Dice Game - PART III

138 6 0
                                    

One Place

One Night

Thirteen Lives

Who will survive?

The Game Maker

Chapter Three:

JANUARY 09, 2014.
FRIDAY 10:21PM

Halos kalahating oras ng naghahanap sina Jerry at Kyla ng daan palabas pero wala pa rin silang makitang main door. Habang patuloy pa rin silang naghahanap. Nakita nila sa isang hallway sina Joanna, Nico at Jessica na abalang abala sa pagbubukas ng mga pinto. Nagtaka naman ang dalawa sa ginagawa ng tatlo.

JERRY: Huy!

Napukaw ang atensyon ng tatlo, hindi nila napansin sina Kyla at Jerry.

NICO: Kayo pala yan, Jerry.

KYLA: Anong ginagawa nyo?

NICO: Hinahanap ang daan palabas.

JERRY: Wow! At literal nyo talagang ginawa. Ang kailangan nating mahanap yung "main door" hindi buksan lahat ng pinto. Bakit nyo sinasayang yung oras nyo dyan?

JESSICA: Hindi namin sinasayang yung oras namin. Nagbabaka sakali lang, si Joanna ang naka isip ng paraan na 'to at maganda yung naisip nyang plano.

Tinignan ni Jerry si Joanna at nginitian lang sya nito.

JERRY: Ano na naman 'tong naisip mo? Ito ba yung dapat nating ginagawa?

Bulyaw nya kay Joanna. Hindi natuwa si Nico sa ginawa ni Jerry.

NICO: Hayaan mo syang magpaliwanag, maganda yung naisip nyang plano.

JERRY: Maganda?... Wala na tayong oras para mag isip pa ng ibang plano.

NICO: Bakit di mo muna kasi pakinggan yung naisip nya.

JERRY: Wala na akong oras na pakinggan yung plano nya.

NICO: E ikaw naman pala 'tong mayabang e.. Kailangan nating magtulungan ngayon. Hindi sa lahat ng pagkakataon ikaw ang masusunod. Hindi 'to group project. Masyado ka kasing ma pride.

JERRY: Anong sabi mo?!

Napansin ng tatlong babae na nagkakainitan na ang dalawa.

KYLA: Itigil nyo nga yan, para kayong mga bata.

NICO: Sino bang nauna?

JERRY: Oh, bakit? Sino ba?

NICO: Ang yabang mo talaga 'no.

Nag init na ang ulo ni Jerry kay Nico kaya't aambahan nys na sana ito ng suntok. Mabuti na lamang at agad na naawat nina Jessica ang dalawa. Samantala, nakita nina Randy, Julian, Kathleen at Candice ang kaguluhang nangyayari sa kanila.

RANDY: Oy, ano yan?

Nilapitan nilang apat ang lima.

JULIAN: Anong nangyayari dito?

JESSICA: Si kuya't Jerry kasi, muntikan nang mag away.

KATHLEEN: Bakit?

JERRY: Sya naman nanguna e. Tinatatawag nya akong mayabang at mapride.

NICO: Bakit? Totoo naman. Ayaw mong pakinggan si Joanna, lagi na lang gusto mo, ikaw ang nasusunod.

Nang binigkas ito ni Nico ay namula ang ang pisngi ni Joanna, napansin yun ni Candice at lalo syang nairita kay Joanna.

The Game Maker: Dice GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon