Dice Game - PART IV

184 7 3
                                    

One Place

One Night

Thirteen Lives

Who Will Survive?

The Game Maker

Chapter Four:

JANUARY 09, 2014.
FRIDAY 11:03PM

Inikot nilang lahat ang lugar na magkakasama. Anim na flashlight ang pinaghahatian ng labing isa. Sa bawat pintong kanilang nadadaanan, mayroong mga LED clock sa itaas na bahagi nito na kanilang ipinagtataka. Mayroon ding mga numero na nakalagay sa pinto ngunit hindi ito sunod-sunod.

NICO: Sa tingin mo nalibot mo na 'tong buong lugar?

Tanong ni Nico kay Justin.

JUSTIN: Aa.. Hindi pa.

Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa lugar na parang isang malaking bulwagan o rotunda. Napakataas ng kisame at meron itong magagandang disenyo. Lahat ng flashlight ay nakatutok sa isang magandang kisame.

ALFIE: Wow! Ang ganda.

Bigkas ni Alfie, sumang ayon ang lahat sa kanya. Ang itsura ng kisame ay parang isang ancient sculpture. Habang manghang mangha ang ilan ay mayroong napansin si Kyla na puting bagay sa di kalayuan.

KYLA: Guys, ano yun?

Tanong niya, napukaw niya ang atensyon at napalingon ang mga ito sa kanya. Itinuro nya ang kanyang tinutukoy at nakita nila ang puting bagay. Itinapat nila ang flashlight at nabigla sila sa kanilang nakita. Isang tao ang nakaupo sa isang upuan at napapaikotan ng kadena. Nakaputi ito at nakayuko hindi nila mawari kung buhay pa ito dahil hindi ito kumikibo, ngunit isang bagay lang ang tiyak nila, ang nakaupo ay isang lalaki. Dahilan upang agad na maghinala si Julian. Tumakbo sya at nilapitan ang lalaking nakaupo. Hinangad niya ang ulo nito at nagulat siya sa kanyang nakita. Tama ang kanyang hinala. Nagsilapitan din sina Maricar sa pwesto ni Julian at laking gulat nila sa kanilang nakita, dahil ang taong nakaupo ay si Hiko.

JANUARY 09, 2014.
FRIDAY 11:10PM

RANDY: Bakit sya nandito?

Gulat na reaksyon ng lahat habang patuloy na ginigising ni Julian ang walang malay na si Hiko.

CANDICE: Di ba pwedeng tanggalin na muna natin yung kadena?

JULIAN: Mahigpit yung pagkakadena sa kanya.

RANDY: E kung sirain na lang natin yung upuan para lumuwag yung kadena.

JULIAN: Gawa sa bakal yung buong upuan.

Maya-maya pa sa kalagitnaan ng pag-uusap nila ay nagkaroon ng malay si Hiko. Agad itong nagpanic dahil sa sitwasyon niya. Napaiikutan sya ng mahigpit na mga kadena. Agad na nilapitan ni Julian ang kanyang bestfriend.

JULIAN: Hiko, Relax! Calm down, ok?.. Maaalis din natin yung kadena.

HIKO: A.. Anong ginagawa nyo dito?.. San.. Nasan tayo?

Agad na tanong ni Hiko.

JULIAN: Wala rin kaming ideya. Nagising na lang din kami dito katulad mo. Pero wag kang mag alala, Makakalabas din tayo. Pero kailangan na muna nating matanggal yung kadena sa'yo.

The Game Maker: Dice GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon