Dice Game - PART XV

79 4 0
                                    

One Place

One Night

Thirteen Lives

Who Will Survive?

The Game Maker

Chapter Fifteen:

JUNE 27, 2013.
THURSDAY 07:47AM

Maagang pumasok si Nico at iniisip pa rin ang mga na-receive nyang text messages kahapon. Nakita nya roon sina Joanna na nakaupo sa bench area at tumatambay. Hinihintay ang unang klase sa subject nila na Plumbing, Masonry and Concrete. Sinalubong sya ng pagbati ng magandang umaga matapos nun ay nagsimula na silang magtanong at makiusyoso.

JUSTIN: Sayang umuwi ka kaagad kahapon, nanlibre pa naman si Hiko.
JOANNA: Ano, kumusta na yung lolo mo?

Tanong nito sa kanya, hindi agad na makasagot si Nico dahil nahihirapan syang magsinungaling sa kanyang mga kasama, samahan pa ng titig ni Alfie na para bang gustong sabihin nito sa kanya na pinasok mo yan e, panindigan mo.

NICO: Umm.. Aa.. Ayos na sya, medyo ok na yung lolo ko..

LUISA: Mabuti naman, anong ba kasing sakit ng lolo mo?

Diretsong tanong ni Luisa na hindi napaghandaan ni Nico.

NICO: Ummm.. Ano, aa.. Itong bakasyon lang kasi na-stroke yung lolo ko, kaya medyo sensitive yung sitwasyon nya ngayon.

Bigkas nya habang pinagpapawisan. Napaniwala nya naman ang mga ito habang napailing na lamang si Alfie sa kanyang mga sinabi.

Habang nag-uusap sila ay dumating naman si Roland, ang presidente ng kanilang klase at ang bestfriend nitong si Norman.

ROLAND: Guys, may announcement!
Sigaw nito, dahilan upang mapalingon ang lahat.

JERRY: Ano yun?

ROLAND: Wala tayong klase sa Masonry ngayon.

Nang marinig nila ito ay sunod sunod nang nagsilabasan ang mga ngiti sa mukha nila. Tuwang tuwa ang lahat dahil tatlong oras na bakante ang schedule nila.

IAN: Seryoso? Bakit daw?

ROLAND: Kasi aalis sila ma'am, may meeting sila sa Manila kaya walang klase ngayon.

ZACK: Yun oh! Tara DOTA!

Agad na hiyawan ng tropa nina Ian.

ROLAND: Saglit lang, meron pa.

Natahimik ang lahat dahil sa sinabi ni Roland at naalala nilang hindi umaalis ang professor nila na walang iniiwang gawain para sa kanila.

ROLAND: May pinapagawa si ma'am.

RANDY: Ano na naman yun?!

Iritableng tanong nila.

ROLAND: May pinapagawang project si ma'am, mag-groupings kayo at a maximum of five members. Choose your own group tapos bigay nyo sakin yung listahan ng mga group nyo.

KYLA: Teka, ano ba yung pinapa-project ni ma'am?

ROLAND: Sabi ni ma'am bawat group daw gagawa ng limang bloke ng concrete, tapos kailangan yung limang bloke na yun magkakaiba yung proportion ng mixtures. Tapos ipapasa na sya sa Monday.

Nanlaki ang mga mata nila sa huling sinabi ng kanilang presidente.

JUSTIN: Sa monday na kaagad?

The Game Maker: Dice GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon