PAHINA 3
***
Lumipas ang ilang araw at natapos na kami sa mga gawain para sa program na gaganapin para sa bisita.
At ngayong araw na ang event na sobra naming pinaghirapan. Yung puyat, yung pag-uwi ng late at yung paggawa ng mga decorations para sa stage para mapanganda ang program namin.
Hindi ko mapigilang mapahilot sa sentido habang inaala ang mga nakakapagod na mga araw na nagdaan para lang sa event na ito. Sobrang tinutukan talaga kami ng mga teacher para gawing perpekto ang pag-aayos at pago-organize ng event.
Dapat daw kasing walang palya, dahil napa-istrikto daw ni Mr. Marquez.
Sobrang nakakapagod. Nakakapagod talagang mag-organize ng mga ganito. Kaya bilib na din ako sa mga ganito ang trabaho. Araw-araw ang daming inaayos at kailangan perpekto.
Kahit na marami kami at tulong-tulong na matapos sa paghahanda, kita mo pa rin sa ibang members na nahihirapan sila sa mga gawain. Nakaupo ako sa isang bench dahil sa gusto ko munang magpahinga kaysa sa umattend sa program.
Damn it, kung pwede lang na hindi na ako pumasok ngayong araw–kaso binawalan kami ni Greene na umabsent without valid reason daw.
"Nakakapagod..." wala sa sariling bigkas ko sa kawalan.
Ilang araw na din kasi akong kulang sa tulog. Lalo na kahapon, halos gabihin kami dahil sa sobrang minadali namin ang pagtapos sa decoration sa buong school. Kanina naman, maaga kaming pinapunta ni Greene sa school.
Kinailangan din kasi naming siguraduhin na walang magiging palya.
Pwede naman kasing i-invite nalang ng principal namin yung Mr. Marquez na 'yun eh. Bakit kailangang bigyan pa siya ng bonggang program katulad nito. Kaming mga estudyante tuloy ang nahihirapan.
"Blue! Blue! I need your help, so bad!"
I groaned in frustration when I heard a familiar high pitch voice shouting my name.
Carla.
"Bakit anong problema?" bored kong tanong at pumikit.
Nagising ako sa gulat nang bigla niyang niyugyog ang kawawa kong katawan. Bakit ba ang hilig niyang mangyugyog?
"Kasi yung vocalist ng banda ng section natin hindi daw makakapunta! Eh, diba magaling ka namang kumanta? Kaya please! Please! Please! Have mercy! Ikaw nalang ang pumalit!" parang bata niyang pakiusap - na hindi man lang tinitigil ang pagyuyog ng balikat ko.
Inikutan ko siya ng mata at tinapik ang kamay niya na nasa balikat ko.
Binigyan ko siya ng matutulis na tingin."Ayoko! Nakakahiya! Ang pangit kaya ng boses ko!" reklamo ko.
"Weh? Eh, kung sabunutan kaya kita? Sa'kin mo pa talaga sinabi 'yan? Napakasinungaling nito." She glared at me for a while at ngumuso, nag beautiful eyes pa na kala mo hindi ako tinarayan. Hays, may topak talaga ’tong best friend ko eh.
"Ayoko, kita mo naman hindi pa ako nakakapag- pahinga ng maayos eh. Iba nalang. Tsak, baka mag-crack yung boses ko." nakasimangot kong sagot at umupo ng maayos.
"Blue! Sige na!" sigaw na naman niya sa pangalan ko.
Hays! Ang kulit!
BINABASA MO ANG
The Possessive Man's Girl
General FictionAlession Marquez is a thirty year old ruthless man with Greek God like face and body and who is insanely possessive when it comes to his possession which includes his baby girl -Blue Maniago a sixteen year old high school student. Find out how t...