Dice Game - PART VIII

130 3 0
                                    

One Place

One Night

Thirteen Lives

Who Will Survive?

The Game Maker

Chapter Eight:

JANUARY 10, 2013.
SATURDAY 12:18PM

Nagmamadaling nagsisitakbuhan ang lahat upang puntahan si Randy.

JERRY: Ano bang nangyari?

Tanong ni Jerry kay Joanna.

JOANNA: Si Randy kasi, nagwawala sa kusina. Hindi ko sya maawat.

Tumakbo sila patungong kusina hanggang sa kanila narinig ang mga sigaw ni Randy. Nauunawaan nila kung bakit nagwawala si Randy, labis itong nasaktan dahil sa pagkamatay ni Kathleen.

Sa loob ng kusina, naabutan nilang magulo ito at ang ibang pagkain ay natapon na sa ibaba. Samantala, nakatalikod sa isang sulok si Randy.

JERRY: Randy?

Lumingon ito sa kanila at nakita nila ang galit sa mga mata nito. Napansin din nilang may kung anong hawak sa kanang kamay si Randy. Hanggang sa nakita nila at kanilang nadiskubre ang kutsilyo.

JUSTIN: Randy, ibaba mo yan.

Utos ni Justin, ngunit wala ginawang pagkibo si Randy na ikinatakot nila. Nanatili itong nakatingin ng masama sa kanila.

NICO: Randy, ano man yang iniisip mo, hindi tama yan.

RANDY: Alam kong hindi tama, pero para kay Kathleen, ipaghihiganti ko sya. Kaya umamin na sa inyo kung sino ang Game Maker dahil kung hindi isa isahin ko kayo.

Banta ni Randy.

JOANNA: Randy, naiintindihan namin yung nararamdaman mo. Kahit ako din nasaktan nung makita kong nangyayari yun sa best friend ko.

Maluha luhang sambit ni Joanna.

JOANNA: Pero, hindi ito ang solusyon.

CANDICE: Tama si Joanna, sa tingin mo ba matutuwa si Kathleen sa nangyayari sa'yo ngayon? Ipaghihiganti mo sya sa pamamagitan ng pagpatay sa sarili mong mga kaibigan, sa tingin mo yun yung gustong mangyari ni Kathleen? At kung gagawin mo yan, wala ka na ring pinagkaiba sa Game Maker, mamamatay-tao ka na rin.

RANDY: Mamamatay-tao? Speak for yourself! Lahat tayo dito naging mamamatay-tao magmula nung nagpunta tayo sa Baguio.

JESSICA: Hindi totoo yan, aksidente lang yung nangyari nung bakasyon.

Depensa ni Jessica.

RANDY: Talaga, Jessica? Aksidente? Kung aksidente lang yun, bakit kailangan nating itago?

Tanong ni Randy, wala nakaimik sa kanyang mga sinabi.

RANDY: Kasi, kahit sa sarili natin, aminado tayong may kasalanan tayo at may kinalaman tayo sa pagkamatay ng mga inosenteng tao na yun.

JERRY: Randy, wag mong sabihin yan. Walang may gusto sa nangyari. Aksidente lang ang lahat, wag kang magpapadala sa mga sinasabi ng Game Maker.

MARICAR: Tama, wag kang maniniwala sa Game Maker, ginugulo nya lang ang isip mo.

ALFIE: Wag kang mawalan ng pag-asa, Randy. Makakalabas din tayo dito. Pwede bang bitawan mo na yang kutsilyo?

KYLA: Oo nga, meron namang ibang paraan. Hindi mo naman kailangang pumatay ng mga inosenteng tao.

The Game Maker: Dice GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon