.


I sighed heavily at nagsituluan na ang mga luha ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko- nakakaiyak. Baka wala nang maghanap sa akin. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Ayokong umuwi. I'd rather die in here. Lahat ay kasinungalingan. Lahat niloko lang ako.

Walang naging totoo.


Putang ina ang sakit. Ang sakit. Parang nawalan ng silbi ang buhay ko. Niloko ako ni Ales. Niloko ako ni Auntie.

Bakit ako pinaparusan ng ganito?

Pinunasan ko ang basa kong pisngi at i nay os ang buhok ko. Itinali ko lang iyon para mabawasan ang pagpapawis ko.

I looked up at the sky. Isa-isa nang nasisilabasan ang mga bituin sa langit at nagsisimulang magliwanag ang buwan sa langit.

Naalala ko naman ang nangyari kanina. Sumasakit ang puso ko. Hindi ako makapaniwala sa mga nabunyag tungkol sa akin.

Buhay pa pala ang aking mga magulang— they were at the same planet as me at the whole time. At ang nakakagulat— ang mga Ivanovs pa.


Bakit ginawang ilihim ni Auntie ang tungkol sa totoo kong pagkatao.

Bakit niya nagawa iyon sa akin. She may have gave enough love and care for me- pero hindi pa rin kompleto iyon. I was craving for a mother and father my whole lifewishing that the're still alive.

At ngayon nagkatotoo na ang hinihiling ko— nasasaktan na ako. Hindi ko na matanggap. Be careful what you wish for, ika nga.

Gusto kong magalit sa kanilang lahat. Pero nalilito pa rin ako. Sa buong ako. Is my name even Blue? Kailan ba ang totoo kong birthday? Saan ako pinanganak? May mga kapatid ba ako?


Everything's back zero again.

Ang hirap.


I wish everything was a dream. Sana hindi nalang nangyayari ito at magising ako. Hindi ko alam kung ilang oras na ako nawawala pero hindi ako sumuko sa paglalakad. Sana may makita man lang akong gasoline station o tindahan man lang akong makita.


The Possessive Man's Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon