Dice Game - PART X

136 4 3
                                    

One Place

One Night

Thirteen Lives

Who Will Survive?

The Game Maker

Chapter Ten:

JANUARY 10, 2014.
SATURDAY 12:35AM

JOANNA: Mahirap talagang matukoy kung kasama ba talaga natin yung Game Maker o niloloko lang tayo ng boses, wala tayong kaide-ideya.

Napaisip ng malalim si Randy.

RANDY: Sa tingin ko alam ko na kung paano natin masasagot ang tanong na yan.

Bigkas ni Randy, napalingon ang lahat sa kanya.

HIKO: Paano?

RANDY: Yung mga ballpen.

MARICAR: Yung mga ballpen?

RANDY: Oo, yung mga ballpen. Di ba sabi mo Alfie nakita mo yung mga ballpen natin sa kwartong pinanggalingan mo?

ALFIE: Ah, o-oo. Bakit?

RANDY: Pwedeng masagot nun yung mga tanong natin, kung yun nga talaga yung mga ballpen natin.

JUSTIN: Huh? Paano?

NICO: Oo nga. Paano kung bumili lang yung Game Maker ng mga ballpen na katulad saten tapos pinalagyan lang ng mga pangalan natin.

RANDY: Masmaganda ngayon e, para may pagbasehan tayo.

JOANNA: Huh? Hindi ka namin ma-gets. Ipaliwanag mo nga ng maayos.

JULIAN: Oo nga, tsaka pano makakatulong yung mga ballpen na yun na masagot yung tanong natin?

Pagtataka ng lahat. Bumwelo muna si Randy ng paghinga bago sya nagpaliwanag.

RANDY: Ok, ganito yun.

Sambit nya, nakatuon ang lahat sa kanyang mga sasabihin.

RANDY: Sa ballpen naming dalawa ni Kathleen, meron kaming nilagay na palatandaan, isang sticker na naisipan naming ilagay at idikit sa ballpen namin. Mapapatunayan lang natin kung isa nga sa atin yung Game Maker kung nandun yung ballpen namin ni Kathleen na may sticker.

Paliwanag nya, nagtataka naman si Joanna habang nagpapaliwanag si Randy. Dahil sa tuwing babanggitin nya ang pangalan ni Kathleen ay hindi sya makaramdam na nalulungkot ito. Inisip nya na lamang na siguro nga'y ayos na si Randy at pinipilit na lamang nitong maging matatag.

KYLA: Ok, Paano kung kinuha lang ng Game Maker yung mga ballpen natin sa bag. Remember, nasa kanila yung mga gamit natin.

Sambit ni Kyla habang tinitignan sya ng lahat na nagpapaliwanag, samantala napangisi lamang si Randy.

RANDY: Edi, mas lalo nating mapapatunayan.

Bigkas nya, bumalik ang atensyon ng lahat sa kanya.

RANDY: Dahil imposibleng mapasama dun yung ballpen namin ni Kathleen.

Nakita ni Randy ang pagtataka sa mga mata ng kanyang mga kasama.

RANDY: Last month, tinapon namin ni Kathleen yung ballpen naming dalawa. Kung hindi natin makikita doon ang ballpen namin ni Kathleen, ang ibig sabihin lang nun ay bumili lang yung Game Maker ng bagong ballpen para lamang maging improvise, pero kung naroon nga ang ballpen namin ni Kathleen ang ibigsabihin nun, palagi lang naming kasama ang Game Maker dahil nagawa nyang makuha yung ballpen namin. Tinapon namin yung ballpen namin sa ROTC field ng school. Kaya namin yun tinapon, dahil gusto na naming makalimutan ng tuluyan ang tungkol sa bakasyon natin, pasensya na kung nilihim namin.

The Game Maker: Dice GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon